Chapter 23

129 15 3
                                    

Mole and An Extra


"You love riding this bike more than your car?"

"Bigay ng lola ko sa akin 'to when I graduated highschool, "

"Alam mo hindi ako marunong mag bike." sabi ko kay Keanu habang naglalakad kami.

Hila ang bike sa gilid niya, magkatabi kaming dalawa habang tinatahak ang daan pauwi. Unti-unting nagiging kulay kahel na rin ang kalangitan, palubog na ang araw. Tahimik ang paligid, tulad kanina may iilang aso kaming nakakasalubong pero inunahan ko na si Keanu na suwayin kasi baka asarin na naman niya tapos habulin na talaga kami ng totohanan.

"Hindi ka ba nag-aral o tinuruan?" tanong niya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Sabi kasi ng Daddy ko, bikes are for boys kaya kailangan ko mag-aral ng maigi to own a car, " natatawang sabi ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung saan nakuha ng Daddy ko yung thought na 'yon.

"What?" asik ni Keanu kaya lalo akong natawa sa naging ekspresyon niya. Nakakunot ang noo at halos magkasalubong na ang kilay niya pero nangungusap pa rin ang magaganda niyang mga mata.

"Ang conservative talaga ng Daddy ko, madami kaming rules sa bahay. Kuya Erick waited for Ate Mara to graduate college, MU na sila highschool pa lang talaga pero ang rules ng Daddy ay parang ginto, mahirap baliin," napangisi na lamang ako sa mga naalala ko.

"He's good at waiting. " saad ni Keanu kaya't napasulyap ako sa kanya.

"But not everyone is good at it," I smiled at him. Sinulyapan niya ako, nagtama ang mga tingin namin.

"If you want something so bad, you'll wait for it," He smiled at me. Naramdaman ko na naman ang hindi normal na pagkabog ng puso ko at ang panunuyo ng lalamunan ko. I bit my lowerlip para pigilan ang nagbabadyang ngiti sa mukha ko.

Habang naglalakad napadaan kami sa isang bakanteng lote, suminag sa mukha ni Keanu ang kulay kahel na sinag ng palubog na araw. Lumiwanag ang mukha niya, parang nag slowmo ata lahat para sa akin. Biglang bumagal ang pagsayaw ng buhok niya sa hangin, ang pag kisap ng mapupungay niyang mga mata at pagkaway ng mahahaba niyang pilikmata, na dipina ng sinag ng araw ang matangos niyang ilong at ang anino nito, nakakamangha ang pamumula ng pisngi niya. Sa isang iglap parang naging perpekto ang lahat.

"May nunal ka pala," napatigil ako sa paglalakad at hindi ko napigilan ang pagdampi ng mga daliri ko sa dulong gilid ng left eye niya kung saan may nunal siya na hindi mo mapapansin unless tititigan mo siya ng matagal at malapit. Hinawakan ni Keanu gamit ang isang kamay niya ang kamay kong nakadampi sa parte ng mukha niya, biglang nagkarambola na naman ang tiyan ko kaya't nahihiyang binawi ko ang kamay ko.

"May nunal ka rin sa pisngi. " saad niya.

"Daanan ng luha. " sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya kasi nararamdaman ko pa rin ang hiya sa sistema ko. "Sabi nila pag may nunal ka raw sa daanan ng luha, palagi kang iiyak. " dagdag ko

"Naniniwala ka ba don?" tanong niya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Parang?" hindi siguradong sagot ko sa kanya.

"Palagi ka bang umiiyak?" sunod na tanong niya kaya't napasulyap ako sa kanya.

Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko na nagawa pa ang gumalaw ng maramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko, caressing the tiny mole in my cheek.

"I wish you'll never have to cry again, "

"But if you do, I want to be there to wipe all those damn tears away. "


"Mommy, alis na po ako,"

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon