Chapter 04

1.3K 26 0
                                        

Chapter 04

Kai Point of View

Habang binabasa ko yung mga papers na pinasa sakin ng secretary ko, biglang nagring yung cellphone ko kaya napatigil muna ako at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si Ginger pala. Pinindot ko yung kulay green.

*Ginger Calling*

"Hello." Bat boses lalaki?

"Sino 'toh? Bat hawak mo ang cellphone ng bestfriend ko?"

"Kayo poba si Mrs. Kai?"

"Ako nga, bakit na sayo ang phone ni Ginger?"

"Mrs. Kai, nandito po kasi yung kaibigan nyo sa bar namin at knock out na po sya."

"Anong adress nang bar nyo? Susunduin ko sya."

"Sa *******57******"

*Calling Ended*

Hay na ko! Ginger talaga. Inayos ko muna yung mga papers ko bago nagtungo sa basement.

Sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar na papunta sa sinabing adress nung lalaki.

After minutes of driving nakarating nadin ako, agad akong pumasok sa loob.

Natanaw ko agad si Ginger, nakaupo sya sa stool chair habang hinahagod nung lalaki yung likod nya.

Agad ko itong nilapitan. "Ikaw ba yung tumawag sakin?"

Tanong ko sa lalaking humahagod sa likod ni Ginger. "Ako nga. Ikaw si Mrs. Kai?"

Tumango lang ako. "Nakapagbayad naba sya?"

"Hindi pa po."

Dumukot ako nang five thousand pesos sa wallet ko at inabot dun sa lalaki.

"Pakitulungan naman akong dalin sya dun sa kotse ko."

Tumango lang ito at inakay na si Ginger patayo, nauna ako maglakad habang sila ay nasa likod ko.

Nang makalabas kami, agad kong binuksan yung shotgun seat at pinasok nya naman dun si Ginger.

"Salamat, mamaya ko nalang kukunin yung car nya, pakibantayan muna."

"Cge po, mag-iingat kayo."

Sabi nito at pumasok na sa loob. Sumakay na ko sa driver seat at inayos ko muna ang seatbelt naming dalawa bago ko pinaandar yung kotse ko pauwi sa kanila.








Liz Point of View

Jusko naman! Nasan naba si Ginger? Okay lang kaya sya? Paikot-ikot lang ako dito sa Sala.

*BEEP!!*

Agad akong lumabas ng bahay at nakita ko si Kai na akay-akay si Ginger at mukhang lasing ito.

Nilapitan ko si Kai at tinulungan sa pag-akay kay Ginger. "Anong nangyari sa kanya?"

"Lasing, may tumawag sakin na lalaki kanina at knock out na daw."

Inupo namin si Ginger solo sofa. "Salamat Kai ah."

"Wala yun." Ngumiti sya ng tipid. "Alis na ko, may tatapusin pa kong trabaho eh."

Tumango lang ako at umalis na sya. Inutusan ko naman ang maid ko na dalin si Ginger sa kwarto namin.

Tumawag muna ako sa office ko at binilin ko sa secretary ko na sya munang bahala sa mga gawain at sinabi kong hindi ako makakapasok.










Kai Point of View

After minutes of driving nakarating nadin ako sa company ulit, papasok na sana ako sa loob ng office ko pero bigla akong tinawag ng secretary ko.

"Bakit Ana?" Tanong ko.

"Ma'am may gusto pong kumausap sa inyo."

"Sino?" Kunot noong tanong ko.

"Landen daw po ang pangalan, hinihintay nya po kayo sa loob ng conference room."

Tumango lang ako at pumunta na sa conference room. Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad ang isang lalaki na nakaupo pero hindi ko pa nakikita ang mukha dahil nakatalikod sya sakin.

"Ehem!"

Lumingon yung lalaki, nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Tumayo ito at bahagyang lumapit sakin.

"Hi."

Nilagpasan ko sya at umupo sa harap nung kinauupuan nya kanina. Bumalik sya muli sa pagkakaupo.

"Bakit gusto mo akong makausap?" Pormal kong tanong.

"Masyado ka namang pormal, parang hindi tayo magkakilala." Natatawa nyang wika.

"Hindi naman talaga tayo magkakilala, at kanina lang kita na-meet." Sabi ko. "So, ano ngang kailangan mo sakin?"

"Simple lang, gusto kong maging business partner tayo." Sabi nya at ngumiti nang malapad.

Natawa naman ako. "Hindi ako naghahanap ng business partner at isa pa, may business partner na ko. Si Bianca Willson."

Si Bianca ay kapatid ni Lauren, kay Lauren talaga pinamamana yung company nila pero hindi nya ito tinanggap at pinili nyang tumulong sa hospital na pagmamay-ari ko.

Kaya si Bianca na ngayon ang nagha-handle ng company nila, tsaka Business management ang tinapos ni Bianca.

"Magkano ba ang share ni Bianca Willson dito?" Nakangisi nyang tanong.

Nginisihan ko rin sya. "50%"

"Okay." Tumayo ito. "Kakausapin ko si Bianca at bibilin ko ang twenty five percent nya."

Nakangiti nitong sabi at lumabas na. Napangisi naman ako, mukhang gusto nya talaga maging business partner ako.

Pero alam kong may binabalak syang masama at bago pa nya maituloy ang binabalak nya ay uunahan ko na sya.

Poor boy!

Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang number ni Bianca.

*Bianca Calling*

"Hello Kai, bat napatawag ka? May ginawa bang kalokohan ang kapatid ko?"

"Wala naman, gusto ko lang sabihin na may kakausap sayong lalaki at ang pangalan ay Landen Asistio. Balak nyang bilhin ang twenty five percent mo, ibenta mo sakanya ang twenty five percent mo."

"Ayoko nga."

"Cge na, akong bahala."

"Cge na nga."

"Thank you."

*Calling Ended*

Binulsa ko na yung cellphone ko at lumabas ng conference room, pinuntahan ko yung secretary ko.

"Ana kapag may naghanap sakin, sabihin mo wala ako."

"Cge po ma'am."

Pumasok na ko sa loob ng office ko at umupo agad sa swivel chair, trinabaho ko na ulit yung mga papers na iniwan ko kanina.




💞End of Chapter💞




Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter





Malaya || Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon