Chapter 06
Kai Point of View
Lumipas ang dalawang linggo at walang Landen na nagpaparamdam, pero ang balita ko kay Bianca ay binili na daw ni Landen ang twenty five percent nya.
Ngayon ang mission ko ay malaman kung anong binabalak ni Landen at kung anong gusto nya.
"Hi honey. Bat ngayon ka lang?" Tanong ko kay Lauren na kakarating lang galing Hospital.
Actually hinintay ko talaga sya, hindi ko akalain na eleven thirty na sya makakauwi. Edi sana sinundo ko nalang sya.
Umupo sya sa couch at nagtanggal ng sapatos. "Madaming pasyente eh, hindi naman ako makaalis dahil kailangan nila ako."
Pumunta ako sa likod nya at hinilot ko sya. "Hmm . . "
Goddd! Bigla ata akong nakaramdam ng lust at init. Ano ba yan! Ungol palang pero ang lakas na ng epekto sakin.
"Honey matulog na tayo." Natauhan ako ng magsalita sya.
"Huh? C-cge t-tara." Inalalayan ko sya paakyat.
Pumasok kami sa kwarto at agad syang humiga sa kama namin. Tinanggal ko ang bathrobe ko dahil naiinitan ako.
Bakit kaya?
Ang lakas naman nung aircon, ah baka dahil sa lust.😂
Pagtingin ko kay Lauren, nakita ko syang mahimbing na natutulog. Grabe! Ang bilis nyang nakatulog.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at inayos ang pakakahiga nya, nilagyan ko rin sya ng kumot tas humiga na ko sa tabi nya.
Hyst! Hindi ko nasabi yung dapat kong sasabihin. Dibale na nga! Bukas nalang.
→Fast Forward←
Nagising ako dahil naririnig ko nang tumutunog ang alarm clock ko. Dahan-dahan akong nagmulat at tumingin sa alarm clock.
Four thirty na pala. Tumingin ako sa katabi ko at wala na akong nakitang katabi. Nasan na yun?
Tumayo ako at tinignan kung may tao sa CR pero wala. Pumasok nalang ako sa CR at naligo.
After fifteen minutes natapos nadin ako kaya nagbihis na ko nang t-shirt at denim short tas black nike shoes, hindi naman kasi ako papasok at wala akong balak.
Gusto kong ako ang maghatid kay Azi sa school at isa pa, bibisitahin ko narin yung Hospital ko.
Kinuha ko na yung wallet, cellphone at susi ng kotse ko then bumaba na ko. Naabutan ko si manang na binibihisan si Azi habang yung Yaya ni Azi ay hawak na yung bag ni Azi.
"Goodmorning manang." Bati ko at umupo sa tabi nya.
"Goodmorning anak." Bati nya habang binubutones ang uniform ni Azi.
Binati ko rin yung iba pang katulong at yung Yaya ni Azi. "Manang nasan si Lauren?"
"Ay hija pumasok na, nagmamadali nga eh. Ang bilin nya sakin ay pakainin ka muna bago daw kita papasukin." Sabi ni Manang.
"Eh hindi naman po ako papasok eh. Tsaka Azi ako ang maghahatid sa inyo ng Yaya mo." Sabi ko.
Nakangiting yumakap sakin si Azi. "I love you Omma."
"I love you too babygirl." Sabi ko at niyakap rin sya.
"Oh sya mamaya na yan, ihatid muna sila dahil malelate na si Azi." Singit ni manang.
Umayos na ko nang upo at bahagyang inayos ang nakusot na uniform ni Azi. Tumayo na ko at hinawakan sa kamay si Azi.
"Yaya ayos naba ang gamit nya at baon?"
"Opo ma'am Kai."
Sabay kaming pumunta ni Azi sa garahe habang yung Yaya nya ay hinintay nalang kami sa labas.
Pinasakay ko na si Azi sa shotgun seat at kinabitan ng seatbelt. Sumakay narin ako sa driver seat at nagseatbelt.
Nagdrive na ko palabas at huminto sa tapat ng gate, pumasok yung Yaya ni Azi sa backseat.
Pinaandar ko na yung kotse papunta sa 'Stanford University'. After minutes of driving nakarating nadin kami, pinasok ko sa loob ng university ang kotse ko at pumarada ako sa gitna.
Tinanggal ko na ang seatbelt ni Azi at bumaba naman ang Yaya nya para alalayan sya makalabas ng kotse.
"Salamat po ma'am." Sabi nang Yaya ni Azi.
Tumango lang ako at niyakap muna si Azi bago ko pinaalis sila.
Alam ng lahat na si Azi ang anak ko at alam nadin lahat ng university na mag-asawa kami ni Lauren.
Masaya nga akong tanggap nila kami at hindi nila kami hinusgahan. Tsaka wala silang karapatan na husgahan kami dahil unibersidad ko 'toh.
Lumabas na ko nang kotse at naglakad patungo sa office ko. Halos lahat ng madadaanan kong teacher ay binabati ako pero ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.
✨End of Chapter✨
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Malaya || Wattys 2018
Historia CortaIto ay kathang isip lamang at wag seryosohin. basahin mo ito kapag natapos muna basahin ang 'Married to my Principal' Ito ay book ng two ng 'Married to my Principal' Read at your own risk!