CHAPTER 5
"Sky!" Raze screamed when he got to her swinging body, his fumbling with the rope trying to put Sky's body down.
Hindi siya makakita ng maayos dahil sa patuloy niyang pagluha.
"No, no, no, no." wika ni Raze.
"Hindi ko makuha." Sigaw ni Raze. Kaya naman nagsikumpulan ang kaniyang mga kaibigan upang siya ay matulungan, kinocomfort na rin nila ang bawat isa habang nag-iiyakan sa harap ng walang buhay nilang kaibigan.
Masakit para sa kanila ang mawalan ng kaibigan na hindi naman nila alam kung sino ang may sala.
"Sino naman kaya ang maaring gumawa nito?" tanong ni Ashton na dahilan upang makapag-isip ang kaniyang kaibigan. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita ng agaran. Nabali lamang ang katahimikan ng hindi na kayanin ni Andrei na hindi makapagsalita.
"Kailangan nating makalabas dito." wika niya. At hinila ang braso ni Apple patungo sa gate ng dark house.
"It's locked. Natrapped na tayo dito." sabi ni Apple na mapapansin na malapit na siyang magpanic.
"Okay. Kalma ka lang Apple. Huminga ka lang ng malalim. Inhale. Exhale." wika ni Ashton habang pinapakalma si Apple ngunit hindi ito nakatulong.
Mahirap para sa bawat isa na masaksihan ang kamatayan ng kanilang kaibigan kaya naman napakahirap para sa kanila na kumalma sa mga oras na ito.
"Umayos muna tayo ng kahit isang minuto man lang para makapag-isip." suhestyon ni Jerome habang pabalikbalik na naglalakad sa damuhan. "Cellphone! I-check niyo ang mga cellphone niyo."
Naaligaga naman ang bawat isa upang tignan ang kani-kanilang mga cellphone mula sa kanilang mga bulsa at nagliwanag ang kanilang mga mukha ng makarinig ng pag-asang maari pa silang makalabas ng inabandunang bahay na iyon.
Ngunit hindi ganun kadali ang maghanap ng ibang solusyon.
"Walang signal."
"Low batt cellphone ko."
"Naiwan ko sa bahay."
Ang kakaunting pag-asang inaasahan nila ay napawalang-bisa na mas nakapagparamdam sa kanila upang sumuko na lamang at mawalan ng pag-asang walang mabubuhay kahit isa sa kanila.
Nang may magring na cellphone.
"Kanino ang cellphone na iyon?" nagmamadaling tanong ni Nichole habang tinitignan ang bawat isa sa kaniyang mga kasama. Ngunit ni isa ay walang nakasagot.
"Kung wala sa kahit kanino sa atin ang nakakaalam kung kanino iyon, saan naman ito nanggagaling?" tanong ni Raze at biglang tumayo ang kaniyang balahibo na naging dahilan upang siya ay biglang matakot.
Maging siya ay hindi alam kung bakit lumbas ito sa kaniyang bibig.
At nalaman niya at ng kaniyang kasama kung saan ito nangagaling.
Ang tunog ng cellphone ay galing sa loob ng inabandunang fun house.
Biglang nagbukas ang iba't-ibang kulay na ilaw na halatang hindi nagamit ng ilang dekada, nagsimulang tumugtog ang musika galing sa Merry Go Round- isang malumanay at kalmadong musika na makakapagpaindak sayo upang sumayaw at mawawala ka sa wisyo na hindi mo alam kung anong nangyayari ngunit ang nakapagdala ng takot sa kanila ay ang yabag ng sapatos at nababaling sanga ng puno.
Kaya naman nagtinginan ang bawat isa sa kanila at naghalo-halo ang kanilang takot at kaba bago makarinig ng isang tinig na nakapagpatigil sa ingay ng buong fun house at dahilan upang sila ay mas lalong kabahan.
"Are you ready to play?"
BINABASA MO ANG
Antonio Mansion
Horror[DARK HOUSE DUOLOGY 1] Isang grupong binubuo ng walong kabataang ang nais lamang ay kasiyahan. Playing. Watching. Teasing. Isang bahay na pinaniniwalaang binabahayan ng demonyo at ng mga ligaw na espiritu. Sa kabila ng kanilang pagtuklas sa nakatago...