5.
"Kelan kaya comeback nung mag-asawa sa Nido?" biglang tanong ni Ysang. Sa lahat ng pwedeng itanong, bakit yung comeback pa nung mag-asawang Nido?
"Alam mo, Bunot. Bakit yun pinoproblema mo, eh bakit di mo problemahin yung pagbabalik ng ex mo?" biglang tanong ni Dyakol.
Bigla kasi silang pumunta dito kanina. Buti nga di sila nabungangaan ni Mudrachakabels. Sabagay, kilala naman sila non kaya no worries.
"Ha? Sinong ex?" tanong ni Ysang.
Ayan, sa dami ng ex hindi na alam kung sino yung tinutukoy ni Dyakol. Grabe 'tong babaeng 'to.
Natawa naman si Dyakol sa kanya. "Nakalimutan mo na sya agad? Ilan ba naging ex mo at pati magandang pangalan ng ex mong iyon nakalimutan mo?"
"Gaga, si Taytan Ghel tinutukoy ni
Dyakol.." sabi ko. Napanganga naman si Ysang at nangulangkot. Lakas din mangulangot nito eh.Bigla naman nya iyong ipinahid sa braso ni Dyakol at ito namang lalaking 'to natawa lang. Kadiri talaga 'tong babaeng 'to.
"Kelan pa?"
Nangunot naman ang noo ko, anong kelan pa daw? Eh di pa naman sinasabi ni Dyakol na nakabalik na si Taytan. Eng-eng din itong si Ysang eh.
"Kako, pabalik palang hindi ko sinabing bumalik na!" sigaw ni Dyakol at tumawa. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit may kaibigan akong kagaya nila, pero infairness swerte naman ako dahil meron akong kaibigan gaya nila.
"Oh bakit sigaw agad?! Pwede mo namang sabihing hindi pa. Bakit may pasigaw-sigaw ka dyan?!" sigaw din pabalik ni Ysang.
Napailing nalang ako, kahit kailan talaga may saltik itong dalawang 'to eh. I wonder kung sa dead end sila magkakatuluyan. Mas bagay kasi sila.
"Jimbo hotdog, kaya mo ba 'to?"
"Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?"
Napalingon naman kami sa dalawang kambal na parang timang dahil nag-momodel sila. Tapos sumasayaw ng Jumbo Hotdog.
"Hoy, Jumbo! Jimbo 'yon, hindi Jumbo!" sigaw ni Jimbo sa kakambal nya.
Binatukan naman sya ni Jumbo. "Gago, Jumbo yon! JUMBO! Assumero 'to.."
Natawa naman kami sa kanila. Minsan kasi kapag silang dalawa magkasama, laging may bangayan pero kapag may nanakit sa kanila o isa sa kanila. Rest in peace sa katawan mo agad.
Napalingon naman sila sa gawi ko. May mga ngiti sa kanilang labi at sabay na kumaway, ngumiwi nalang ako dahil hindi ko gusto yung tingin nila. Pakiramdam ko, hinuhubaran na ako sa isip nila.
"Chikibeybs/Chikibaby!" sabay nilang sigaw at nagtatakbo palapit sa akin.
"Namiss mo ba ako, Chikibeybs?" tanong ni Jimbo sabay kindat. Ngumiwi ako at sinamaan sya ng tingin. Ibang klase talaga itong alagad ng shokoy!
"Sira, di ka namiss nyan! Ako ang namiss nyan. Diba, Chikibaby?" sabi naman ni Jumbo.
"Hoy, kambal maligno. Magsilayas nga kayo sa harapan namin! Ang ganda ng panahon sinusumpa agad!" ani Ysang.
Nilingon naman sya ng dalawang kambal at nginisian. "Hoy, Bunot. Hindi naman kasi ikaw yung ipinunta namin dito kundi si Chiki Nini. Ano, assumera lang?"
Namula naman ang mukha ni Ysang, at parang may anytime manununtok na sya.
"Oo nga, I second the motion!" sabi ni Jumbo. "Hindi naman ikaw si Chiki Nini eh, bakit mo kami pinapaalis?"
Ah, so ako ang dapat na magpaalis sa kanila? Okay.
"Hoy, kayong dalawa!" sigaw ko kaya naman lumingon sila sa akin at ngumiti. "Lumayas kayo sa harapan ko, nakakasira kayo ng araw! Bumalik kayo kapag mga tuli na kayo ha?!"
Humalakhak naman si Dyakol at Ysang habang yung dalawang kambal nakasimangot na umalis doon. Aware naman akong gusto nila ako pero, ayoko nga! Di ako pumapatol sa alagad ng mga shokoy!
"Ang hard mo talaga!" ani Ysang at inayos ang nagulo nyang buhok.
"Hindi naman." sagot ni Dyakol at ngumiti.
Napairap nalang ako at pumikit. Hindi kasi ako nakatulog kagabi ng maayos kakaisip kung bakit pumunta ng bahay si Daksen Dyutay na'yon sa bahay namin. Eh, baka tinanong na naman si Demi Lakimata? Wala naman kaming kilalang ganon!
"CHIKI!"
"AY DEMI LAKIMATA!" sigaw ko at napamulat ang aking mga mata. Nilingon ko naman ang tumawag na iyon sa akin.
"Bakit kaba sumisigaw dyan, Dyakol Lin ha?!" inis na singhal ko sa kanya. Humalakhak naman sya sa akin kinurot ang pisngi ko.
"Kanina pa kasi kita tinatawag, umalis na si Bunot kasi may gagawin daw sya. Tapos tawag ka ni Jannalapia.." sabay turo don sa kapatid kong akala mo manananggal dahil sa ayos nito.
Tumango at tumayo sa pagkakaupo. Kung kelan nag-iisip ako saka may mang iistorbo, kung kelan di ako nag-iisip saka naman wala. Kinginang yan, talaga.
"Baket?" tanong ko ng makalapit sa kanya.
"Tawag ka ni Mama!" sigaw nya. Mana din 'to kay Mudrachakabels eh. Makasigaw kala mo nasa malayong lugar kausap nya!
"Eh bakit sumisigaw ka dyan?! Tawag lang naman ako!"
Sumimangot naman sya at tumalikod. Tapos sumayaw-sayaw pa ng Ilaban mo yan, Ilaban mo yan.
Nilingon ko si Dyakol at tumango naman sya. Naglakad na ako paalis don at sumunod na sa kapatid kong manananggal.
"Mudrachakabels!" sigaw ko ng makarating sa bahay. Dumiretso ako sa sala at bumungad sa kin muli si Dyutay.
"Ikaw na nama--"
"Hello, At oo Daks ako.." sabi nya. Napanganga naman ako sa sinabi nya, ay grabe diretsyo agad brad? Nadala ata 'to kakatanong ko eh.
Hindi ako kumibo. Nakanganga pa din ako, di pa rin mag-sink in sa akin kung bakit sya nandito sa bahay. Hindi kaya tama yung conclusion ko? Bibilhin nya ako at ipapalasap sa kanya ang langit? Hindi pwede! Bastos na virgin lang ako pero, may dignidad ako sa katawan ko!
"Alam mo Daksen Dyutay, hindi namin kilala si Demi Lakimata at kung nandito ka para bilhin ako at ipalasap sayo ang langit. Sorry, hindi ako papayag. Bastos na virgin ako pero, hindi ko isusuko ang bataan ko. Hende!" sigaw ko sabay cover sa katawan ko. Ayan, naipit tuloy boobs ko.
Napanganga naman sya at kalaunan napangiti at iling nalang. Sabi na, sabi na eh! May balak talaga syang gawin iyon!
"At kahit Daks pa'yan! Hindi moko mapapapayag!" umiling-iling pa ako.
Kahit na pogi sya at makalaglag panty. Hindi ako papayag, mahal ko pa buhay ko at nirereserve ko ang kepkep ko sa lalaking deserving ano!
"What are you talking about?" sabi nya ng makabawi sa tawa. Tamo, tamo! Nagmamaang-maangan pa ang loko.
"Hoy! Kahit mala-anghel yang pangalan mo, hindi! Hindi mo ako maloloko Daksen na Dyutay!"
Namula naman ang mukha nya at natawa ng sobra. Napahawak pa sya sa tiyan na feel na feel tumawa? Infairness ang pogi nya kapag tumatawa sya.
"Nakakatawa ka!" aniya at umiling. "Ano ba pinagsasabi mo?"
Sumimangot naman ako. Loko rin talaga 'to eh. "Pero, wait! Daks kaba talaga?"
Tumawa sya at tumango. "Oo.."
"Pantingin nga?" Ay putek! Ayan ba talaga yung Bastos na virgin at may dignidad?
BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...