Chapter 11
Kai Point of View
Kakadating lang namin dito sa hotel room na pina-reserve ko para saming dalawa ni Lauren. Si Azi, Mia at Nam naman ay sa kabilang room, kasama yung mga Yaya nila.
Si Gail at Iris naman ay may solo ring kwarto, ganun din si Ginger at Liz.
"Kapagod, tulog muna ako." Sabi ni Lauren at nahiga sa malaki naming kama.
"Kaya nga eh." Sabi ko.
Tinanggal ko yung sapatos ko at nahiga sa tabi nya, niyakap ko sya at bumulong sa tenga nya.
"I love you."
"I love you too."
Nakapikit nyang wika.
Napangiti naman ako. Tuwing sasabihan nya ko nang 'i love you too' hindi ko parin maiwasan kiligin.
Hyst! Inlove na inlove talaga ako dito sa babae na'to.
Nangako ako kay lord na sya lang at si Azi ang mamahalin ko ng buong-buo. Ang swerte ko kay lord, dahil kahit mali ang relasyon namin. Nagawa nya parin kaming bigyan ng blessing at anak na mabait at maganda.
Lauren Point of View
Nagising ako at wala na si Kai sa tabi ko. Nasan na yun?
Tinignan ko yung oras at madaling araw na pala. Tumayo ako at pumasok sa CR para mag-hilamos.
Habang nagtu-toothbrush ako, narinig kong may nagbukas ng pinto. "Sino yan?"
Tanong ko.
"Honey nasan ka?"
Si Kai pala.
"CR." Tipid kong sagot at pinagpatuloy na ang pag-toothbrush.
Gail Point of View
Kanina pa kami nandito sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin, nakaorder na kami ng food at drinks pero wala parin si Kai at Lauren.
Halos mag-iisang oras na kami naghihintay sa kanila, gutom na nga yung mga bata eh kaya pinauna ko na kumain.
"Ang tagal naman ng kapatid mo." Nakasimangot na sabi ni Ginger.
"May ginagawa pa ata yung dalawa." Natatawang sabi ni Iris.
Kaya natawa rin kami.
"Uy! May bata." Natatawang sabi ni Liz.
"Sinong may ginagawa?"
Napatingin kami sa gilid. "Ah wala Kai, kain na tayo."
Kinakabahan na sabi ni Ginger kaya natawa kami. Umupo si Kai at Lauren sa tabi ni Azi then kumain na.
Grabe! Hindi man lang nagdasal.
♪End of Chapter♪
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

BINABASA MO ANG
Malaya || Wattys 2018
Short StoryIto ay kathang isip lamang at wag seryosohin. basahin mo ito kapag natapos muna basahin ang 'Married to my Principal' Ito ay book ng two ng 'Married to my Principal' Read at your own risk!