CHAPTER 6

225 25 0
                                    

CHAPTER 6

Nichole was a mess. She was never one for scary things, and seeing his dead friends was too much for her. Heart-wrenching, terrible sobs tore from her throat as she clutched into her friends.

Nasa bisig ni Jerome si Nichole habang umiiyak, ngunit kahit anong pagpapatahan sa kaniya ay naririnig pa rin niya ang ingay mula sa loob ng inabandunang fun house. Masakit para kay Jerome na makitang nasasaktan si Nichole dahil mahal niya ito. Pagmamahal na parang tunay na kapatid.

Yakap pa rin niya si Nichole nang naramdaman niyang natahimik ito, wala ng bahid ng pag-iyak. The words to ask her what was wrong were just forming in her lips when Nichole run and bolted towards inside the dark house.

"Nichole! Bumalik ka dito!" sigaw ni Jerome at tumakbo rin upang habulin ang kaniyang kaibigan. Na kahit anong tawag sa kaniya ng kaniyang kaibigan ay hindi niya pinapakinggan dahil ang nasa isip lang ngayon ni Jerome ay ang mailigtas si Nichole.

Nawala na lamang na parang bula si Nichole nang malapit ng mahabol ito ni Jerome. At sa paghinto niya ay bigla naming tumayo ang buhok niya sa kaniyang batok ngunit hindi niya alam ang dahilan.

Tumahimik ang buong fun house ngunit hindi pa rin nawawala ang mga ilaw na nanatiling nagniningning sa mga puno at halaman.

Naglakad patungo sa harap ng pinto si Jerome upang silipin kung ano ang meron sa loob ng inabandunang fun house ngunit wala siyang makita dahil madilim ang loob nito. Huminga siya ng malalim at tinahak ang loob ng inabandunang fun house upang hanapin si Nichole.

===

Tinignan naman ni Andrei ang kaniyang mga kaibigan at nagulat siya ng makita niyang wala si Nichole at si Jerome. "Guys, nasaan sila Jerome at Nichole?"

Nagtinginan naman ang iba pa niyang kaibigan upang tignan kung nasaan ang kanilang kaibigan. Bakas sa kanilang mukha ang kaba at pag-aalala. Hindi nila makita sila Jerome at Nichole.

Parang may nag-uudyok naman kay Raze na tumingin sa taas kaya naman tumingin agad siya sa itaas. Tumingin siya sa balkonahe ng inabandunang fun house kung saan nakita niya ang hindi ma-ipaliwanag na formation ng mga salamin na akala mo ay nadeformed ang mga ito at nakatayo doon ang clown.

Nagsimula itong ngumiti, palaki ng palaki hangang literal na umabot sa kaniyang tenga. Nakikita na rin ni Raze ang dugo na dumadaloy sa mga sugat at skin tissue ng mukha ng clown ngunit parang wala lang itong pakialam sa nangyayari sa kanyang sarili. Naglakad ito papasok sa loob ng dark house at lumingon na siya sa kaniyang mga kaibigan.

"Alam ko na kung nasaan sila."

Antonio MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon