CHAPTER 7

224 24 0
                                    

CHAPTER 7


Naglakad patungo sa harap ng pinto si Jerome upang silipin kung ano ang meron sa loob ng inabandunang fun house ngunit wala siyang makita dahil madilim ang loob nito. Huminga siya ng malalim at tinahak ang loob ng inabandunang fun house upang hanapin si Nichole.

Mirrors, they are everywhere. At alam ni Jerome kung ano talaga ito.

Isang maze of mirrors.

May nakita siyang pigura sa kaniyang peripheral vision at ito ay pigura ng isang babae. Nichole.

"Nichole!" tawag ni Jerome habang sinusundan siya. Ngunit sa tuwing tutungo siya sa pwesto ni Nichole ay mawawala ito sa likod ng mga salamin.

"Saglit lang Nichole. Hintayin mo naman ako!" sigaw niya mula sa kaniyang pwesto, struggling to get her faster but everytime he went faster, the faster she would go. Talaga namang nakakaloko ang maze of mirrors. Napa-isip tuloy si Jerome kung paano sila makakalabas dito.

As the chase continued, may napansin si Jerome na maliit na bagay na isang pigurang hindi niya napansin noong una. Tulad na lamang ng hinahabol niya. Masyado naman itong maliit kung ito si Nichole.

Tumungo si Jerome ng dahan-dahan sa huling pinasukan ng pigura ng babae at nanigas siya sa kaniyang nakita. Nakita niya ito ngunit nakatalikod ito sa kaniya pero sigurado na siyang ito ay si Nichole.

"Nichole! Salamat naman nakita na kita." Wika niya. At humakbang paharap upang hilahin na ito palabas. "Let's get out of here."

Hinawakan niya ito sa kamay at sinimulang maglakad ngunit hindi gumalaw si Nichole. Hinila muli ni Jerome si Nichole. "Tara lumabas na tayo dito dahil paniguradong nag-aalala na ang mga kaibigan natin sa labas.

Ngunit hindi pa rin ito gumalaw at dahil doon ay napagtanto ni Jerome na may mali o kaya naman ito ay nagulat noong nakita niya si Nichole sa likod ng isang salamin na umiiyak at sinasabi sa kaniya na tumakbo ito.

At tinignan ni Jerome kung sino ang hinahawakan niya at siya ay namutla sa kaniyang nakita.

Ang hinahawakan niya ay walang mukha. Walang mata, ilong o bibig. Ito ay puro balat lamang. Humakbang palikod si Jerome. Ngunit mahigpit ang hawak sa kaniya ng katawang iyon. Itinulak siya sa isang salamin na dahilan upang mabasag ito. At naramdaman ni Jerome na may tumusok sa kaniyang leeg at dumudugo ito. At biglang may binuksan ito na hidden door at inihagis siya doon na akala mo isang walang kuwentang manika.

At nang magsarado ang pintong pinaghagisan sa kaniya ay nakita niya na may ilaw sa paligid at nagmumula ito sa bumbilyang nasa gitna ng silid. Biglang may tumakbo papunta sa kanyang kinaroroonan. At ito pala ay si Nichole.

"Jerome, oh my gosh. Okay ka lang ba? Dumudugo ka, patingin nga ako." nagmamadaling niyang sabi upang tignan ang sugat sa leeg at batok ni Jerome. Napadaing naman si Jerome ng hawakan ito ni Nichole.

"What the heck Nichole? What happened? Why do you run off? Where are we? At ano ang amoy na iyon?" sunod-sunod na tanong ni Jerome.

"Sorry. Hindi ko din alam kung bakit ako tumakbo. At wala akong ideya kung anong nangyayari at nasaan tayo. Pero alam ko kung ano ang amoy na iyon." wika niya at lumingon sa paligid nila.

Tinignan din ni Jerome ang tinitignan ni Nichole at napasigaw sa sobrang gulat. Nakita niya na napapalibutan sila---may mga nakasabit sa pader at may mga nakahiga sa sahig na mga katawan. Katawan ng mga naaagnas at nabubulok na mga katawan na kung bibibilangin mo ay nasa mahigit dalawampung katawan. Maliliit ang mga katawan nito na parang sa mga bata.

"Sa tingin ko alam ko na kung ano ang nangyari sa mga batang nawawala noon."

Antonio MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon