Pitong kabataan ang natagpuang patay tatlong araw na ang nakalipas sa isang inabandunang bahay o mas kilala noon bilang isang fun house sa compound ng mga Antonio.
Ang nag-iisang nakaligtas. Andrei Dwayne Cava, 17 taong gulang ay inadmit sa isang ospital at nananatili pa rin itong nasa critical na kondisyon matapos itong matagpuang may sugat sa ulo at sugat sa maseselang bahagi ng katawan.
Ang mga pangalan ng mga nasawi ay ang mga sumusunod: Joshua Trace Williams, 17 taong gulang; Sky Fiona Waller, 16 taong gulang; Nichole Moreen Monaque, 16 taong gulang; Jerome Augustine, 16 taong gulang; Ashton Silvestre, 17 taong gulang; Apple Scarlet Antonio, 17 taong gulang; at si Raze Penaflor, 17 taong gulang.
Kinunan naman ang mga nasawi ng kani-kanilang mga blood samples at nagpostive sa isang illegal na droga na Lysergic Acid Diethalamide o LSD, isang illegal na droga na may halong lysergic acid na isang hallucinating powder.
Pinaniniwalaan naman ng polisya na ang grupo ay gumamit n g ipinagbabawal na gamut na dahilan upang sila ay mawala sa realidad.
Pagkatapos naman ng mga ilan pang therapy ay inaasahan nang makakalabas ng ospital si Andrei Dwayne Cava.
-TDH News
BINABASA MO ANG
Antonio Mansion
Horror[DARK HOUSE DUOLOGY 1] Isang grupong binubuo ng walong kabataang ang nais lamang ay kasiyahan. Playing. Watching. Teasing. Isang bahay na pinaniniwalaang binabahayan ng demonyo at ng mga ligaw na espiritu. Sa kabila ng kanilang pagtuklas sa nakatago...