CHAPTER 9

225 27 0
                                    

CHAPTER 9

Hindi napigilang sumigaw sa takot si Nichole ng makita niyang isang naaagnas na bangkay ang nasa likod nito. At ang ikinabigla niya ay isa itong may buhay na naagnas na bangkay ang bumungad sa kaniyang harapan.

Ang balat nito ay wala na at ang tanging makikita mo na lamang ay ang mga laman nitong inuuod. Ngunit nakikita pa rin ang buong laman nito na parang nabalatan ng buhay. At makikita din ang ibang hibla ng buhok sa kaniyang ulo.

Jerome was going to be sick. Nakakaramdam siya ng pagkulo ng kaniyang tiyan na akala mo ay may makina na ginagamit sa kaniyang tiyan, ngunit hindi niya mai-alis ang kanyang tingin sa zombie thing na nasa kanilang harapan.

'This is some Walking Dead kind of thing.' Sa isip-isip ni Jerome.

Kaya naman hindi niya mapigilang mapahalakhak sa kaniyang naisip. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa kung makita ka ng totoong walking dead na noo'y napapanood mo lang sa mga palabas sa telebisyon.

Umalingawngaw sa buong silid ang halakhak ni Jerome na kanina lang ay kinakain ng katahimikan. Kaya naman hindi naiwasang mapatingin ni Nichole sa kaniyang kinakatayuan.

"Ano bang tinatawa-tawa mo diyan?" tanong agad ni Nichole. Ngunit tinawanan lang ito ng mas malakas pa sa nauna niyang tawa. Bago pa amn siya tuluyang makasagot ay napaupo na siya sa sahig katatawa.

Iniaalis na lamang ni Nichole ang kaniyang tingin sa kinauupuan ni Jerome at napatingin ng may halong kaba sa gawi ng bangkay na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin at hindi gumagalaw. "Jerome, stop."

Jerome was laughing continuously and somehow, he is having trouble in breathing due to his non-sense laughter. "I can't." he said while holding onto his stomach. "It... hurts."

"Jerome pwede ba tumigil ka na diyan katatawa at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari-" napatigil sa pagsasalita si Nichole nang makarinig siya ng ingay na mas malakas pa sa tawa ni Jerome.

*crrriiiiiiiiick*

Napatigil siya sa kaniyang kinakatayuan at maging ang dugo niya ay nahinto sa pagdaloy na kalaunan ay nagdulot sa kaniya upang mahilo.

When Nichole turned around, she held back another scream.

The corpse moved.

Nakatayo na ito ngayon isang talampakan mula sa kanilang harapan habang ang kamay nitong naagnas ay pilit inaabot si Nichole. It was something out of a nightmare. Habang si Jerome naman ay patuloy pa rin sa pagtawa. Hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pagtawa at hindi niya na rin alam kung bakit.

*crrriiiiiiiiick*

Hindi naman na napigilan ni Nichole na mapaiyak ng marinig nanaman niya ang ingay na iyon. Ayaw niya ng lumingon sa pinanggalinagn ng ingay na ito ngunit alam niya sa sarili niya na kailangan niyang tignan kung ano ito upang malaman niya kung kailangan niyang manlaban.

Nichole slowly, and very unwilling to turn around. At sa kaniyang pag-ikot ay bumuhos na ang kaniyang mga luha dahil ngayon ay face to face na sila ng naaagnas na bangkay. Bago pa amn siya makasigaw ay gumalaw na ang kamay ng naagnas na bangkayn o corpse patungo sa kaniyang tiyan.

Jerome watched with horror as Nichole took in a gurgling breath.

Ang kamay ng corpse ay mas lalo pang pumaloob sa tiyan ni Nichole at nakikita ni Jerome na ang dulo ng kamay ng corpse ay nasa likod na nito at halos mabutas na ang tiyan ni Nichole hanggang likod. Habang nakatalikod sa gawi ni Jerome si Nichole.

For some sick reason, Jerome looked it funny too, so he burst in laughter in what the corpse have done to Nichole.

Pinapanood lamang niya ang ginagawa ng corpse sa katawan ni Nichole at maging ang paglabas ng kamay ng corpse mula sa tiyan ni Nichole. Hanggang sa mawalan na ng lakas si Nichole at bumagsak sa sahig.

Ngunit nagbabakasakali pa rin si Nichole na makatayo ngunit bumagsak pa rin siya sa sahig habang patuloy na umaagos sa sahig ang dugo na nagmula sa butas niyang tiyan.

Hanggang sa mawalan na ito ng buhay ay wala pa ring tigil sa pagtawa si Jerome.

===

Tuluyang pumasok sa loob ng bahay ang grupo nila Raze habang patingin-tingin sa gilid at harap upang tignan ang clown na nakita niya sa balkunahe ng bahay ng nasa labas pa lamang sila.

Dumikit ng kaunti si Ashton kay Raze habang kinakamot ang kaniyang braso at hindi niya ito napapansin na ang kaniyang kinakamot ay wala ng balat at laman na ng kaniyang braso ang kaniyang kinakamot.

Tumabi din si Apple at Andrei sa tabi ni Ashton habang magkaholding hands sa sobrang takot. Ayaw man ni Andrei ng may kaholding hands dahil sa feeling na nagbabasa ang kamay ng kaholding hands mo ay nakakapagbigay sa kaniya ng inis ngunit ngayon ang nararamdaman niya ay closeness.

Closeness na nagmumula sa kaniyang kaibigan.

"Hey. Wait." Bulong ni Apple sa kaniyang kaibigan sapat na upang marinig nito ang kaniyang sinasabi.

"Bakit?"

"Naririnig niyo ba ang ingay na iyon?"

Napahinto naman sa paglalakad si Andrei upang pakinggan ang tinutukoy ni Apple. Sa una wala siyang ibang marinig kundi ang mga yabag ng paa ng kaniyang ibang kaibigan ngunit may isang ingay pa siyang naririnig.

"Raze!" tawag ni Andrei ng pabulong sapat na upang marinig ni Raze ang kaniyang sinabi.

"Ano?"

"Pakinggan mo ang ingay na iyon."

Sinunod naman ni Raze ang sinabi ni Andrei. Kahit si Ashton ay napatigil sa pagkamot ng kaniyang braso upang pakingggan ang sinasabi ni Andrei. Nagulat si Raze ng makilala niya ang boses na kaniyang naririnig. "Laughter?"

Andrei and Apple nodded their heads.

"At boses iyon ni Jerome." Wika ni Raze at sinenyasan niya ang kaniyang mga kaibigan upang sumunod sa kaniya.

Palakas ng palakas ang tawa na kanilang naririnig habang pumapasok sila ng bahay. At nakarating sila sa isang pinto at nakita nilang si Jerome nga ang pinagmumulan ng tawang kanilang naririnig.

Iniikot niya ang doorknob ng dahan-dahan upang hindi makalikha ng ingay.

Tumumbad sa kanila si Jerome na tumatawa habang nakaupo sa sahig habang nasa kaniyang tabi ang bangkay ni Nichole.

Napaluha naman si Ashton sa kaniyang nakita at ipinagpatuloy ang pagkakamot sa kaniyang braso. Napalinga-linga naman si Raze sa buong silid at wala siyang ibang nakita kundi ang ilaw sa gitna ng kuwarto na pundido na.

Nag-aalangan naman siyang lumapit kay Jerome na kaunti-unti ay humihinto sa pagtawa.

"Jerome anong nangyari kay Nichole?" tanong ni Raze at umupo ng akunti upang tignan ang katawan ni Nichole at nakita niya ang malaking butas sa tiyan nito.

"She was killed by the corpse. Tapos bigla na lang naging abo ang corpse kaya maraming abo ang naririto."

Nagtaka naman si Raze sa sinasabi Jerome dahil wala naming bakas ng kahit anong abo sa loob ng silid.

He was about to bring this up to Jerome when a boy brought his hands to his cheeks that leaves a red liquid across his cheeks.

Nagulat naman si Raze ng makita niyang puno ng dugo ang kamay ni Jerome na umaabot hanggang sa kaniyang braso.

"Ano bang ginawa ng corpse upang patayin si Nichole?" ayaw kasing malaman ni Raze ang sagot sa sarili niyang inspeksiyon sa katawan ni Nichole.

"Putted its hand through her stomach." Sagot naman ni Jerome.

At lahat ng kaniyang kaibigan ay nagsi-iyakan.

Antonio MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon