12.
Kinabukasan, nagsuot ako ng wig. Kinapalan ko na din yung make-up ko. Nagsuot ako ng pangmanang na damit. Tignan lang natin kung hindi sya madala kaka-angkin sa akin.
"Ano bang suot yan, Chiki?" tanong ni Dyakol habang nakakunot ang noo.
"Tss. Wala, halika na!"
"Hindi kana, kakain?"
"Di na."
Bumaba kami at dumiretso sa garahe. Naabutan ko pa ngang nag-eexercise si Mudrachakabels kasama yung dalawa kong kapatid. Wala kasi silang, pasok.
Habang nasa kotse, di ko naman maiwasang hindi tignan si Dyakol. Para kasing gusto na nyang tumawa, pero pinipigilan nya? Ganon.
"Kung, natatawa kana. Go! Tawa!" sigaw ko. Kaya naman humagalpak sya ng tawa, raulong 'to.
"Kasi! Ano bang itsura yan ha? Mukha kang ewan!"
Sabi ko na, sabi ko na eh! Yung mukha ko talaga inaano nya!
"Bakit ba? Eh sa trip kong maging panget!"
Napatingin naman sya sa akin. "Kahit naman mag-ganyan ka, maganda ka parin."
"Di pa ako sumusweldo, kaya di kita mabibigyan ng pera." sabi ko.
"Hindi ko kelangan ng pera. Nagsasabi ako ng totoo."
"Okay, sabi mo eh."
Naging tahimik ang byahe namin. Hindi ako nagsasalita, pati na din sya. Nang makarating kami sa company, kaagad akong bumaba at di na sya inintay pang bumaba. Kumaway nalang ako at pumasok sa loob.
"Excuse me, Ma'am. Ano pong kailangan nyo dito?" tanong nung guard.
"Manong, Si Chiki Nini 'to. Kaya papasukin nyo ako bago kita mabayagan ng di-oras." sabi ko. Pinakita ko sa kanya yung balat ko sa hita ko dahil yun yung palatandaan nya na ako 'yon.
"Ay, oo nga noh! Ang ganda kasing dalaga eh. Sya, sige. Pasok kana."
Ngumiti naman ako at kinawayan sya. Mga lalaki talaga, makakita lang ng hita maganda na. Pano kung pempem ko yun? Edi dyosa na?
Pagpasok ko sa loob,hindi maiwasang ang maraming bulungan. Kesyo, sino daw ako? Mukha daw akong clown. Eh, mas mukha nga silang clown sa akin.
"Good morning, Sir." bati ko ng maabutan ko syang busy sa pagtatype sa laptop nya. Kaagad naman syang lumingon sa akin at kumunot ang kanyang noo.
"What is that?" sabay turo nya sa mukha ko.
"Face Sir. Face." sarkastikong sabi ko. Ilang araw na din akong walang matinong trabaho dahil sa mapang-angkin na boss na'to. Dapat, paswelduhin nya ako ng malaki-laking pera.
Umiling sya at mas lalong kumunot ang noo. Loko din 'to ah? Sinabi na nga kung ano 'to tapos gaganyan sya? Sapakin ko to eh. Pigilan nyoko, pigilan nyoko!
"I know. I mean,bakit ganyan ang ayos mo? You look stupid.. yet beautiful."
Okay. Mukhang efic fail yung pag-aayos ko, dahil nambola na naman ang Mapang-aking ng Pinas.
"Galing nyo mambola, Sir ah? Umagang-umaga eh. Magpatawad ka muna." sabi ko at umupo na sa mesang para sa akin.
Binuksan ko yung laptop at dumiretso sa mga files na kailangan kong tignan kung may mali at kulang. Kaso, bigla naman tong tumayo at dumiretso sa kinauupuan ko.
"You don't have to do that. Cause it makes you prettier that the other one. But, I like your face without that kind of stuffed."
"Lechugas na pusang gala!" sigaw ko kaya naman nakunot lalo ang kanyang magandang noo.
"What do you mean?"
Umiling ako at ngumiti ng malapad. Sakto lang para makita nya yung magaganda kong ngipin.
"Wala po. Sabi ko po, umalis kana dahil hindi po ako makapag- concentrate."
"Inuutusan mo ba ako?" may galit sa boses nya.
"Ha? Hindi po ah. Sabi ko lang, di ko naman inuutos." Bobo din to eh, shoplaks tangang boss.
Umiling nalang sya at umalis sa harap ko. Nakahinga naman ako ng maluwag, madali naman palang kausap yung Boss ko na 'yon eh. Binalingan ko ng tingin ulit yung laptop, ang akala kong hindi na magpapasaway na Boss ko ay muling tumayo. Bitbit ang upuan at laptop nya, ar naupo sa tabi ko.
"Bakit ka nandyan Sir?" tanong ko at medyo naiinis na or should I say, nagpapabebe.
"Dito ko gustong maupo, ayokong hindi makatabi ang pag-aari ko."
Napailing ako. "Sir, ilang beses ko po bang sasabihin na hindi nyo ako pagmamay--"
"Nung oras na kinausap mo ako, akin kana. Nung oras na nagkatagpo tayo sa mall,akin ka na. At ngayong nasa opisina kita,pagmamay-ari na kita. Kaya wala kang kawala sa akin Chiki, dahil binuhay ka para sa akin. Sa akin at sa akin lang." seryosong sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Mas lalo ko tuloy nakikita ang mga mata nyang parang tsokolate. Napakaganda,at para akong hinihila papalapit sa kanya. Shet na malagkit! Ano bang nangyayari sa akin?
"Akin ka lang. Akin kalang dapat, hindi ka pwede sa iba o sa kahit kanino dahil akin kalang. Kung kelangan kitang markahan, gagawin ko dahil sa akin ka lang dapat."
Ang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko nakipagtakbuhan ako. Tapos, yung tiyan ko parang di mapakali may kumikiliti. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at ibinalik sa laptop. Magtatrabaho nalang ako, kesa pansinin yung kalokohang sinasabi ng Boss ko.
Alam kong nakatingin pa din sya sa akin. Manawa sya, di ko sya papansinin. Kung ano-anong kalokohan ang pinagsasabi eh. Akala mo naman nakakatuwa.
"You'll gonna ignore me after what I've said? Oh no!"
Balakajan Sir. Di kita kakausapin,nababaliw kana.
"You're breaking my heart, babe!"
Ginawa pa akong baboy nung loko.
"Shit. What's wrong with me? Bakit nasa laptop ang atensyon nya? Mas pogi naman ako dyan?"
Ikumpara daw ba yung mukha nya sa laptop. Baliw na talaga.
"I don't want this. Stop that! Give your full attention to me!" he shouted.
Baliw. Blah, blah. Wala akong naririnig.
"Shit. Talagang, pinupuno mo ako ha!"
Bla. Bla.
"Chiki Nini! I said, stop that and look at me!"
Bla. Bla. Tsi. Tsi. Tsidora.
"Damn."
Garage. Bla, bla.
"One."
Nagbilang ang loko.
"Two."
Bla.
"Three."
"Four." sagot ko.
"Bullshit! Stop making fun!"
"Luh? Inaano kita dyan? Sinasabayan lang kita magbilang, boplaks kapa naman."
Napailing sya at medyo namumula ng.mukha nya.
"Damn. Bakit sayo pa?"
"Eh?"
"I like you, Chiki."
Hano daw?
Tinignan ko sya para makumpirma kung tama ba narinig ko.
"Yes, I like you. So, you are mine. Mine only! Get that?"
Teka di maprocess sa utak ko. Kanina lang may utak ako ah? Nasan na 'yon ngayon.
"And I'll do everything, just to make you mine. Officially."
-

BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...