CHAPTER 11

204 22 0
                                        

CHAPTER 11


An ear-splitting scream was heard throughout the room

Kaya naman hindi maiwasang hindi takpan ni Ashton ang kaniyang tainga dahil sa sobrang lakas ng sigaw na umaalingawngaw sa buong silid.

Sa kaniyang tantiya, ang sigaw na iyon ay nagmula sa isang babae at hinihiling niya na sana hindi ang kaniyang mga kaibigang babae ang sumigaw.

Makaraan ang ilang sigundo ay nawala din agad ang ingay sa buong silid ngunit bigla na lamang napatayo ang balahibo ni Ashton sa kaniyang braso at tila may malamig na hanging dumampi sa kaniyang batok.

May mga tumatawa. Mga bata.

Napaisip naman si Ashton kung totoo ba ang kaniyang mga naririnig o bunga lamang ito ng kaniyang imahinasyon.

Ngunit may naramdaman siyang humawak sa kaniyang braso, isang malamig at maliit na kamay.

"Are you my daddy?"

Pilit pinipigilan ni Aston na mapaiyak habang mas lalong dumadami ang mga kamay na humahawak sa kaniyang braso at maging sa ibang parte ng kaniyang katawan.

'Hindi na ako makahinga' Sabi ni Ashton sa kaniyang sarili. 'Hindi na ako makahinga at wala na akong ibang magagawa kaya alam kong mamatay na ako.'

Biglang nagpatay-sindi ang nagiisang ilaw sa silid. At kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw ay nagdulot sa kaniya ng takot.

Nakita niyang may mga totoong bata na nakapalibot sa kaniya at ang iba naman ay nakahawak sa kaniya. Naliligo ang mga ito sa dugo. Nararamdaman niyang may malagkit na bagay sa kaniyang katawan at ng hawakan niya ito ay alam niyang dugo ito. Alam rin niyang patay na ang mga batang kaniyang nakikita at anilay mga walking dead ito tulad ng kaniyang mga napapanood sa sinehan. Makikita sa mukha ng mga bata ang nangingitim nilang mga mata, mapuputlang labi at mukha.

At nagpatay-sindi ulit ang ilaw hanggang sa nanatili itong bukas. Kasabay ng pagkawala ng kadiliman sa paligid ay siya ring pagkawala ng mga batang nakita niya kanina na naliligo ng sariwang dugo. Pagtingin niya sa kaniyang tabi ay nakita niyang siya na laamng ang naroon.

Sinuri niya ang buong silid, sa kaniyang gilid maging sa kaniyang harapan ngunit wala rito si Jerome. At sa kaniyang pagtalikod ay nakita niyang may mga nakalagay na lobo sa dingding at ang mas labis niyang ikinagulat ay ang makitang maging si Jerome ay nakadikit sa dingding.

At sa kaniyang tabi ay ang clown na may hawak na iba't-ibang laki ng kutsilyo na kumulinang pa na nagpapahiwatig na matalas ang talim nito.

The set up resembled carnival game, the one where you had to see how many balloons you could pop with the darts given to you. But in this case, the darts were replaced with sharp knives and the balloons were replaced with Jerome surrounded by eight balloons.

Hindi nagsasalita ang clown. Hindi naman na kailangan dahil alam na ni Ashton ang nais ipahiwatig ng clown.

At kahit kailan hindi niya lalaruin ang larong ito na nais ipalaro sa kaniay ng clown.

Bigla naming nakarinig si Ashton ng ingay sa kaniyang likuran at nakakarinig siya ng ilang mga yabag ng paa na patungo sa kaniyang likuran.

Bigla ring tumalikod si Ashton, hindi maiawasag matakot ni Ashton ng makita niyang nasa kaniyang likuran ang mga batang kanina lang ay humahawak sa kaniya. At alam niya ngayon na hindi ito kathang-isip lamang.

"It's your turn." A small voice said. Ashton couldn't tell which child had spoken.

"Hindi!" sigaw ni Aston kahit wala ng lumalabas na boses sa kaniyang bibig.

"It's your turn." Pagtingin ni Ashton sa baba ay nakita niya ang isang batang sa kaniyang tantiya ay wala pa sa limang taong gulang.

"Hindi! Hinding hindi ko gagawin yan." Sabi ni Ahton sa bata. Tumingin si Ashton kay Jerome. At nakita niyang kalamado lamang ito kahit nasa bingit na ito ng kamatayan.

Muling ibinalik ni Ashton ang tingin niya sa batang nasa kaniyang hita. At nagulat siya sa kaniyang nakita, ang mukha ng bata ay wala ng mata at ang buong mukha at katawan ay naagnas na.

"It's your turn." The corpse said. In flash, the clown grabbed one of the knives in the cup and thrown it towards the direction of Jerome, hitting him into his stomach.

Napabuntong-hininga na lamang si Ashton sa kaniyang nakita lalo na ng makita niyang tumalsik ang dugo ni Jerome sa mukha ng clown.

"Jerome!" tawag niya kay Jerome at nais tumakbo papunta sa dingding kung saan nakadikit si Jerome ngunit pinipigilan siya ng mga naagnas na katawan ng mga bata sa pamamagitan ng paghila sa kaniyang paa, kamay at maging sa kaniyang damit dahilan upang ito ay mapunit.

Hindi na napigilan mapaiyak ni Ashton ng maramdaan niyang may kumagat sa kaniyang binti, sunod sa kaniyang braso maging sa kaniyang tiyan.

Ashton sobbed and screamed as he felt some sharp teeth dug unto his flesh and stomach, exposing his muscle and bones. And no words can have described the pain he has felt.

Patuloy naman na naghahagis ang clown sa katawan ni Jerome at sa bawat pagtama ng kutsilyo sa kaniyang katawan ay napapatawa ito. Nagdudulot naman ito kay Ashton ng lungkot dahil ang ngiti ni Ashton ay bigla na lamang mawawala at siya pa ang huling naksaksi nito.

Nalulungot din naman si Jerome habang nakikita niyang konti-konting nawalan ng buhay si Ashton na hindi na makilala dahil sa wala na itong balat at laman, buto na lamang at ulo ni Ashton ang tanging nakikita niya habang pinagpipistahan ng mga naagnas na katawan ng bata. At nararamdaman niya ang sakit habang patuloy siyang binabato ng kutsilyo na maging sa kaniyang noo at dibdib ay may saksak na ng kutsilyo.

At sa sandaling iyon ay alam niyang magkikita na sila sa kabilang buhay kasama nila Ace, Sky, Nichole, at Ashton.

And everything went black.

===

Tuwang-tuwa naman na pinagmamasdan ni Mr. Antonio si Ashton habang nasa tabi ito ni Jerome na wala ng buhay dahil sa saksak ng dalawang dosenang kutsilyo na kaniyang kahahasa lamang.

Natutuwa siya habang nakikita niyang tanging ulo at buto na lamang ni Ahton ang pinagpipistahan ng mga batang naagnas na kaniyang inalagaan sa mahabang panahon.

At ang mas labis na ikinatuwa ni Mr. Antonio ay ang mapagtantong madadagdagan na ng walong kabataan ang daan daang bata na naging kolesyon na sa mahabang panahon.

Ang mga papasok sa kaniyang bahay ay kaniya ng pagmamay-ari.

'Because once you enter, they could never leave because they will all die.'

Antonio MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon