CHAPTER 3

318 30 0
                                    

CHAPTER 3

"Apple! Huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan. Alam mo naming hindi ako natutuwa sa mga ganyang bagay." wika ni Sky at hinampas ang braso ng kanyang kaibigan na tinawanan lamang ni Apple.

Nakarinig sila ng mga yabag ng paa at nakita nila ang kanilang mga kaibigang sina Nichole, Ash at Jerome na nagmamadali mula sa gate patungo sa kinaroroonan ng dalawa.

"Ano bang nangyari? May nasaktan ba sa inyo?" tanong ni Ash habang hinihingal at tinignan ang kaniyang mga kaibigan ng may pag-aalala. Hindi niya maiwasang magulat at malito nang makita niyang nakaupo sa damuhan si Apple habang galit na galit ang ekspresyon ang nakikita niya kay Sky.

"Yan kasing si Apple tinatakot ako. Pero huwag kang mag-alala ayos lang naman kami. Kaso gusto ko ng umuwi." sagot ni Sky habang naiiyak sa sobrang galit. Ayaw na ayaw niyang umiiyak siya dahil sa galit. Pilit niyang pinapatahan ang kaniyang sarili ngunit hindi niya magawa.

Naglakad si Nichole patungo sa likod ni Sky upang yakapin ito. At inalalayan patungo sa gate ng dark house.

Napangisi na lamang si Ashton nang makaalis na ang dalawang babae. Lubos talagang natakot si Sky sa ginawa ni Apple. Mabait naman talaga si Apple ngunit minsan hindi niya mapigilan na gumawa ng bagay na ayaw ng iba.

"Ano? Kalma ka lang Ash. Nagbibiro lang naman ako."

Napatango na lamang si Ashton sa sinabi ni Apple. Napatingin siya sa kaniyang mga kaibigan nang may naririnig siyang yabag ng paa. At hindi lamang ito basta basta dahil palakas ito ng palakas. Nakita nila si Sky at Nichole na parating. "Sino naglagay ng kandado sa gate? Paano naman tayo makakalabas dito?"

Nagtinginan ulit sila. Naghihintayan sa kung sino man ang sasagot sa tanong ng kanilang kaibigan.

"Ash, Nichole, Jerome? Isa lamang sa inyo ang maaring gumawa nito. Kasama na naman ba 'to sa mga jokes ninyo. Apple ikaw?" tanong ni Andrei na halatang natataranta.

Lahat sila ay umiling. Maging si Jerome ay kinakabahan na rin dahil kahit saan siya lumingon ay naalala niya ang clown na sinasabi ni Apple.

"Pumasok na lang kaya tayo sa loob. Lumalamig na rin kaya." wika ni Andrei.

"Are you insane? Hindi mo ba narinig ang kuwento ni Apple, kaya hindi ako papasok diyan." pagmamaktol ni Ashton. Ayaw niya mang aminin sa iba niya pero alam niya sa sarili niya natatakot siya. Kaya naman ayaw niya ring pumasok sa loob ng 'dark' house na iyon na dating fun house. Dito na lamang siya sa labas.

Nang sila ay umalis ng bahay ay mainit kaya naman hindi na sila nagdala ng kani-kanilang jacket pero ngayon ay baliktad. Napakalamig ng simoy ng hangin na dahilan upang magsitayuan ang kanilang balahibo, maging maputla ang labi at magkaroon ng mapulang ilong.

Luminga-linga si Ashton sa kaniyang mga kaibigan at siya ay may napansin.

"Guys nasaan si Sky? May nakakita ba sa kanya?"

Walang may alam kung nasaan siya.

"Sky?" Apple called. Looking around with confusion. Sky wouldn't just have walked away.

Kaya naman napagkaisahan nilang gawin ang ginagawa ni Apple, ang tawagin ang pangalan ni Sky. Mas lalong lumalamig ang ihip ng hangin na dahilan upang sila ay manginig sa sobrang lamig.

"Pwe-pwede naman siguro nating ti-tignan sa loob?" suhestiyon ni Jerome. Kahit ayaw niyang pumasok sa loob ay mas nanaig pa rin sa kanyang loob na pumasok dahil sa ginaw.

"Pwede naman. Tara." Sagot ni Andrei. At sa pagkakataong ito ay pumayag na ang lahat maging si Ashton.

Nichole shivered as they walked toward the dark house, but she didn't think it was from the wind. Napapalibutan ng itim na aura ang buong bahay at sa tingin niya ay may masamang nangyari dito noon.

Nang makalapit sila sa pinto ng dark house, a smell began to tinge the air. It was metallic like blood.

"Guys hindi niyo ba naamoy. Na-nangangamoy du-dugo." sabi ni Nichole at tumingin kay Ashton ng may pag-aalala. Nginitian lamang siya ni Ash habang mas lalo silang lumalapit sa pinto ng dark house ay mas lumalakas ang amoy sa paligid. Amoy ng dugo.

"Bakit parang ang kapal ng hangin na akala mo ay niyayakap ka." wika ni Andrei.

"I have no idea. But one thing is sure, I can taste it." Sabi ni Ace at inilabas niya ang kaniyang dila. Tumingin si Nichole sa kaniya at sumigaw na akala mo ay nakakita ito ng multo.

Kaya naman napatingin ang iba sa kinaroroonan nila Nichole at Ace. At hindi nila inaasahan ang nakita nila.

"Ano? Anong nangya-" napalaki ang mata ni Ace ng may malasahan siya.

"Ace nagdududgo ang buong dila mo. Paano nangyari yan?" sagot ni Apple habang kinakalma ang kaniyang sarili.

But her eyes told another story, she was freaking out.

"I-" pagsisimula ni Ace ngunit siya ay biglang nagsuka. Siya ay nasusuka ng dugo. Maging sa mga ibang butas ng kaniyang ulo ay may lumalabas na rin ang dugo.

At napatingin siya sa kaniyang mga kaibigan na nanghihingi ng tulong, ngunit kahit isa sa kanila ay walang magawa dahil lahat sila ay gulat sa nangyari.

At mas dumadami pa ang lumalabas sa kaniyang bibig at ilong upang siya ay mawalan ng hininga.

'Alam ko namang wala ng magagawa ang mga kaibigan ko sa nangyayari sa akin, sa isip ni Ace. Mauubusan na ako ng dugo sa loob lamang ng isang minuto sa sobrang dami ng dugong lumalabas sa buong ulo ko.' Sa isip-isip ni Ace.

At pagkatapos noon ay bumagsak na ang katawan ni Ace sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo.

"Ace!" sigaw ng kaniyang mga kaibigan. At lahat sila ay nagmamadaling lumapit dito alintana na lahat sila ay maligo sa dugo ng sarili nilang kaibigan. Ngunit huli na ang lahat.

Wala na ang kanilang kaibigan.

Patay na si Ace.

Antonio MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon