CHAPTER 2
"Guys, alam niyo ba naboboring ako diyan sa pinapanood nating Anabelle Creations. Hindi naman siya nakakatakot. Hindi man lang tumayo balahibo ko. Bakit kaya hindi na lang tayo gumawa ng mas kakaiba?" agad na sabi ni Andrei ng makitang tapos na ang kanilang pinapanood. Nakita niyang hawak ng kaniyang mga kaibigan ang kani-kanilang mga cellphone habang nagpapakasarap umupo sa sofa.
"Game. Sama ako diyan." pagsang-ayon ni Raze habang tumayo at nag-inat ng kaniyang mga braso at akmang iyayakap kay Andrei ngunit itinulak lamang siya ni Andrei na dahilan upang siya ay bumagsak sa sofa.
"Ouch! Baby that hurts." nginitian ni Raze si Andrei sabay kindat kaya naman napakusilap si Andrei.
"Come on guys. Don't waste your time to that shitty thing. Let's have some true adventure." pagmamakaawa niya sa kaniyang mga kaibigan.
"Oo na. Sasama na ako. Mapilit kasi ang lola niyo." Jerome said in a low-toned voice. Standing up while turning off his phone.
Ashton tried to get out from the cage-shape sofa, but it was as if he was stuck. A giggle escaped from his lips.
Ace laugh and got up from his position on the floor to help Ashton out of the sofa.
Ito rin ang dahilan kung bakit napahiga silang dalawa sa sahig habang nasa ibabaw ni Ace si Ashton.
"Honey do you want to have some fun?" Ace rolled his eyes and push Aston harder from his top.
"Sky! Apple! Sama na rin kayo." pagpupumilit ni Andrei sa kanyang mga dalagitang kaibigan. Ngunit nakarinig lamang siya ng mga angal galing sa mga ito. Pero walang magawa ang kaniyang mga kaibigan ng tinitigan niya ito ng masama kaya naman tumayo na agad sila.
"Ano ba kasing gagawin natin. Alam mo bang curfew pa rin kahit madaling araw na." tanong ni Sky at naglakad kasabay ng kaniyang mga kaibigan na palabas na ng bahay. Sa kanilang paglabas ay naramdaman ni Sky ang malamig na ihip ng hangin na nagpatayo ng kaniyang balahibo.
"Seryoso ba kayo? Tignan niyo ang oras, 12:17a.m. pa lang. Ano namang gagawin natin ng ganitong kaaga?" sabi ni Jerome habang ipinapakita ang oras mula sa kaniyang cellphone.
"Wala naman akong pakialam kung anong oras na. Kaysa naman sa maburyo ako kauupo diyan sa lumang couch na iyon kaya gagawa na lang tayo ng mas masayang bagay. Let's have some adventure under the full moon. Bakit kaya hindi na lamang tayo maglakad?" suhestiyon ni Andrei sa kaniyang mga kaibigan.
Nagsalita bigla si Apple na nasa tabi ni Raze at Ace habang naglalakad. "Bakit kaya hindi na lang natin tignan ang inabandunang fun house, yung tinatawag nilang dark house?"
"Ano!? No way. Kahit doon na lang ako sa bahay." wika ni Jerome na hindi ipinapahalatang kinakabahan dahil hindi niya sinasabi sa kaniyang mga kaibigan na simula bata ay takot na siya sa mga clown at maging sa fun house kung saan ito nakikita.
"Tara! Hindi naman nating kailangang pumasok. Gusto ko lang talaga ito makita sa totoong buhay. Hindi kasi ako pinapayagang pumunta diyan ni mommy kaya sa pictures at dyaryo ko lang nakita ang bahay na iyon." pagpapaliwanag ni Apple.
Hindi alam ng karamihan na gustong-gusto ni Apple ng adventures tulad ni Andrei. Ngunit ang pinagkaiba lang nila ay mas gusto ni Apple ng adventure na may kasamang mystery kaya naman gusto niyang makita ang dark house.
"I think it will be kinda fun." pagdadagdag ni Andrei.
"Ano ba iyan. Sige na nga." pagmamaktol ni Jerome.
"Yey! Salamat Jeromeskie. Tara na guys, ang pagkakaalam ko nariyan lang yan sa kanto patungo sa bahay ng mga Antonio." Apple informed them.
"Paano naman nagkaroon ng isang inabandunang fun house doon?" tanong ni Sky.
BINABASA MO ANG
Antonio Mansion
Horror[DARK HOUSE DUOLOGY 1] Isang grupong binubuo ng walong kabataang ang nais lamang ay kasiyahan. Playing. Watching. Teasing. Isang bahay na pinaniniwalaang binabahayan ng demonyo at ng mga ligaw na espiritu. Sa kabila ng kanilang pagtuklas sa nakatago...