Chapter 07

1.2K 24 0
                                        

Chapter 07

Lauren Point of View

Habang pinag-aaralan ko yung mga papeles na pinadala kanina sakin, biglang may kumatok sa pintuan.

"Come in!" Medyo pasigaw kong wika.

Tumingin ako sa nagbukas ng pinto, napatayo agad ako nang makita ko kung sino ang bisita ko.

"Ate Bianca." Mahina kong saad.

"Hi sis! Kamusta kana?"nakangiti nyang tanong.

Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Grabe! Namiss ko si ate Bianca, one year din kaming hindi nagkita.

Yung isa kasi naming company na naka-assign sa new york, nagkaron ng problema kaya pumunta dun si ate Bianca at hindi ko naman ine-expect na aabutin yun ng isang taon.

Halos wala rin kaming communication nung nandun sya sa new york dahil busy sya at wala syang time para mangamusta sakin.

"Sis hindi naman halatang namiss mo ko noh." Asar nito at niyakap rin ako pabalik.

Maya't-maya humiwalay na ko sa yakap at mahina syang hinampas sa balikat.

"Ouch, para san yun?" Sabay himas nya sa bandang hinampas ko sya.

"Arte! Mahina lang naman yun eh." Sabay irap ko.

"Hoy babae! Baka nakakalimutan mo, dati kang volleyball player at spiker ka." Sabay pitik sa noo ko.

Hindi naman ako nasaktan dahil mahina lang naman yung pitik nya. Naupo ako sa swivel chair ko at naupo naman sya sa harap ko.

"So kelan kapa dumating?"

"Nung nakaraang month pa, kaso busy ako kaya ngayon lang ako nakabisita sayo."

"Ate uso tumawag or mag text. Grabe ka! Namiss kaya kita tas ikaw parang hindi mo ko namiss."

Sabay pout ko.

"Namiss kaya kita, nga pala asan na yung maganda kong pamangkin?"

"Nasa school pa ate, mamaya pa yun."

"Sayang."

"Bakit ate?"

"Hindi ko na sya mahihintay dahil dumaan lang talaga ako dito para makita kayo kaso wala sya, siguro sasusunod ko nalang sya bibisitahin."

"Hindi kana magtatagal dito?"

"Busy ako sis eh, pero don't worry sasusunod na sabado bibisitahin kita."

"Anong oras ka aalis?"

"Maya-maya pa naman, tara lunch tayo."

"Cge, ayusin ko lang 'toh."

Inayos ko agad yung mga paper na ginagawa ko at nilagay ko muna sa isang tabi para hindi magulo at hindi kumalat sa sahig.

Matapos kong ayusin, tumayo na ko at tinanggal yung pang-doctor na uniform ko.

Sinabit ko yun at kinuha yung cellphone at wallet ko. "Let's go na ate Bianca."

Naglakad na kami papunta sa tapat ng Hospital dahil may resto dun, ayaw narin kasi ni ate lumayo dahil nagugutom na daw sya.

Pag-pasok namin dun, agad syang umorder at parang pang-apat na tao yung inorder nya para samin.

Kaya walang asawa eh, sobrang taba kaya walang nagkakagusto. Joke lang!

(A/N: Ang sama mo naman kay Bianca.)

(Wala kana dun author, magsulat kana lang.)

(A/N: Salbahe!)

(Author magsulat kana lang, walang basagan ng trip.)

Maya't-maya dumating na yung order namin at karamihan sa inorder ni ate Bianca ay seafood.




End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter






Malaya || Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon