Chapter 31

121 11 0
                                    

The Duo and The Territorial

Iminulat ko ang mga mata ko at agad tumambad sa akin ang mga DIY kong ulap na nakatali sa kisame ng kwarto ko, umiilaw pa rin sila. Tiningnan ko ang oras mula sa wall clock ko at tanghali na pala. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog--- shocks! Nakatulog ata ako habang kausap si Keanu. Kinapa ko ang phone ko, napabangon ako sa pagkakahiga para hanapin ang cellphone ko. At nahanap ko siya sa gilid ko, natakpan ng kumot at naalala kong chinarge ko ‘to habang kausap si Keanu. Dinampot ko ito at buong gulat ko ng makita kong naka video call pa rin ako kay Keanu. Is this even possible?

Ang tanging nakikita ko lamang ay ang kitchen nila. It’s familiar kasi once nakapunta na rin ako dito when Keanu offered me coffee.

“Did he watch me sleep? “ bulong ko sa sarili ko. Napasinghap agad ako ng mapagtanto na posibleng pinanuod ako ni Keanu na matulog.

“Ang likot mo even when you’re asleep, “ nagulat ako ng marinig ko bigla ang  boses niya mula sa phone ko, tiningnan ko ulet ang screen ng phone ko at nakita ko si Keanu. Nakahalumbaba sa kitchen counter, nakasuot ng apron, messy hair and his notorious blank expression.

“Cha, magtatanghalian na. “ rinig kong tawag ni Aling Beday mula sa labas ng kwarto ko.

“Susunod na po, “ sagot ko.

Nagsipilyo at nagsuklay muna ako bago bumaba. Tinali ko ang buhok ko into a walang ka effort-effort na messy bun. I’m still wearing my pyjamas at mamaya na ako maliligo pagkatapos ko kumain.

“Tinanghali ka ng gising ah, nag puyat ka ba? Anak naman--- “

“Hindi po ako nagpuyat dahil sa pinag-usapan natin kagabi, “ sagot ko kay Mommy. Nginitian ko muna siya at pumwesto na sa  hapag-kainan. Nakaramdam agad ako ng gutom seeing the food in front of me.

“Anong plano niyo ng mga bata ngayon? “ tanong sa akin ni Mommy sa pagitan ng pagkain niya. Ano nga ba? Wala akong na plano na gagawin ngayong sabado para sa kanila pero ang alam ko pupunta akong downtown dahil bibili ako ng gifts for them, graduation na kasi nila sa lunes.

“Mommy, nakalimutan ko na pupunta pala dapat ako ngayon ng downtown. Pwede paki asikaso na lang muna ng mga bata pag napaaga ang punta nila dito? Hindi ko kasi alam anong oras ako makakauwi eh, “ pakiusap ko sa Mommy ko. Nakita ko naman agad ang pagtango niya habang nginunguya niya ang pagkain niya.

“Matatagalan ka  ba? Sino kasama mo? Kasama mo si Keanu? “ tanong ng Mommy ko sa akin. Nahihiyang tiningnan ko si Mommy bago ako sumagot, panigurado kasi aasarin na naman niya ako.

“Mag-iingat kayo, “ tugon na lang ni Mommy at makahulugan akong nginitian bago pa ako makasagot sa kanya.

“Opo, “ tanging nasabi ko sa Mommy ko bago ko isinubo ang pagkain sa kutsara ko.

"Anong oras ba kayo uuwi, Cha?" tanong ni Mommy sa akin. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan ng kwarto ko habang ako naman ay nag-aayos sa harap ng vanity mirror ko.

"Hindi ko alam, Mommy. Siguro uuwi rin kami agad, " sagot ko kay Mommy at ipinagpatuloy ko ang pagpapatuyo ng buhok ko.

"Talaga ba?" nasilayan ko ang malisyosang pag ngiti ng Mommy ko sa repleksyon niya sa salamin. Nakataas pa ang dalawang kilay niya.

"Mommy naman eh. " angal ko sa pang-aasar niya sa akin.

"What? My eyes are blurry, I need to raise my eyebrows. " aniya at kinusot niya ang dalawang mga mata niya. Nilingon ko siya at mas naging klaro ang pagpipigil niya ng ngiti.

"Stop it, Mommy. " seryosong sabi ko.

"Fine, bababa na muna ako at wag ka masiyado magpaganda diyan." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumalikod na siya at mas narinig ko ang paglakas ng mapang-asar niyang tawa. Mommy talaga eh.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon