Chapter 7

237 28 9
                                    

Envelope and The New Kid

He keep on shooting me with the watergun sa noo ko at natawa na ako ng tuluyan.

"Keanu! Madaya ka ah!" pag angal ko.

Naramdaman ko na basa na ang white T-shirt ko. Sinangga ko ng mga palad ko ang mga tira niya.

"Kuya, stop it. " nakita ko si Amarah na binabasa si Keanu gamit ang sariling watergun.

"No, baby. This is revenge---" hindi niya natuloy ay sasabihin niya sana ng wala ng tubig ang lumabas sa watergun na hawak niya. Pinisil niya pa ang trigger ng ilang ulet pero wala na talagang lumalabas.

"Revenge pala ha?" napansin ko ang hose na kanina ko pa pala tinatapakan. Pinulot ko ito habang nakatingin pa rin kay Keanu at nakangisi. Napansin ko ang pagbabago ng facial expression niya.

"You. Don't." at nagsimula na siyang umatras.

Pinaandar ko ng gripo at nilagay ang hose. Ito yung ginamit kanina para malagyan ng tubig ang inflatable pool eh.

"Run. Keanu. Run. " I warned him.

Napuno ng tawanan at sigawan ang bakuran namin bukod sa Baby Shark pa rin ang naka-play sa speakers.  Si Mommy at Aling Beday nanunuod lang sa gyerang sinimulan ko.

Hinabol ko si Keanu at mas binasa ko siya ng tubig. Nakisali na rin ang ibang bata sa habulan namin. Pati sila, binabasa na rin si Keanu.

"Oops..." natahimik kami bigla ng nadulas si Ram sa basang damuhan.

Nagkatinginan kaming lahat. Walang gustong magsalita. Baka umiyak kasi si Ram dahil sa shock at sakit ng pwet niya.

"Hehehe..." Naiilang na sabi ni Ram at tumayo ng dahan-dahan.

And with that cue nagtawanan kaming lahat. Agad kong nilapitan si Ram para yakapin.

"Okay lang yan, Par. " sabi ni Keanu kay Ram at nag high five silang dalawa.

"Buti na lang hindi una mukha. " natatawang asar ni Emilyo.

Mas nabalot ng tawanan ang bakuran namin.


"Tama na yan, Czarina. Kumain na tayo. " pagtawag ni Mommy sa amin after 30 minutes.

"Tara na. Tara na mga bata. " inaya ko na yung mga bata papunta sa lamesang pagkakainan namin.

Sabay-sabay kaming naglalakad habang nagtatawanan.

"Cha..." Tawag ni Keanu na nasa likod ko. Pagkaharap ko sa kanya, umiwas naman agad siya ng tingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya sa pagtataka.

"I think you need to change first. " sagot niya ng hindi pa rin nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa sarili ko at natrigger ako ng kulay cream kong bra dahil sa basang puting T-shirt ko. Agad kong tinakpan ang dibdib ko at nakaramdam ng hiya.

"Oo nga.. Hehe.. " imbes na sa tumungo sa kanila ni Mommy, lumihis ako ng daan at takbo-lakad akong pumasok ng bahay.

Umakyat ako sa hagdan at pumasok agad sa kwarto ko. Inabot ko yung robe kong kulay pink na nakasabit sa likod ng pinto ko at saka ko lang napansin na litaw nga ang bra ko pagsulyap ko sa aking vanity mirror.

Hindi naman ako naging conscious kasi nasanay ako na mga bata ang kaharap ko.

Agad kong sinuot ang robe ko para makababa na rin pero bago ko mabuksan ang pinto ng kwarto para makalabas nakita ko ang nakapatong na maliit na pink envelope sa aking study table.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon