Chapter 14
Kai Point of View
Tatlong buwan na nung huli naming pagkikita ni Lauren, at halos araw-araw umiiyak si Azi.
Hirap na hirap na nga ako eh, plus lagi pang hinahanap ni Azi ang mommy nya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, gusto ko nang magpakamatay.
"Dude umiinom kana naman."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Ginger lang pala. Umupo ito sa tabi ko. "Tama na yan."
"Hayaan muna ko." Seryoso kong wika.
Nagulat ako ng pabalang itong tumayo. "You think hahayaan kita? Never, hindi kita hahayaan dahil may anak ka dude. Wake up!" Sigaw nito at inagaw ang baso ko na naglalaman ng tequila.
Para naman akong nagising sa katotohanan. Hyst! Pati pala si Azi napapabayaan ko na.
"Dude gusto mo bang magalit si Lauren?" Tanong nito.
"Hindi na sya babalik." Mahina kong wika.
"Puro ka kasi negative, maging positive ka nga." Inis nitong wika.
Tumayo na ko at hindi naman ako natumba dahil nasa katinuan pa naman ako, tsaka nandito lang naman ako sa mini bar ko.
"Umuwi kana, matutulog na ko." Sabi ko at naglakad na palayo.
Umakyat na ko. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero nakarinig ako ng hikbi sa kwarto ni Azi, kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto nang kwarto ni Azi.
Nakauwang ang pinto ni Azi kaya sumilip ako, nakita ko si Azi sa lapag nakaupo habang umiiyak ng mahina.
Bigla naman akong naawa. Hyst! Kelan kaba babalik?
Dahan-dahan akong pumasok sa loob. "Azi."
Nag-angat ito nang tingin. "Omma."
Umupo ako sa tabi nito at niyakap sya. "Wag kang mag-alala baby Azi, babalik din si mommy mo."
"Pero . . . kelan pa . . . . po?" Umiiyak nitong tanong.
Hinagod ko ang buhok nito. "Tiwala lang anak, someday babalik din sya."
Naiyak nalang din ako dahil wala akong magawa. Masakit sakin na makita si Azi na umiiyak, pero mas masakit dahil wala man lang akong magawa para patahinin sya.
Lauren Point of View
Tatlong buwan na kong namamalagi rito sa isla. Sa isla kung saan ako lang ang tao at yung mag-asawang nagbabantay ng isla ko.
Yeah isla ko 'toh, walang alam si Kai na bumili ako ng isla. Tatlong buwan ko nang hindi nakikita ang asawa't anak ko, miss na miss ko na sila.
"Ma'am Lauren ito na po sya."
Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko yung dalawa kong bodyguard na may hawak na lalaki at duguan yung lalaki.
"Siya ba si Landen?" Nakangisi kong tanong.
Habang namamalagi kasi ako dito sa isla, pinaim-bestigahan ko yung picture.
"Yes ma'am, medyo nabugbog namin dahil pilit na tumatakas." Sabi nung personal bodyguard ko.
"Tama lang ang ginawa nyo." Sabi ko.
Lumapit ako kay Landen at hinawakan sya sa panga. "Ikaw ba ang humalik sa asawa ko?"
Ngumisi muna ito bago nagsalita. "Oo, ang sarap nga ng asawa mo eh."
Isang sapak ang binigay ko sa kanya at muli syang hinawakan sa panga. "Masarap ba?"
"H-hindi." Nanghihina nyang sagot.
"Akala koba masarap?"
"B-binibiro l-lang k-kita."
Sinampal ko sya nang malakas kaya napahiga sya. Pwersa syang tinayo ng mga bodyguards ko.
"Bakit gusto mo kaming sirain ni Kai?"
"P-para sa b-business at si K-kai ay p-para sa akin lamang."
"Asawa ko sya at walang kang karapatan na sirain kami."
Humarap ako sa mga bodyguards ko. "Itapon nyo yan sa gubat, kung saan maraming ahas at lion. Ayoko ng makakabalik ng manila yan, understood?!"
"Yes ma'am Lauren!!" Sabay-sabay nilang wika at inalis na sa aking harapan si Landen.
Tinawag ko naman ang personal bodyguard ko kaya lumapit ito sakin. "Pakihanda ang mga gamit ko, babalik na ko nang manila."
"Buti naman ma'am."
Nagtaka ako sa sinabi nito. "Bakit?"
"Si ma'am Kai po kasi laging naglalasing, balita ko nga po napapabayaan nya na ang anak nyo."
"Okay, bukas ng gabi tayo aalis."
"Cge po ma'am Lauren." Sabay alis nito.
Para naman akong naguilty sa sinabi nya. Hyst! Kamusta na kaya si Azi at Kai? Dibale na, basta bukas makikita ko na ulit sila.
♪End of Chapter♪
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Malaya || Wattys 2018
Short StoryIto ay kathang isip lamang at wag seryosohin. basahin mo ito kapag natapos muna basahin ang 'Married to my Principal' Ito ay book ng two ng 'Married to my Principal' Read at your own risk!
