Chapter 15

1.3K 27 0
                                    

Chapter 15

Lauren Point of View

Habang nag-aayos ako nang gamit, biglang pumasok yung personal bodyguard ko.

"Ma'am Lauren."

Tumingin ako rito. "Bakit?"

"Nasa labas na po ang helicopter ma'am."

"Susunod na ko."

Tumango lang ito at lumabas na. Pinagpatuloy ko na ang pag-ayos sa damit ko.

Nang mai-sure kong wala na kong naiwan, agad akong lumabas at hangin agad ang sumalubong sakin.

Agad lumapit sakin yung personal bodyguard ko at kinuha yung mga dala ko.

Yung isa naman na bodyguard ay inalalayan ako paakyat sa helicopter. Siya narin ang nagsuot ng headphone sa tenga ko.

→Fast Forward←

Twelve o clock na nung makarating kami sa airport. Ang airport na ito ay pagmamay-ari ni Kai.

Lumabas na kami ng airport at sumakay na ko backseat, yung personal bodyguard ko kasi ang magdadrive.

After one hour nakarating nadin kami sa tapat ng mansion. "Dalin mo muna 'toh sa bahay nyo, baka kasi magising sila kapag nakarinig ng makina nang kotse."

"Cge po ma'am, ibabalik ko nalang po ng maaga bukas."

"Kahit hapon muna ibalik, salamat huh."

Bumaba na ko nang kotse at pumasok sa loob ng mansion. Yung guard naman ay nasa likod ko, dala yung bagahe ko.

"Manong pakilagay nalang dyan sa gilid."

Tumango lang ito at nilagay sa gilid. Dahan-dahan akong naglakad paakyat. Pinihit ko yung door knob ng kwarto namin ni Kai.

At dahan-dahan pumasok sa loob, nakita ko syang mahimbing na natutulog at nakita ko sa gilid nya na may baso.

Lumapit ako dun sa baso at inamoy. Hmm . . . Amoy alak. "Hmmm . . "

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kai na dahan-dahan nagmumulat. Nang makita ako nito, biglang nanlaki ang mata nya.

"Lauren?!"

"Wag kang maingay, baka magising sila." Sita ko sa kanya at naupo sa gilid ng kama.

Nagulat ako nang bigla ako nitong hilahin pahiga at umibabaw sakin. "A-anong g-ginagawa m-mo?"

Nagulat ako nang may tumulong luha sa mata nito, bigla akong nakaramdam ng awa.

"Namiss kita." Umiiyak nitong wika at niyakap ako.

Niyakap ko rin sya pabalik. "I miss you too."

Maya't-maya humiwalay ito nang yakap at tinanong ako, para kaming naglalaro. Sya ang nagtatanong, ako ang sumasagot.

Three o clock na ng matapos kami mag-tanungan, naghilamos muna ako bago natulog. Ramdam ko sa yakap nito ang pagka-ulila.

•End of Chapter•



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter



Malaya || Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon