Chapter 41

134 6 0
                                    

The Beginning of the Storm

“I’m happy seeing you both… together. “

Pabalik na kami ng Bacolod ng maalala ko na naman ang makahulugang ngiti at mga salitang binitawan ni Tita Charie bago kami bumyahe paalis ng bakasyunan.

“You’re great, Cha. I’m happy seeing you when you’re being yourself. “

I can’t help not to smile. In this world where everyone is questioning who you are and what you can be, it is such a comforting feeling to know that amidst all the doubts and uncertainties there is someone who will tell you that they’re happy seeing you being uncertain.

My life is full of uncertainties but I’m willing to flow together with those uncertainties until I reach all of my certainties in life. My real self. Who I really am.

We left Villa Rosa. Hindi ko na pinilit na makipag-ayos sa mga kamag-anak ko kasi kung gusto naman nilang makipag-ayos sa akin matagal na nila akong tinrato ng pantay, walang pagkukunyare at kundisyon. I’m happy na kahit si Tita Charie lang ang Tita kong kasundo ko, may kasundo akong alam kong hindi ako pagsasabihan ng masama kapag nakatalikod ako. Hindi naman ‘yon sa dami kundi sa kalidad.

“You’re smiling… “ I heard Keanu, almost a whisper dahil tulog na ang dalawang bata sa back sit. Nangungusap ang mga mata niyang mistulang umiilaw dahil sa sinag ng palubog na araw.

“I’m happy, “ nakangiting tugon ko sa kanya. Napakagat ako sa pang-ilalim kong labi. Biglang mas bumagal ang pagtakbo ng sasakyan niya at kaonti kaming lumihis sa gilid ng highway.

“I’m happy seeing you happy, “ nakangiting sambit niya sa akin. “But still, we will talk about coming to Raiden’s party, “ then he lazily leaned closer to me and I felt his warm lips touch my forehead. Deserve ko ba ang maging ganito ka saya?

“Kissing… tss… “ kapwa kami napalingon sa back sit at natunghayan ang pamangkin kong nagkukunyareng tulog at halos mag dikit pa ang kanyang mga kilay. I rolled my eyes.

“Brat.

Ang buong byahe ay napuno ng mumunting kwentuhan namin ni Keanu. Mga gusto at hindi gusto. Mga paborito o hindi makakalimutang pangyayari pero hindi naman siya nag open up ng tungkol sa pamilya niya kaya hindi ko na lamang siya pinilit.

“Dito na tayo, “ narinig ko ang boses ni Keanu. Ramdam na ramdam ko ang mabango niyang hininga sa pisngi ko. Nakaidlip na naman pala ako. Madilim na ang paligid ng maimulat ko ang aking mga mata.

“Si Melo? “

“Kinuha na siya ng Dad niya. He’s asleep. His Dad carried him out of the car. “ he whispered. His voice is a bit husky.
“Amarah? “

“She’s still asleep, “ sagot niya at sinulyapan ang kapatid niyang komportableng natutulog sa likod.

“Baka sumakit ang leeg niya, “ pag-aalala ko.

“I’ll take her home, “

Umayos na ako sa pagkakaupo at ganoon din si Keanu.

“Happy… nangako na ako kay Raiden na pupunta ka sa birthday niya… “ nakangusong tugon ko kay Keanu. Nakasandal ang siko sa gilid ng bintana ng sasakyan niya habang hawak ang magkabilang gilid ng labi niya ay malaman akong sinulyapan ni Keanu.

“Happy, I don’t want to break my promise… “ still trying to win his yes.

“You shouldn’t have made a promise to him then, “ sabi niya sabay irap. Agad na umalingawngaw ang halakhak ko sa loob ng kotse niya.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon