Chapter 12

1.1K 24 1
                                        

Chapter 12

Lauren Point of View

Mabilis lumipas ang araw at nakabalik na ulit kami sa Philippines. Nung nasa California kami ay tuwang-tuwa ang mga bata at sobra silang nag-enjoy kaya nag-enjoy din kami.

Nandito ako ngayon sa hospital, may bago kasing sakit na kumakalat at worst ay nakakahawa pa kaya pinag-aaralan ko kung anong lunas sa sakit na ito.

*TOK!*TOK!*TOK!*

"Come in!"

Bumukas ang pinto at pumasok ang isamg doctor. "Ma'am may padala po kayo."

Nilapag nito sa harap ko ang isang box na hindi kalakihan. "Kanino galing?"

"Hindi po namin alam eh, iniwan lang daw sa guard."

"Cge."

Lumabas na ito. Pagkalabas nito, tinabi ko muna yung mga papel at hinarap ang box.

Hindi sa malamang dahilan pero bigla akong kinabahan. Dahan-dahan kong binuksan ang box at bumungad sakin ang isang envelope.

Nakalagay sa envelope na 'buksan mo'.

Kinuha ko yung envelope at dahan-dahan hinugot ang laman. Nanlamig at para akong babagsak, buti nalang ay nakaupo ako sa swivel chair ko.

Totoo ba 'toh?






Kai Point of View

Habang naglalaro ako nang cellphone, biglang tumunog yung intercom kaya pinindot ko yung button.

"Mrs. Stanford, papa-akyat po sa office nyo si ma'am Lauren at mukhang galit na galit."

"Okay."

Hmm . . . Siguro badtrip yung wifey ko.

*blag!*

Napatingin ako sa sumipa ng pinto at nakita ko si Lauren na may hawak na envelope habang nakatingin sakin, kitang-kita ko sa mata nya ang galit.

Agad itong lumapit sakin at binato sa mukha ko ang envelope na hawak nya. "What th——"

"Ano yan?!"

Nabigla ako sa sigaw nito.

Napatayo ako at tinignan kung anong laman ng envelope, nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Picture lang naman ito nung nasa California kami at sa hindi inaasahan, nagkasalubong kami ni Landen at bigla nya kong hinalikan.

Aalis na sana si Lauren pero mabilis ko syang hinigit at niyakap. No! Hindi ko sya pwedeng pakawalan.

"Hon let me explain."

Pilit itong pumipiglas hanggang sa nakawala sya sa bisig ko at binigyan ako ng isang malakas na sampal.

Agad itong umalis, medyo hindi nagsi-sink in sakin kaya hindi ko sya nahabol.

Napaupo nalang ako sa sahig at tinakpan ng palad ko ang mukha ko saka humagulgol.

Argghh!! Bat ba nangyayari 'toh?!!

Tumayo ako at pinaghahagis lahat ng bagay na mahawakan ko. Dumudugo na ang kamay ko pero hindi parin ako tumitigil.

"Grrr . . .  Ang tanga ko!!"

Biglang pumasok ang security at inawat ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari dahil biglang may tinurok sakin yung guard, basta ang alam ko. Nasaktan ko si Lauren.




|End of Chapter|



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter


Malaya || Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon