K A T A P U S A N :
Minsan sa buhay may darating talagang suliranin na di natin inaasahan. Katulad ng mga taong, kung sino pa yung di nating inaasahang tutulong sa atin sila pa yung tumulong diba?
At may mga taong hindi rin natin inaasahang magiging parte ng buhay natin--ng pang habang-buhay.
Kapag nagmahal, hindi lang puro pagmamahal dapat. Dahil minsan, kailangan nating magsakripisyo para sa mga taong mahal natin. Dahil ano bang halaga ng pagmamahal mo, kung yung taong minamahal mo ay nasasakal at nasasaktan na?
Hindi lahat ng pagmamahal, nasusuklian. Minsan, hanggang doon nalang. Para maiwasang hindi masaktan wag masyadong mag-eexpect at mag-aasume.
"Kinakabahan kaba?" tanong ni Mudrachakabels.
"Medyo po." sabay ngiti ko.
Niyakap nya ako at alam kong umiiyak sya. "Mahal na mahal kita nak, at masaya akong malaman na dumating na ang espesyal na araw ng buhay mo."
"Salamat,Mudrachakabels."
Bumukas na ang pinto. Pumasok na ako kasabay ang aking Ina. Nalula ako sa ganda ng disenyo, ng theme. Masaya akong makita ang mga taong naging bahagi ng buhay ko. Nang mapadako ang tingin ko sa kanya, mas lalo akong naiyak.
Hindi ko kasi alam na darating ang araw na ito. Parang kelan lang nung nakita ko sya sa lugar namin at tinatanong pa kung sino si Demi Lakimata.
Masaya akong malaman na ikakasal kaming dalawa at ito ang araw na iyon. Naalala ko pa nung tinanong ko sya kung bakit nya ako ipinasok sa kanyang opisina. Dahil daw nung unang araw na magkita kami ay nagandahan na sya sa akin, kaya daw gumawa sya ng way para lang makatulong sa akin at maging asawa nya. Advance nya mag-isip eh.
Sa wakas, nakarating na rin ako sa kanya. Kinuha nya ang aking kamay at nagmano muna kay Mudrachakabels na walang humpay ang iyak. Pakiramdam ko tuloy, burol ko na.
"You're so beautiful, Hon."
"Ts, landi mo talaga."
He chuckled. "Sayo lang naman."
Matapos nun ay nagsimula na ang kasal. Kung anong seremonyas pa ang nangyari bago mapunta kung saan maari na kaming mag-kiss.
"I now annouced you, husband and wife."
And that was the unforgettable moment happened to me.
May mga pagkakataong, luluha tayo dahil sa sakit. At may mga pagkakataong, susuko tayo dahil wala ng pag-asa.
Pero, hindi ibig sabihin nun hindi na tayo dapat magmahal. Antayin lang natin yung taong nakalaan sa atin, kaya kung nasan man si Dyakol ngayon. Sana, masaya na sya at nahanap na ang babaeng mamahalin sya hanggang dulo.
Sa ngayon, masaya na ako. Sa asawa at sa dalawang anak ko. Masaya kaming namumuhay, simple at payapa.
I am Chiki Nini, ang asawa ni Daksen Dyutay at ang tinaguriang. Binibining Medyo Bastos.
--
T H E E N D.
BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...
