CHAPTER 4

293 27 2
                                        

CHAPTER 4


Walang tigil na pagsigaw ang umalingawngaw sa buong dark house, sigaw na nagmumula sa isang kaibigang nagluluksa.

Walang tigil sa pag-iyak si Nichole sa katawan ni Ace na ngayon ay wala ng buhay. Masakit para sa kanya ang makita ang katawan ng kanyang kaibigan na walang buhay. Lumuhod siya sa gilid ng bangkay ni Ace. "Ace! Oy Ace, please Ace huwag mo kaming iwan. Please."

Ngayon lang rin nag sink-in sa utak ni Jerome ang lahat ng nangyayari sa kanilang magkakaibigan. Kaya naman bigla na lamang siyang napaluha ng makita niya ang katawan ng kaniyang kaibigan habang yakap ni Nichole. "Hindi! Hindi pwedeng mangyari ito. Ace!" wika ni Jerome habang konti-konting pumapatak ang luha mula sa kaniyang mga mata.

Napaluhod na rin si Ashton sa tabi ni Ace alintana ang dugong patuloy pa ring lumalabas mula sa bibig at ilong ng kanilang wala ng buhay na kaibigan, maging sa kaniyang tenga at mata.

Pinanood na lamang ni Jerome si Ashton habang sinusubukang i-revive si Ace.

Pushing on his chest repeatedly, repeating few more time to make sure that they friend will be alive until he knew that useless. "Ash.", wika ni Jerome. "Ash tama na iyan. He's go-gone."

Napatingin naman si Ashton kay Jerome at makikita mula sa kaniyang mata ang lungkot at sakit, at napagtanto niya na tama ang kaniyang kaibigan. Kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na may taong kailangan magpaalam sa buhay kahit masakit.

Sa kabilang banda ay magkayakap si Andrei at Apple habang umiiyak ng palihim. Sa buong pag-aakala ng dalawa ay sila ang may dahilan kung bakit namatay si Ace at nawawala si Sky na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahagilap.

Nagtungo naman sa kanilang tabi si Raze habang nakatingin sa sahig na walang kaekspresyon ang mukha.

Kahit ayaw niyang alalahanin ay hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang nangyari sa kaniyang magulang at kapatid na pinatay sa ambush. Katulad ng bangkay ni Ace ay naliligo din ng dugo ang kaniyang magulang maliban na lamang sa kaniyang ama na may saksak sa leeg at tama ng baril sa ulo. Ang bagay na ito ang nagpanumbalik sa reyalidad kay Jerome at nagnanais makalabas sa mga nangyayari ngayon.

Sa kaniyang pag-ikot ay biglang tumayo ang kaniyang balahibo at nakapagpakaba sa kanya ng may makita siyang anino ng di niya maaninag na tao na nakatayo sa pintuan ng dark house. "Sky?" tawag niya sa kaniyang nakita at naglakad na papalapit sa pintuan.

Nakatayo pa rin sa pintuan ang taong ito na at maaninag na ito ay nakatingin sa kaniya na anilay pinagmamasdan ito ng mabuti. Nang siya ay makalapit, ay napagtanto niyang hindi ito ang kaniyang kaibigan bagkus isang maskuladong nilalang.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Raze at tumitibok ng malakas na akala mo ay maririnig ng nasa paligid ang bawat pintig nito.

Biglang kumidlat kaya naman lumiwanag ang paligid ng saglit at bumalik sa orihinal nitong kadiliman. Ngunit sa pagliwanag ng paligid ay ang nagpanindig balahibo sa kanya.

Ito ay isang clown, isang totoong clown na may pinturang puti ang mukha at may mapulang ilong at tulad ng isang clown manamit at mag-ayos.

At ito ay naghahawak ng isang lubid.

Konti-konting humahakbang palikod si Raze ngunit hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa pintuan. Kumidlat muli sa buong kapaligiran at sinabayan pa ito ng kulog.

At sa pagkakataong iyon ay ang bagay na nakapagpasigaw sa kaniya upang makuha ang atensyon ng kaniyang mga kaibigan.

Nakita niyang ito si Sky na nakasabit sa kisame ng pintuan at nakatayo ang clown sa tabi nito habang nakangiti ng akala mo ay matutuwa ito sa kaniyang ginagawa.

Tumakbo palapit sa clown at kay Sky si Raze, hindi kalayuan ang iba pa niyang kaibigan na tumatakbo rin patungo sa pintuan. Pilit inaalis ni Sky ang lubid sa kaniyang leeg habang inihahampas ang kaniyang mga paa sa hangin, ngunit alam niyang wala na siyang magagawa.

Nang makarating si Raze sa kinaroroonan ni Sky, ay nakita na lamang niya ang walang buhay na katawan ni Sky na nakasabit sa kisame at wala na roon ang clown.

Antonio MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon