Chapter 26

151 9 0
                                    

Ticket to Happiness

Kung iisipin mo pag nagkaroon ka ng isang buong araw na hindi ka umiiyak o nalulungkot, o kahit isang oras na lamang, isa ka na sa napakaswerteng mga tao sa mundo. Sa mundo kung saan sa bawat sulok na titingnan mo may makikita kang lungkot, may mararamdaman kang bigat ng loob at problema. May makakasalubong kang mga tao na may kanya-kanyang dinadala, nawalan ng mahal sa buhay, bumagsak sa klase, na sisante sa trabaho o halos himatayin na sa pagtiis sa gutom. Ang swerte na natin pag nagawa pa natin ang ngumiti sa kabila ng mga problema natin sa buhay. Pero kung iisipin mo rin na sa bawat tatlong taong may dalawang taong malungkot sa buhay at isa lang ang masaya, kahit yung isang tao na lang na yun ang tumapik sa balikat ng dalawang taong malungkot, magbigay saya sa bawat isa magiging mas madami ang taong masaya. Happiness is one of the greatest and richest gift you can share to anyone in this world where there are chaos and sadness.

Tinitigan ko ang sapatos ko habang nakakapit naman ako nang mahigpit sa bag kong nakasukbit sa balikat ko. Nakatayo ako sa labas ng hotel hinihintay ang taong nakakapagpapasaya sa akin.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot si Keanu sa gilid ko. As usual, nakasuot na naman siya ng plain black shirt, grey cotton shirt at puting rubber shoes. Neat clean and gwapo.

"Happy!" tugon ko ng makabawi sa pagkagulat. Ngumiti ako nang napakalaki kay Keanu na sinuklian niya rin ng ngiti. It warms my heart whenever I see this sad boy, smile.

"I thought nakalimutan mo na tawagin ako niyan," he smirked.

"I told you 'di ba? I'll call you happy para maalala mo palagi na maging masaya. Happy! Happy! Happy!" I said happily na sinundan nang mahina niyang halakhak.

"May I?" tanong niya sa akin. Inabot ko naman sa kanya ang bag ko at kinuha naman niya sa akin then dramatically bowed a little bit with his right hand on his chest.

"Lead the way Mr. Callejo."

Ilang araw na rin ang nakalipas at parang nasanay na rin ako sa ganitong set-up. Ihahatid ako ni Dylan sa umaga at susunduin ni Keanu sa gabi. Ayoko na lang pigilan si Dylan, dalawang linggo lang naman ang hiniling niya and I have been very vocal sa kanya tungkol sa kung anong mayroon kami. Hindi ko alam kung anong alam ni Keanu kasi hindi naman siya nagtatanong tungkol sa sino ang naghahatid sa akin sa umaga pero wala pa rin siya absent sa pagsundo sa akin sa trabaho.

"Pwede ba tayo dumaan sa supermarket? Gusto ko sana bilhan si Mommy ng lemons kasi gagawan ko siya ng honey lemon tea, napansin ko medyo umuubo siya kanina eh," pakiusap ko kay Keanu. Nakasakay na kami sa sasakyan niya.

"Sure," simpleng sagot ni Keanu habang malumanay na tumatango.

"Ayaw rin kasi ni Mommy yung madalas na umiinom ng gamot, madalas she's into herbal teas or organic juices pag masama pakiramdam niya," kwento ko kay Keanu habang tinutulak niya ang grocery cart at nakapwesto naman ako sa gilid niya.

"Ikaw? Madalas ka ba magkasakit?" tanong ni Keanu.

"Hindi naman masiyado, minsan lang pag sobrang pagod sa trabaho," I answered him while smiling.

Nag tungo kami sa fruits and vegetable section para kumuha ng lemons na kailangan ko. Habang naglalakad kami napadaan kami sa section ng pastas, nagkaroon tuloy ako ng bright idea.

"Happy?" I called him then he glanced at me. "Will you cook spaghetti for us tomorrow?" I imagined myself looking like a puppy.

Nagulat ako kasi hindi naman umangal si Keanu sa pakiusap ko na ipagluto niya kami ng mga bata ng spaghetti bukas, sabado. Ang saya-saya ko tuloy habang nagbabayad sa cashier. Keanu insisted na bayaran lahat, treat niya raw sa mga bata ang spaghetti. Sus.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon