Chapter 05

1.3K 27 0
                                        

Chapter 05

Lauren Point of View

Matapos kong mag-meryenda, agad akong bumalik sa office ko. Nakaupo lang ako sa swivel chair ko habang nakapikit.

*TOK!*TOK!*TOK!*

"Come in!"

Binuksan ko ang mata ko at nakita kong pumasok si Azi at yung Yaya nya. Tumayo ako at kinarga agad si Azi.

"Hi baby." Hinalikan ko sya sa pisngi nya.

"Hi mommy." Hinalikan nya ko sa pisngi ko.

Hay na ko! Ang sweet talaga ni Baby Azi. Umupo ako sa couch habang sya ay nakaupo sa lap ko.

"Yaya uwi na kayo ni manong, ako ng bahala kay Azi." Sabi ko sa Yaya ni Azi at ngumiti.

"Cge po ma'am, salamat." Lumabas na ito.

Bumaling ako nang tingin kay Azi at hinaplos ang mukha nya. "Nag-snack kana Azi?"

"Hindi pa po. Pagkalabas ko po kasi kanina ng school, nagpahatid agad ako dito kay Yaya."

"Bakit naman?"

"Sabik na po kasi akong makita ka mommy." Kinawit nito ang dalawang kamay sa batok ko.

"Ang sweet talaga ng baby ko." Malambing kong wika at kinurot ang cheeks nya.

"Mommy gusto ko makita si Omma." Sabi nito.

"Alam ko mamaya pa uuwi ang Omma mo, kaya baka bukas na kayo magkita." Sabi ko.

Tumawag kasi sakin kanina si Kai at madami nga daw syang gawain kaya gabi pa daw sya makakauwi, wag ko na nga daw sya hintayin eh.

"Please mommy, gusto ko makita si Omma eh." Malungkot nitong saad at nagpout.

"Baby Azi, busy si Omma. Kung pupunta tayo sa kanya, baka maistorbo natin sya at hindi nya na matapos ang gagawin nya." Sabi ko.

"Cge na mommy, hindi kasi ako sanay na hindi nakikita si Omma eh." Naiiyak nyang saad.

Hindi kasi sya sanay na lumilipas ang isang araw na hindi nakikita si Kai, actually mas sweet si Baby Azi kapag si Kai na ang kasama.

"Please Omma." Pagmamakaawa nya at tumulo na ang luha.

Paktay!

Pinunasan ko ang luha nyang tumulo at hinalikan sya sa noo. "Cge pupuntahan natin si Omma mo."

Baka pag hindi pa ko pumayag, humagulgol na sya. Inupo ko sya sa tabi ko at tumayo.

"Magbibihis lang ako Azi."

Tumungo ako nang pinto at nilock ko, baka kasi may pumasok bigla at kunin si Azi. Buti nang safe, atleast walang masamang mangyayari.

Kinuha ko yung extra t-shirt ko at pumasok na sa CR, nagshower ako saglit tas nagbihis na.

Lumabas na ko nang CR at naabutan ko si Azi na naglalaro sa cellphone ko. Kinuha ko na yung maliit kong bag at lumapit na kay Azi.

"Baby Azi let's go na."

Nilahad ko ang kamay ko, inabot nya sakin yung cellphone at hinawakan nya yung kamay ko na nakalahad.

Binulsa ko yung cellphone ko at lumabas na kami ng office ko habang hawak ko yung left hand nya.

Nagtungo kami sa kinaroroonan ng kotse ko. Pinasakay ko si Azi sa shotgun seat at kinabit ko sa kanya yung seatbelt.

Sumakay na ko sa driver seat at nagseatbelt din muna bago pinaandar ang kotse.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang maalala kong hindi pa nagha-hapunan si Azi.

Nagpalinga-linga ako habang nagdadrive. Buti nalang ay nakakita ako ng Mcdo sa gilid.

"Baby magdadrive thru muna tayo, para hindi ka magutom sa office ni Omma mo."

"Cge mommy, gusto ko fries at sundae ah." Nakangiti nyang saad.

Tumango lang ako at ngumiti. Niliko ko yung kotse at nagdrive papunta sa area ng drivw thru.

Umorder lang ako at nagbayad tas pumunta na ulit sa kabila, kung san kukunin ang order.

Pagkakuha ko nang order ko, tinabi ko muna sa gilid at nagdrive na papunta sa company ni Kai.

After minutes of driving nakarating nadin kami, kinuha ko na yung snack ni Azi at yung bag kong maliit.

"Goodmorning ma'am." Bati nung guard pagpasok namin sa loob.

Ngumiti lang ako at dire-diretsong naglakad habang hawak ko si Azi. Marami pang bumati sakin na emplyedo ni Kai, pero ngiti lang ang sinasagot ko.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ko kung anong floor ang office ni Kai.

*TING!*

Lumabas na kami ng elevator at pumunta sa pwesto nung secretary ni Kai.

Napatayo agad 'toh nang makita ako. "Goodevening ma'am Lauren."

"Nandyan ba si Kai?"

"Opo, nasa loob sya."

"Salamat."

Kumatok muna ako sa office ni Kai at wala naman syang respond kaya binuksan ko na yung pinto. At sinara nung makapasok na kami.

Nakita ko syang nakatingin sa mga papeles. "Omma!"

Agad tumakbo si Azi kay Kai habang si Kai ay nagulat ng makita kami. Agad syang tumayo at kinarga si Azi at lumapit sakin.

"Hi hon, anong ginagawa nyo rito?" Tanong nya at hinalikan ako sa cheeks.

"Bawal ba bumisita?" Taas kilay kong tanong at nilapag yung dala kong pagkain sa isang table nya.

Naupo ako sa couch, tumabi naman sakin si Kai. Habang si Azi ay nilantakan na yung binili namin sa Mcdo.

"He-he-he! Bat nga pumunta kayo rito?" Nakangiti nitong tanong.

"Bawal ba kami pumunta rito? Pupunta ba ngayon yung kabit mo?" Mataray kong tanong.

Biglang kumunot ang noo nya. "Sinong kabit? Ako may kabit?"

Tumango ako at ngumisi. "Of course not! Wala akong kabit."

"Sinisigawan moba ko?"

"Hehehe, hindi. Payakap nga."

Sabi nya at hinila yung bewang ko para madikit ako sa kanya. Actually wala sya kabit, niloloko ko lang sya para mainis.😂





•End of Chapter•




Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter





Malaya || Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon