Chapter 10
Lauren Point of View
Nandito kami ngayon sa airport road, nakaayos na lahat nang gamit namin at nasa loob na ng eroplano si Azi kasama si Mia. Yung inaanak ko.
Nandun narin yung Yaya ni Mia at Azi. Nasa loob narin sila Gail at Iris.
Hinihintay pa namin sila Ginger, halos thirty minutes na nga silang late eh. Magga-gabi narin, baka nga mamaya hindi na kami payagan umalis.
Nakaayos narin yung piloto at sa private plane kami sasakay, private plane ito ni Kai.
"Nasan na ba kasi sila?" Inis kong tanong kay Kai.
"Parating na daw sila eh." Sabi nito habang nakakunot ang noo.
For sure naiinip narin sya, ayaw pa naman nitong naghihintay. Pero pagdating samin okay lang, kahit nga isang taon nya pa kami hintayin ni Azi eh.😂
"Ayan na sila." Huminto sa harap namin ang isang pulang kotse.
Bumaba ang driver nun at binuksan ang pinto nang backseat. Bumaba si Ginger at Liz.
"Ang tagal mo!" Sabi ni Kai at sinuntok sa braso si Ginger.
"Aray! Yung hon mo Lauren ang gabing-gabi ang init ng ulo." Nakasimangot na sabi ni Ginger.
"Hi Lauren." Bumeso sakin si Liz. "Pasok na ko, kayo ng bahala kay Ginger."
Tumango at ngumiti lang ako. "Bat ang tagal nyo?"
Tanong ni Kai kay Ginger.
Sasagot sana si Ginger pero biglang lumabas ng kotse si Nam at tumakbo kay Kai at niyakap si Kai.
Si Nam ay anak ni Ginger at Liz, matanda si Azi ng dalawang taon kay Nam. Si Mia naman ay nine yearsold na, si Nam ay eight at si Azi ay ten yearsold.
"Tara na." Sabi ko at pumasok na sa loob.
Sumunod naman sakin si Ginger at Kai, nasa likod nila yung Yaya ni Nam. Naupo ako sa tapat ni Iris at naupo si Kai sa tabi ko, habang si Ginger ay naupo sa tabi ni Liz.
Yung mga Yaya ay nasa likod at nakikipaglaro sa mga bata.
"Bago 'tong eroplano mo?" Tanong ni Gail kay Kai.
"Yeah, binili ko 'toh nung nakaraang buwan lang." Sagot ni Kai.
"Ang yaman mo naman kapatid." Sabi ni Ginger.
"Siraulo! Hindi kita kapatid." Masungit na sabi ni Kai.
Nagtawanan naman kami kaya sumimangot si Ginger.
"Nga pala asan si ate Bianca?" Tanong ni Iris.
"Susunod nalang daw sya, bukas pa ata yun darating." Sabi ko.
"Ah okay, kamusta kana pala bilang doctor? Tagal natin hindi nagkita bestfriend." Malungkot na sabi ni Iris.
"Tsk! Nung nakaraang buwan kaya nagkita tayo." Taas kilay kong wika.
"Ay, oo nga noh." Natatawa nyang sabi.
"Tulog muna tayo, six hours pa ang byahe." Sabi ni Kai.
Inadjust nya yung upuan kaya medyo bumaba, ganun din ang ginawa nya sakin bago sya sumandal.
Parang makadugtong lang naman yung upuan namin kaya niyakap nya ko, ganun din ang ginawa nila Ginger at Gail.
♪End of Chapter♪
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
![](https://img.wattpad.com/cover/149526590-288-k441383.jpg)
BINABASA MO ANG
Malaya || Wattys 2018
Short StoryIto ay kathang isip lamang at wag seryosohin. basahin mo ito kapag natapos muna basahin ang 'Married to my Principal' Ito ay book ng two ng 'Married to my Principal' Read at your own risk!