Binibining Medyo Bastos #1

1.8K 17 3
                                    

1.

"Janna Tilapiaaaaaaaaaa!" napatakip naman ako ng aking tenga ng marinig na naman ang alarm clock na boses ni inang rapper. Halugad! Ke aga -aga, rumoronda na naman ang boses nya. Akala mo naman napakalayo ng kausap.

"Yes, Mader Earth?" tignan mong isang 'to. Alam naman nyang ayaw na ayaw ni Mudrachakabels na tawagin syang Earth, tinawag pa. Anak ng!

"Tantanan mo ako sa kaka Mader Earth mo ha? Tawagin mo yung kapatid mong si Bangus dahil kailangan na nyang pumunta kay Aling Babang para magbayad ng utang, dali!" sigaw na nama ni Mudrachakabels.

"Yes, Mader Earth!" sigaw ni Janna tapos tumakbo na palabas ng bahay.

Napalingon naman aky kay Mudrachakabels dahi nakapamewang sya sa akin ngayon. Itatakip ko na sana ang dalawa kong kamay sa aking tenga ng bigla na lang nya akong batuhin ng tsinelas, anak ng kulugo naman!

"Hoy, CHIKI NINI! Bumili ka nga ng sabon don kela Pranses dahil maglalaba ako! Nakakahiya naman kasi sayong babaita ka, ke babaeng tao hindi marunong maglaba maski panty man lang!"

Yumuko nalang ako at hindi pinakinggan ang pagwawala ni Mama. Pasok sa left ear labas sa right ear. Wag papadaanin sa utak, may virus yung mga sinasabi ni Mudrachakabels e.

"Nakikinig kaba, Chiki Nini ha?!" Eh? Talagang ipagdiinan yung pangalan ko? Tumango ako at ngumiti ng malapad sa kanya. Hindi ko alam kung anong trip ng nanay ko dahil bakit, ganon ang pinangalan nya. Biruin mo ba namang Chiki Nini? San ka nakahanap ng ganyang pangalan?!

"Oh? Bakit di kapa lumayas? Bili na!"

"Eh wala ka pa namang binibigay na pera, Mudra!" sigaw ko. Bumunot naman sya ng pera sa kanyang daster at ibinigay sa akin. "Anong sabon ba ma?"

"Breeze, may sampung kamay 'yon eh. Malay mo matulungan ako dalawa lang meron ako. Bilis!"

Napanganga naman ako sa sinabi ni Mama. Breeze binili kesa Tide? Eh maganda nga Tide don kase mapapasabi ka nalang ng 'gulat kayo noh?' Bakit 'sampung kamay pa?!'

Lumabas ako ng bahay at naglakad. Malapit lang naman yung tindahan nila Pranses dito. Nang makarating doon, napangisi naman ako ng may mga kumpol ng lalaki ang naroroon. May kung ano ata silang pinapanuod. Sinilip ko naman 'yon, kaso di ko makita kaya narinig ko nalang.

"Ohhhhh, ahhhhhhh!"

"Damn!"

Napa-angat naman ng aking tingin sa mga kalalakihang nanunuod. Yung iba pawis na pawis na, yung isa naman napapakapit ng mahigpit sa katabi nya. Napababa naman yung tingin ko, grabe tigang na tigang na sya sa ganyang panuorin? Pano may tumbol don sa gitna ng shorts nya.

"Hoy, Chiki Nini. Bakit ka nakatingin dyan ha?!" nilingon ko naman ang baklang si Pranses. Napangisi sya sakin habang nginunguso yung mga lalaking abala pa din sa panunuod.

"Manahimik ka, Pranses. Pagbilan nga ng Breeze.." sabi ko sabay abot ng pera.

Iniabot naman nya sa akin ang sabon, kinuha ko iyon. Patalikod na sana ako ng sumigaw bigla yung isang lalaki.

"Put*! Ang laki!" napanganga naman ako sa sinabi nya.

"Ng ano?" biglang singit ko kaya naman nilingon nila akong lahat.

"Oh, Chiki nandito ka pala?" nakangiting sabi ni Teagang, sya pala yung may hawak ng phone.

"Oh tapos? Ano pinanunuod nyo?" kuryosong tanong ko.

Tumawa naman sila. "Bakit? Curiosity kills, babe.."

Napangiwi naman ako, ginawa pa akong baboy ng hinayupak na ito. Inirapan ko nalang sya, tumalikod na ako don kaso bigla naman akong hinatak palapit don ni Teagang.

"Di mo ba alam na bastos kapag kinakausap ka tapos tatalikuran mo lang?" aniya. Tinabig ko naman ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso.

"Hoy, Daniel Teagang. Tantanan mo ako ha? Wag mokong idamay sa kateagangan mo!" sigaw ko.

Sinamaan naman nya ako ng tingin, natawa naman yung mga kaibigan nya.

"Wala ka pala, pre eh!" sabi nung kasama nyang may kung anong tumbol sa gitna kanina.

"Shut up!" ay taray umi-english?

"Sige nga, spell shut up?" tanong ko. Tinignan naman nya ako uli ng masama.

"Manahimik ka!"

Tignan nyo? Tinagalog kase hindi alam i-spell?

"Maiwan ko na nga kayo dyan. Bye Teagang! Wag ka ng matigang buong araw, bad yon!" sigaw ko ay naglakad na pala doon.

Natawa naman ako, hindi ako bastos pero medyo lang. Hindi kase lahat ng babae, inosente. Yung iba painosente lang. Like me, di ako inosente at tanggap ko yon!

Pagkadating ko ng bahay iniabot ko kay mama yung Breeze. Isa na daw sya sa alagad ng sampung kamay. Pumunta ako ng kwarto ko at kinuha ang aking cellphone bago humiga sa kutson.

Kinalkal ko ang gallery ko don, karamihan doon puro lalaking may abs. Paulit-ulit kasi akong nagtatanong, ano bang nakakainlove sa abs? Nakakapogi ba'yon? Mas prefer ko kasi yung lalaking walang abs sa totoo lang.

Hay nako, pumikit nalang ako at bumuntong-hininga. Kelan kaya ako magkaka-boyfriend? Ang huli ko kasing ex ay si Sundot Baluyot. Iniwan ko kase, wala eh jutay-- joke lang. Iniwan ko kase di ko na sya mahal, sya din naman eh. Hanap nya malaking boobs, eh pader daw ako kaya ayon iniwan ko.

Lapastangan na lalaki, minahal mo na nga binastos kapa!

Binibining Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon