6.
Wala na akong mukhang maihaharap sa Dyutay na'to. Gustong-gusto ata nitong napapahiya ako eh. Matapos ang pinakanakakahiyang engkwento kanina. Nagpaalam syang aalis at hindi na babalik pa. Nasabi din nyang kaya sya napadaan uli sa bahay dahil gusto niyang magpasalamat at magpaalam na kay Mudrachakabels.
Napabuntong-hininga naman ako. Sayang, hindi ko man lang nasilip kung talagang Daks nga. Pero, handa na ba akong makita yon? Yung kay Sundot Baluyot kasi talagang ipinakita nya lang. Sya daw kase ang may pinakamalaking etits dito sa Bayan ng yugyugan.
"Malas! Isa kang malas!"
"Ay, Dyutay na niyugyog!" sigaw ko. Nagulat kasi ako sa biglang sumigaw sa tabi ko.
Nilingon ko ang isang matandang lalake na may hawak na tungkod at nakapikit pa. Panot na ito, at mahaba na ang mga balbas nito. Para syang si Tatalino.
"ALA EH!" sigaw nya at idinilat ang kanyang mga mata nagulat ako ng itinuro nya sa akin ang tungkod nya.
"IKAW! MALAS IKAW BABAE ALA EH!"
Makasabi naman ng malas 'to akala mo close kami. Feelera din si Tatang eh. Di naman gwapo.
"Tatay Ala eh!" sigaw naman nung lalaking nakasumbrero at medyo matangkad sa akin.
"AKO SI ALA EH, AT IYANG BABAE SA IYONG TABI AY MALAS. MALAS BABAE!"
Teka nga. Bakit ba ako sinasabihan ng malas nito? Manghuhula ba sya o baka naman mambabarang?
"Ah, eh Tatang Panot. Mawalang galang na 'ho ah? Hindi po ako malas, kaya 'ho wag nyo 'ho akong sabihang MALAS!" sigaw ko pabalik. Lintek na, kagalang-galang naman ang itsura ko makasabi ng MALAS kala mo naman nakikita ang future!
Di ko nga malaman kung may lahing intsik ito o taga-batangas eh. At ang weird ng name nya ah? 'Ala eh?!'
"Ikaw malas babae! Hanap mo daks na lalake tapos yaman lalake. Akala mo ke ganda babae eh?!" aniya.
Ay wow, maganda kaya ako!
Sinamaan ko naman ng tingin yung matandang panot. "Tatang Panot Ala eh, ano 'ho bang problema nyo sa akin aber?"
Sumenyas naman sya na lumapit ako kaya naman lumapit nalang ako. Bigla nyang hinablot ang kamay ko at dinilaan. Yaks! Anong kagaguhan ang ginagawa nito?!
"Huuuu awu awu! Huuu awu awu!" aniya at pinapaypayan ako ng dahon ng saging. San naman nya nakuha yan? Props lang? Nasa shooting ba kami?
Lumingon-lingon naman ako sa paligid. Naghahanap ng mga camera o kung ano pa. Pero, wala naman. Ano bang kalokohan ito?
"Ikaw ay makakatagpo daks na lalake eh? Ikaw trabaho sa kanya, tapos kaw lokohin nya.."
Hinablot ko ang kamay ko at tinignan sya ng masama. Natawa naman 'yung lalaking nasa tabi nya. Doon ko napansin ang buong mukha nya. Singkit, matangos ang ilong at mapula ang labi. Okay na sana kaso, ngumisi ayan nakita yung bulok na ngipin.
"Ah, sige. Tatang panot. Salamat sa pambabarang ha?" sabi ko at nagpaalam na doon.
Pero bago ako makaalis nagsalita ulit si Tatang Panot. "Nene, ingat baka ika'y masundot ng di-oras eh!"
Bastos! Pero, syempre. Mas bastos ako pero virgin na may dignidad!
-
"Chiki Nini!" tawag ni Dyakol Lin habang may hawak pang supot na diko alam. Nilapitan ko sya, kakauwi ko lang kasi galing don sa Tatang Panot na iyon.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng makita kung anong laman nung supot. "CONDOMS?! Sinong tutuhugin mo ha?!" gulantong na sabi ko.
Natawa naman sya. "Baliw! Nakita ko lang 'to sa drawer ko kanina. Baka padala na naman ni Kuya Etits. Alam mo naman 'yon!"
Napailing naman ako. Kahit kailan talaga yung kapatid nyang Etits na'yon. Gago.
"Eh, ano nga ginagawa mo dito?"
Bigla naman syang sumimangot at ngumuso. "So, ayaw mo ba akong makita aber?"
Hinampas ko naman sya kaya napa-aray sya. "Tantanan mo ko ng drama mo ha? Tinatanong lang kita."
"Aalis kasi kami ni Bunot ngayon. Tatanungin sana kita kung free ka?"
Kaagad naman akong umiling, walang makakatulong si Mudrachakabels sa bahay kahit naman talagang wala akong maitutulong. Presensya ko lang, ayos na.
"Ganon ba? Sige next time nalang ha!" ngumiti naman ako at tumango. Nagpaalam na sya at umalis na matapos non.
Papasok na sana ako ng bahay ng makita ko na naman si Teagang with his company.
"Hi, Chiki Nini!" bati nya. Inirapan ko naman sya at nagcross arms.
"Oh, problema mo Teagangers?"
"Kahit kelan, ang hot mo talaga! Paisa nga!" aniya.
Lumapit sya sa akin ng bigla ko syang sinamaan ng tingin. Inang 'to, natitigang na naman.
"Hoy! Kelan kaba naglabas ng init at natitigang ka na naman dyan?!" inis na singhal ko sa kanya. Natawa naman yung mga kasama nya sa kanya.
"Matagal na e, simula nung nahinto akong pagpantasyahan ka.." sabay ngisi nya. Napangiwi naman ako at nandiri kasi ang lagkit nyang tumingin.
"Ah, so kasalanan ko pa? Lumayas ka sa harapan ko Teagang at baka mabayagan kita ng di-oras!" sigaw ko.
Natawa naman sya at dinilaan ang maitim nyang labi. Kakasigarilyo kasi, adik eh. "Wag naman ganon, edi hindi kita mabibigyan ng anak at baka hindi mo pa malasap ang langit!"
Yaks! Bastos na virgin ako pero di naman ako papayag na bastusin ako. Lumapit ako sa kanya at nginisian sya. Mas lalo namang lumaki ang ngisi nya at dinilaan uli yung labi nya. Hays, kung si Daksen lang 'to baka ako pa magmakaawa don na lasapin ang langit.
"Sabi na, di mo din matitiis ang karisma ko!" yuck! Karisma your face.
"Oo, hindi nga!" sabay ngiti ko. Akmang hahalikan nya ako ng bigla kong iniangat ang binti ko at walang pasabing sinipa ang etits nya.
"Aray, tang-ina!" sigaw nya at napahiga sa kalsada.
"Sa susunod na babastusin mo ako, di lang yan matitikman mo ha?! Bastos na virgin lang ako Teagang, pero may dignidad parin ako sa sarili ko! Masilayas kayo sa bahay namin, layas!"
Kaagad namang tinulungan nung kasama ni Teagang sya. Namimilipit pa din sya sa sakit at nakapikit. Ayan, ayan ang napapala ng mga feelingerong Daks eh Dyutay naman!
Napabuntong-hininga nalang ako. Nasan na kaya si Daksen? Nanghihinayang talaga ako di ko man lang nasilip. Kung nasan man sya ngayon, sana hindi nya pa nilalasap ang langit. Sana antayin nya ako.
Pagpasok ko. Nagulat ako sa bumungad sa akin, umiiyak si Mudrachakabels at pati na rin sila Bangus at Jannalapia.
Napabaling sa akin si Mudrachakabels at yumakap."Anak, pinapalayas na tayo sa bahay na'to.."
Hanoooooooo?!

BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...