Chapter 03

1.6K 28 2
                                        

Chapter 03

Kai Point of View

Maaga akong gumising, siguro mga four thirty gising na ko. Agad akong naligo, matapos kong maligo. Nagbihis na ko nang short at sports bra.

Ganito naman lagi ang gawain ko eh, gigising ng maaga tas magja-jogging.

Minsan gusto ko mag-cuddle kami ni Lauren kaso hindi ko sya ginigising dahil alam kong pagod sya sa work nya.

Nang matapos akong mag-suot ng rubber shoes ko, agad kong sinuot yung smart watch ko. Yung relo na parang cellphone, yung natatawagan.

Bago ako magsimula magja-jogging, nagbilin muna ako guard namin na bantayan mabuti ang mansion.

Inikot ko ang buong village namin at nakaka-tatlong ikot na ko. Nang nasa park na ko, nakita ko ang isang bench kaya naupo muna ako dun.

Habang nakatingin ako sa kalawakan, biglang may naupo sa tabi ko kaya't napatingin ako dun.

"Hi." Sabi nung lalaki na naupo sa tabi ko.

Matangkad sya pero mas matangkad ako, mukha syang amerikano at sobrang kinis nya. Gwapo sya pero mas gwapo ako.😂

Ngumiti lang ako ng tipid dito. "Bago ka lang dito?"

Tsk! Napaka-feeling close naman nitong lalaki na'to.

"No, matagal na akong nakatira rito." Sagot ko.

"Oh. What's your name?" Nakangiti nyang tanong.

"Kaila Stanford." Tipid kong sagot.

"I'm Landen Asistio. Nice to meet you." Sabay lahad ng kamay nya.

Ayoko naman maging rude kaya tinanggap ko ang kamay nya. "Nice to meet you too."

Tumayo na ko. "Alis na ko."

Naglakad na ko paalis. "See you again."

Rinig ko pang sabi nya. Tsk! Wala akong pakelam sakanya.

Pag-pasok ko sa loob ng mansion, nadatnan ko si Lauren na inaayos ang uniform habang nakaupo sa Couch.

"Goodmorning hon." Bati ko at hinalikan sya sa cheek.

"Goodmorning honey, bat ngayon ka lang?" Tanong nya.

Tumingin ako sa smart watch ko at six o clock na pala. Haluh? Ang tagal ko pala nag-jogging.

"Hindi ko namalayan yung oras hon eh, cge maliligo na ko." Sabi ko at tumakbo na paakyat.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, nakita kong mahimbing na natutulog si Azi. Ang cute nya talaga, kamukhang-kamukha ko.

(A/N: Readers wag kayong naniniwala kay Kai, si Lauren talaga ang kamukha ni Azi.)

(Epal ka talaga author.)

(A/N: Atleast cute.)

(Maganda naman ako, gwapo pa.)

(A/N: Tss!)

Pumasok na ko sa CR at naligo na. After ten minutes natapos narin ako kaya nagbihis na ko nang office attire ko.

Naglagay lang ako ng unting lip tint and pulbos. Kahit naman lesbian ako, babae parin ako manamit at kumilos.

Hindi ko type na magsuot ng damit nang panlalaki, mas gusto ko parin ang damit ng babae.

Matapos kong mag-ayos nang sarili, agad kong kinuha yung cellphone, wallet at susi ng kotse ko then bumaba na ko.

Hindi ko nadatnan si Lauren at sabi ni manang ay umalis na daw. Binilin ko nalang kay manang si Azi and pumunta na ko sa garahe.

Nang makasakay ako sa kotse ko, biglang nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text.

From: Lauren my honey

Sorry honey kung hindi na kita nahintay, tumawag kasi yung secretary ko at marami daw pasyente kaya kailangana ako. Sorry talaga, sasusunod babawi ako sayo.

To: Lauren my honey

Okay lang hon, mag-iingat ka. I love you.

Tinabi ko na yung cellphone ko at pinaandar na yung kotse papunta sa company.






Ginger Point of View

"Sweetheart naman! Date na kasi tayo." Maktol ko.

Pa'no ba naman kasi! Laging busy si Liz sa company nyang iniwan sa kanya nang Dad nya.

Mula nung ikasal kami, puro trabaho nalang sya. Sa isang taon ata, isang beses lang sya nakakapag-bakasyon.

Mas mabuti pa nung mag-girlfriend kami eh, kasi may time sya sakin at naaalagaan nya ko.

"Fine! Pero one week lang ah." Sabi nya at mukhang labag pa sa kalooban nya.

Tsk! "Wag na nga, mukhang ayaw mo naman eh."

"Wag kana umarte Ginger, madami akong problema kaya please wag kana dumagdag."

Pakiramdam ko umakyat lahat ng inis ko sa dibdib ko. "Fuck Liz! Mula nung ikasal tayo, lagi nalang trabaho ang inaatupag mo. Mas mabuti pa nung mag-jowa palang tayo eh, naaalagaan mo ko at may time ka sakin."

Galit kong sabi at padabog akong lumabas ng kwarto, lumabas ako ng bahay at agad sumakay sa kotse ko.

Pinaandar ko ang kotse ko patungo sa pinakamalapit na bar sa village namin. After minutes of driving nakarating nadin ako, agad akong nagpark at pumasok sa loob.

Sari't-saring usok at amoy ng alak ang sumalubong sakin, pero i don't care. Sanay na ko, tuwing wala si Liz, dito lagi ako pumupunta para uminom at maglibang.

Umupo ako sa stool chair at agad umorder sa bartender nang margarita. Maya't-maya binigyan na ko nang bartender ng margarita.

Agad ko yun ininom. Sunod-sunod kong ininom yun. Nang maka-limang bote na ko, naramdaman kong umikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa upuan.

"Ma'am okay lang po kayo?"

Rinig kong tanong nung bartender pero hindi na ko nakasagot dahil biglang nagdilim ang paningin ko.




®end of chapter®




Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Malaya || Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon