CHAPTER 5

3.4K 73 0
                                    

(Angel POV)

                 Nagising ako ng maaga at ang hapdi ng mata ko, namamaga pa.
Naalala ang nangyari Kay papa so totoo nga, wala na si papa.

  
                Naiyak na naman ako dahil sa naaalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko si papa.

               Wala na, wala ng yung taong makakaintindi sakin, yung taong nagpapasaya sa akin, yung taong kakampi ko sa anumang bagay, yung taong nakakaalam kung may problema ako, yung taong nagbibigay oras para makipagkulitan sakin at yung taong minahal ako kahit makulit ako.

                  Hindi ko alam pero wala na akong gana sa buhay. Humiga na ulit ako at nagtulakbong ng kumot habang umiiyak.

(Sandra POV)

                Nandito ako ngayun sa harap ng pinto ni angel. Dinig na dinig ko ang hikbi ng anak ko.

                Alam kung mas malapit sila ng papa niya kaysa sakin kaya mas nasasaktan siya kaysa sakin.

                Nasasaktan akong nahihirapan ang anak ko ng ganito. Ayoko kung nahihirapan siya, sana naman huwag siyang kainin ng galit.

                Ilang sandali lang ay tumigil na ito sa pag-iyak kays pumasok na ako.

                 Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakatulakbong siguro nakatulog na dahil sa kakaiyak.

                 Baba nalang ako at magdadala dito ng pagkain dahil alam ko hindi yan lalabas.

(Sheila POV)

              Nandito ako ngayun sa classroom hindi nakikinig kay prof math kasi alam niyo naman dba na mahina ako sa math haha... mahina pala sa lahat ng subject.

              Two weeks na rin ang lumipas at hindi parin pumasok si Angel.

               Alam ko masakit yun para sa kanya dahil parang malapit sila ng papa niya.

                By the way may bagong grupo ng gang at hinamun niya ang grupo namin ang dragon gang.

                 Kaya may laban kami mamayang gabi sa underground arena.

                 Ang alam ko ay nag-iisa lang siya at ang pangalan ng gang niya ay Devel Princess.

                   Malakas siguro ang taong ito dahil hinamun niya ang pangalawa sa malakas na grupo sa gang world.

                   Hindi ko pa rin nakukumbinsi si angel na sumali ng gang namin pero hihintayin ang ko araw na makapagdesisyon na siya.

              "Nakaboring talaga ang mga araw ko dahil wala akong makukulit." I murmured

               Kumusta na kaya siya ngayun sana naman pumasok na siya, namimiss ko na siya.

Ringgggg!    Ringggg!

             Ayun uwian na exciting to dahil wala na akong nakakalaban o nabubugbug man lang haha.

               Didiretso nalang ako sa underground para makita ko kung sino-sino ang maglalaban ngayun.



-----

            Nandito lahat ng grupo ng gang namin at nandito rin ang ibang grupo ng gang tulad ng tiger, snake, lion, Black gang na nangunguna mundo ng gang world at the princesses.

              Pero wala pa ang Devel Gang, naghihiyawan na ang mga tao dito halatang gusto na nilang simulan ang laban.

            Maya-maya pa ay may pumasok na I think babae hindi ko alam nakasuot siya ng ted na mask at all red na outfit.

"The Gangster Queen Is The Long Lost Powerful Princess" [On Going]Where stories live. Discover now