Binibining Medyo Bastos #4

616 10 7
                                        

4.

Dahil sa kahihiyan na natamo. Dagli-dagli akong umalis doon at hindi na lumabas kahit na umalis na yong, Dyutay na 'yon. Dahil sa dalawang rason.

Una, kahihiyan.

Pangalawa, ang bunganga ni Mudrachakabels.

Yaks! Nakakahiya talaga 'yon. Minsan talaga yung kabastusan ko di ko maialis. Eh sa anong magagawa ko? Ganon na ako. Inborn na sa akin ang ganon, pero shaks! Nakakahiya. Bakit kasi puro Daks na sasabi ko?

"HOY,CHIKI NINI! BUMABA KA DYAN!" sigaw ni Mudrachakabels at kinalabog ag pintuan ng kwarto ko. Anak ng tete naman oh, kasalanan 'to ng labi ko eh! "Kapag hindi ka lumabas dyan, hindi ka lalabas ng isang buwan! Isa!"

Ay kalerki naman?! Isang buwan talaga? Hala sya, ma-stress ang katawan ko baka mamayat ako ng di-oras. Hindi pwede yon! Ang ganda pa naman ng hugis ng katawan ko.

"Dalawa!"

"Eto na nga Mudrachakabels eh!" napakamot nalang ako sa aking ulo at umalis na sa hinihigaan ko. Okay, kaya ko 'to. Isipin ko nalang, nag rarap si mama tapos nagpapasabog ng bomba. Pasok sa left ear, labas sa right ear at wag papasukin sa ulo. Mahirap ma-invade ng virus!

Lumabas ako ng kwarto at sumilip kung nandon si Mudrachakabels ng ma-check na wala ay dire-diretso akong naglakad pababa. Wala pa din si Mudrachakabels sa sala, pero may isang lalaking nakaupo don. Don't tell me di pa rin umaalis yung Dyutay na'yon? Ano ba kasing kailangan nya sa akin?!

Pipihit na sana ako patalikod ng bigla naman ako nitong tawagin kaya naman nilingon ko sya. Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makilala ko kung sino sya.

"Dyakol Lin!" sigaw ko habang sya naman ay nakangiti sa akin. Kaagad akong nagtatakbo palapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Hello, Chiki Nini.." aniya habang nakayakap sakin ng mahigpit.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Pero syempre, nahinto sa gitna nya. Hala, dati jutay lang 'to ah? Kelan pa naging ganyan kalaki yan?

"Hoy, wala yung mukha ko dyan!" aniya at tumawa ng marahan. Kundi ko lang 'to kakilala, baka nagtatakbo na ako palayo. pero dahil kababata ko sya, sanay na kami sa ganito.

"Kelan kapa nakauwi?" tanong ko at naupo. Ganon din naman sya.

"Kanina lang, dumiretso lang ako dito.." lumipad kasi sila pa-ibang bansa. Tapos, wala na kaming naging connection dahil doon. Buti nga nakilala at naalala nya pa ako.

"Namiss kita!" ngumiti naman ako ng malapad sa kanya.

"Ulol mo, ano virgin ka pa ba?" tanong ko kaya naman ang loko namula. Ay alam ko na, nakasundot na'to ng ilang beses.

"Bakit ba ganyan ka magsalita? Di ka na nagbago!" aniya.

"Bukod sa mas gumanda at sumexy ako, at virgin pa din. Wala na, wala ng nagbago sa akin. So, tell me ilan?"

"Huh? A-anong ilan?"

Letsugas na'to, kala mo inosente eh. Tanggalan ko kaya ng boxer to at mataga ang footlong?

Bago pa ako makapagsalita. May isang epal ang nagtatakbo sa akin na akala mo ngayon lang uli ako nakita.

"Chikibaby!"

At niyakap ako ng mahigpit. Anak ka ng ina mo, kelan pa 'to nagkaroon ng lakas at kakapalan ng mukha na yakapin ako?!

"King-ina kang, Jumbo ka!" sigaw ko sabay tulak sa kanya. "Sinong nagsabi sayong yakapin mo ako ha?!"

Nagpout naman sya kaya naman napailing ako at napangiwi. Okay sana kung pogi sya eh, kaso hindi! Hindi bagay sakanya magpout dahil mukha syang adik!

"Boyfriend mo, Chiki?" Biglang tanong ni Dyakol.

"Oo, bakit brad may problema ba?"

Kaagad ko namang binatukan si Jumbo kaya napa-aray sya. Okay sana kung si Sundot 'to eh, kaso ex ko 'yon at wala pa akong boyfriend ulit! Kaya ang kapal ng peslak ng supot na'to!

"Hoy! For your beautiful informartion. Hindi kita boyfriend at hindi ka kapasa-pasang boyfriend. Bastos na virgin lang ako, pero hindi ako pumapatol sa supot na alagad ng shokoy naiintindihan mo?!" sigaw ko at ang loko? Ayon nagpout lang sa akin.

Humagalpak naman ng tawa si Dyakol at nakahawak pa sa tiyan nya. Sabi na eh, nakatakas ng mental 'to, bakit ba hinayaan tong makauwi?

"You! Hindi ka parin nagbago!" aniya habang tumatawa pa din.

Napailing nalang ako at napabaling sa taong nasa harap ko-- si Mudrachakabels. Nakangiti sya at may hawak na Breeze. Lintik na'yan, hanggang ngayon ba naman Breeze pa den? Alagad na talaga ng Breeze 'to.

"Para san na naman yan, Mudrachakabels?" tanong ko.

Iniangat naman nya yung hawak nyang Breeze. "Ah, lalabhan ko yung panty ni Jannalapia. May regla eh!" sigaw nya. Galing noh? Nasa harapan lang nya ako kung sigawan ako kala mo nasa kabilang kanto.

Napatingin naman ako sa dalawang lalaking nasa tabi ko. Parehong namumula at nakayuko, kung bastos ako mas bastos si Mudrachakabels. Kumbaga ako yung medyo sya yung sobra.

"Hala sige, maiwan ko muna kayo dyan. Lintik kase iyong kapatid mo! Muntik na daw dilaan ni Tuko yung panty nya dahil malansa!" sigaw nya. Si Tuko, yung alaga naming aso.

Tumango nalang ako at hinayaan syang umalis. Ang bait talaga ni Mudrachakabels, biruin mong sya pa maglalaba ng panty ni Jannalapia. Sabagay, sakin sya din naman.

"Hoy, wala ba kayong balak magsi-uwi?" tanong ko sa dalawa. Nag-angat naman sila ng tingin, namumula pa din yung mukha nila.

"A-ah, una na ako C-chikibaby!" sabi ni Jumbo at tumakbo na palabas. Problema non?

"Ikaw?" sabay baling ko kay Dyakol. Ngumiti naman sya at nagkamot ng ulo. May kuto lang?

"Ah sige, balik nalang ako dito bukas. Okay lang ba? Gala lang."

Tumango naman ako at ngumiti. Nagpaalam na sya at inihatid ko naman sya sa labas. Ang taray nga eh, may kotse na syang sarili. Ibang-iba na talaga sya sa dating Dyakol.

Pumanhik na ako sa taas at dumireto sa akong kwarto. Ang daming nangyare ngayon! Pakiramdam ko, sasabog ang matres ko eh! Syempre joke lang, bastos ako pero syempre gusto ko din malasap ang kalangitan bago sumabog matres ko.

Pero palaisipan pa din sa akin kung bakit nandito sa bahay namin kanin si Dyutay. Ano kayang kailangan nya sa akin? Hala! Baka, gusto nya akong bilhin hindi for rent ang katawa ko!

Bastos na virgin ako pero may dignidad pa rin ako sa self ko! No way!


Binibining Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon