Chapter 01
Lauren Point of View
After 10 years . . . .
Sampung taon na ang nakalipas mula nung ikasal kami, sa loob nang sampung taon.
Naging masaya naman kaming pamilya at si Azi lang ang anak namin, hindi na kami nag-apon pa.
Speaking of Kai, naging mabuti naman syang asawa at mommy sa amin ni Azi. Minsan nga sinisita ko na sya eh, pa'no ba naman kasi! Laging sinusunod yung gusto ni Azi.
Ayoko naman lumaki nang spoiled brat si Azi. Gusto ko syang matuto gumalang at magpakumbaba.
Ayoko sya lang lumaki na katulad na ibang bata na walang galang at bastos.
"Hi mommy." Bati ni Azi sakin at niyakap agad ako.
Niyakap ko rin sya at pinaupo sa lap ko. "How is your day?"
"Masaya po mommy." Sagot nya at hinalikan ako sa cheek.
Ang sweet talaga nang anak ko, manang-mana kay Kai. "Mommy uwi na po tayo."
Nandito kasi kami sa Hospital, sabi ko kasi sa Yaya ni Azi na dito sya idiretso pagtapos ng school.
"Mommy please, baka andun na si Omma." Sabi nya at nagpuppy eyes pa.
Tumingin ako sa wrist watch ko at five thirty na pala. "Kumain kana ba baby?"
"Opo mommy, pinakain ako ni Yaya sa Mcdo." Sagot nya at ngumiti sa Yaya nya.
"That's good, cge uuwi na tayo." Pinaupo ko sya sa isang upuan at nagbihis na.
Matapos kong magbihis, tinungo na namin kung nasaan ang kotse ko. Yung driver at Yaya nya ay nauna na umuwi.
Sumakay na si Azi sa shotgun seat at ako naman ay sumakay narin sa driver seat.
Inayos ko muna yung seatbelt namin dalawa bago ko pinaandar yung kotse ko pauwi nang mansion.
Habang nagdadrive ako, biglang nagring yung cellphone ko kaya sinuot ko sa isang tenga ko yung earpiece.
Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Kai pala.
*Kai Calling*
"Hello honey."
"Hi hon, nasan na kayo ni baby Azi?"
"Pauwi na kami honey."
"Tagal nyo naman hon, dumating na yung Yaya ni Azi."
"Talaga? Bilis naman nila."
"Cge hon, i'll hang up na. Hintayin ko kayo."
"I love you Kai."
"I love you too Lauren."
*Calling Ended*
Tinanggal ko yung earpiece at nilapag ko sa harap ko. Maya't-maya biglang nagred light kaya napatigil ako.
Tinignan ko si Azi, nakita ko syang tulog habang nakanganga. Mukhang napagod nga si Baby Azi.
Tumingin na ko ulit sa daan at green light na pala. Pinaandar ko na muli ang kotse.
After minutes of driving nakarating nadin kami. Pinarada ko na yung kotse at bumaba.
Binuksan ko yung shotgun seat at dahan-dahan binuhat si Azi para hindi magising. Nang makapasok kami, sinalubong agad ako ni Kai.
"Tulog?" Mahina nyang tanong.
Tumango lang ako, tinawag nya si Yaya at kinuha naman sakin ni Yaya si Azi. "Yaya dahan-dahan lang ah, para hindi magising."
Tumango lang ito at umakyat na habang karga si Azi. Lumapit naman ako kay Kai at hinalikan sya sa pisngi.
"Bat ang tagal nyo dumating hon?"
"Medyo traffic eh."
Umupo kami sa sofa. "Dapat pala sinundo ko nalang kayo."
"Okay lang, alam kong busy karin. Pare-pareho lang naman tayong busy."
"Kaya nga, kaya halos wala na tayong time para sa isa't-isa. Nakakapag-bonding lang ata tayo kapag lalabas tayo nila Azi eh."
"I know."
"Hyst, kelan kaya tayo ulit makakapag-sexy time?"
Hinampas ko ito sa braso. "Manyak ka talaga."
Natawa lang ito at sumandal sa balikat ko. Pinikit ko nalang yung mata ko, tsaka kanina pa gusto pumikit ng mata ko.
♪End of Chapter♪
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Malaya || Wattys 2018
Cerita PendekIto ay kathang isip lamang at wag seryosohin. basahin mo ito kapag natapos muna basahin ang 'Married to my Principal' Ito ay book ng two ng 'Married to my Principal' Read at your own risk!