Chapter 13
Someone's Point of View
Habang nag-aayos ako nang papeles, biglang may kumatok kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
"Come in!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang bodyguard or personal bodyguard ko.
Umupo ito sa harap ko.
"Sr. nagawa ko na po ang pinagagawa nyo. Naipadala ko na po yung pictures."
"Good."
Kinuha ko sa drawer yung envelope at binigay sa kanya. "Ayan na ang two hundred thousand mo, makakauwi kana."
"Salamat Sr." Tumayo ito at nagbow then lumabas na.
Napangisi naman ako sa nalaman ko. Huh, magiging akin kana rin sa wakas.😏
Kai Point of View
Nagising ako at nakahiga na ko sa isang bed. Bigla ako napaupo at nagpalinga-linga.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa hospital pala ako.
*TOK!*TOK!*
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. "Ma'am higa gamot nyo po."
Inaabot nya sakin yung gamot pero hindi ko ito tinanggap. Agad akong tumayo at sinuot ang sandals ko.
"Ma'am san kayo pupunta?"
Hindi ko na sya pinansin at agad akong lumabas ng kwarto, tinungo ko ang office ni Lauren at kumatok muna ako bago pumasok.
Naabutan ko syang nakasubsob ang mukha sa desk.
"Lauren." Mahina kong tawag sa kanya.
Nag-angat ito ng tingin. "Maayos kana ba?"
Cold nitong tanong.
"Yeah." Umupo ako sa harap nito. "Can we talk?"
Tumayo ito. "Tutal nakita ko na ang picture at alam kong hindi edit yun. Mahal kita Kai pero siguro tama na muna. Iiwan ko si Azi sayo at ikaw ng bahala muna sa kanya, wag kang mag-alala babalik ako. Matatagalan lang, pero pangako babalikan ko si Azi sayo. Kailangan ko lang ng time. Malaya ka muna sa ngayon Kai."
Natulala ako sa sinabi nito kaya hindi ko namalayan na nakalabas na sya. Agad akong lumabas at nagpalinga-linga pero hindi ko na sya nakita.
Napaluhod nalang ako at humagulgol. Wala akong pakelam kung may mga tao, hospital ko naman 'toh.
Lauren Point of View
Agad akong nagtungo sa parking lot at sumakay sa kotse ko, pinaandar ko na agad ang kotse ko pauwi ng mansion.
After minutes of driving nakarating nadin ako, agad akong umakyat sa kwarto namin ni Kai at hinanda ko na ang maleta ko.
Kinuha ko lahat ng damit ko at nilagay sa maleta ko. Lumabas na ko nang kwarto habang dala-dala yung maleta ko at isa kong bag na naglalaman ng pera.
Pumunta ako sa kwarto ni Azi at nakita ko syang mahimbing na natutulog. Nilapitan ko ito. "Mahal na mahal kita anak, aalis muna ako ah. Mag-iingat ka. I love you."
Bulong ko at hinalikan ito sa noo. Lumabas na ko nang mansion at agad sumakay sa kotse ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero basta ang alam ko, hindi pa ko handa makinig sa paliwanag ni Kai. Masyado kasing masakit eh, yung makikita mong mahal mo may kahalikan na iba.😭💔
•End of Chapter•
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

BINABASA MO ANG
Malaya || Wattys 2018
NouvellesIto ay kathang isip lamang at wag seryosohin. basahin mo ito kapag natapos muna basahin ang 'Married to my Principal' Ito ay book ng two ng 'Married to my Principal' Read at your own risk!