CHAPTER 10
Medyo natakot si Ashton nang makita niyang nagsuka si Raze sa sahig. Hindi kayang patayin ni Jerome si Nichole. Masyado siyang inosente para gawin ito sa mura niyang edad.
Ngunit sa nakikita nilang ebidensya. Sa kanilang pagkakaalam si Jerome lang ang nag-iisang taong kasama niya sa silid na iyon at makikita sa kaniyang braso na may mantsa ng dugo.
Nag-iisip-isip si Ashton nang makaramdam siya ng hapdi sa kaliwa niyang braso. Nang tignan niya ito, nakita niyang kinakamot niya ito ng madiin kaya naman nagsusugat na ito na halos makita na ang laman sa kaniyang braso. 'That's strange.' Sa isip-isip ni Ashton. 'Hindi ko man lang narealize na kinakamot ko ito kanina pa.'
Napatingin naman si Andrei sa kaniyang mga matatalik na kaibigan. Napakadumi na niya, nagkalat na ang make-up na nilagay niya dahil kanina pa siya iyak ng iyak at ang kaniyang buhok na bago sila pumasok ay unat, ngayon naman ay nagkakabuho-buhol na ito. Ngunit kahit ganito na ang kaniyang itsura ay maganda pa rin siya.
"Applelicious?" bulong ni Andrei upang makuha ang atensyon ng babaeng mas maliit kaysa sa kanya na sa kaniyang pagtatantya ay hanggang dibdib niya lang ito. "Kailangan kitang kausapin kahit saglit lang."
Apple nodded and let Andrei lead her way from the room that smelled like hell into the hallway.
"What's wrong?" pagtatanong ni Apple.
Apple pouted her lips slightly because Andrei loved I when Apple pouts while Andrei is nervous that made her feel calm and comfortable.
"Uhm. I must tell you something. Alam mo naman, just in... just in case na mamata-" hindi kayang sabihin ni Andrei ang mga gusto niang sabihin kahit nawawalan na siya ng pag-asa. Habang si Apple naman ay naguguluhan kung ano ang nais sabihin ng kaniyang itinuturing na tunay na ate.
Bumuntong hininga muna siya bago niya itinuloy ang nais niyang sabihin. "matagal ko na talaga gusting sabihin ito sayo na-" napatigil ulit siya sa pagsasalita dahil sa ingay na kaniyang naririnig. Ingay ito mula sa mga yabag ng mga paa.
Yabag ng mga paa na patungo sa kinaroroonan nila.
Dahil sa panic, tumakbo agad si Apple mula sa tabi ni Andrei patungo sa kuwarto kung nasaan ang iba nilang kaibigan. "Guys someone is coming! We need to go. Now!" she whispered harshly.
Hinila na ni Apple ang damit ni Ashton upang sumunod ito sa kaniya. Tumayo naman bigla si Raze at hinila si Jerome mula sa bangkay ni Nichole patungo sa hallway.
Naririnig nilang mas lumalakas ang yabag ng mga paa kaya naman alam nilang malapit na ang mga ito sa kanila. At naririnig nilang sumisipol ito ng mga musika sa isang circus. Kaya naman biglang kinabahan si Raze dahil alam niyang nagmumula ang sipol na iyon sa clown.
"Kailangan nating magtago!" sigaw ni Raze. Lahat naman sila ay sinunod ang sinabi ni Raze at nagsitakbuhan kung saan sila maaring magtago.
Ashton ended up with Jerome in one of the side room of the dark house. Tulad ng kuwarto kung saan nakulong sila Nichole, napadpad sila sa isang kuwartong tanging patay sinding bumbulya lamang ang nagbibigay liwanag sa buong silid.
"Ten." Jerome giggled while glancimg at Ashton in the corner of his eye. Ashton putted a finger on Jerome's lips to quiet the younger boy, and was shocked to find that he tasted blood.
Pagtingin ni Ashton sa kaniyang braso, nagdudugo na ito at mas dumami na ang sugat ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling.
"Nine." Pagpapatuloy ni Jerome.
Nakaramdam naman ng takot si Ashton dahil sa pagbibilang ni Jerome.
"Eight."
"Seven."
"Six."
Sinubukang pahintuin ni Ashton si Jerome ngunit ayaw nitong tumigil. Tila wala ito sa sarili.
Nagsimula ng bumagsak ang luha ni Ashton dahil sa takot. "Jeromeskie, please stop, tinatakot mo na ako." Pagmamakaawa ni Ashton.
"Five!"
"Four!" Jerome shouted the numbers that makes Ashton cried harder.
"Jerome, stop!"
"Three."
"No Jerome. Will you please stop."
"Two."
"One." Bulong ni Jerome na si Ashton lang ang tanging makakarinig.
Nakarinig sila ng malakas na ingay na akala mo ay may sumabog, namatay ang lahat ng ilaw kaya naman wala silang ibang makita kundi kadiliman. Bagon huminga ng malalim si Ashton ay nagsalita siya.
"Here he comes."
At bumalik na siya sa huwisyo.

BINABASA MO ANG
Antonio Mansion
Horror[DARK HOUSE DUOLOGY 1] Isang grupong binubuo ng walong kabataang ang nais lamang ay kasiyahan. Playing. Watching. Teasing. Isang bahay na pinaniniwalaang binabahayan ng demonyo at ng mga ligaw na espiritu. Sa kabila ng kanilang pagtuklas sa nakatago...