Note: Pasensya na sa tagal ng update. Sisihin ang wifi namin nigguh!
8.
Pansamantala muna kaming tumira sa bahay nila Dyakol. Para ngang nasa palasyo kami kasi ang laki ng bahay nila. Tapos may mga maids pa na napakaganda ng costume.
"Sigurado ka bang maghahanap ka ng trabaho?" tanong ni Mudrachakabels habang nilalapa yung manok. Tumango naman ako at nilaklak yung juice.
"Eh, ate san ka naman magtatrababaho?" tanong ni Jannalapia at pinunasan yung labi nyang nadaplisan ng ketchup.
"Tanga! Maghahanap nga eh! Edi kung saan may bakante edi 'don!"
Sumimangot naman sya at inismiran ako. Pasalamat sya nasa ibang bahay kami kaya di sya nakatikim sa akin, nako! Kung nasa dating bahay lang kami nasubsob na'to sa pupu ni Tuko.
Nang matapos na kaming kumain ay iniligpit naman ng mga maids yung pinagkainan namin. May kanya-kanya kaming room dito, ang taray talaga! Tapos, si Dyakol na daw bahalang magpa-aral sa dalawang kapatid ko. Nako, ang bait talaga ng Dyakol na'yon. Sana may mahanap akong lalaki na gaya nya.
Inayusan ko ang sarili ko bago ako bumaba. Sayang ang oras kung makikipagtungangaan lang ako sa mga butiki sa kisame. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho!
"Ate!" masiglang bati ko doon sa babaeng pandak.
"Po?"
"Pakisabi kay Dyakol na umalis ako ha? Maghahanap na kamo ako ng trababaho." tumango naman kita kaya nginitian ko sya. "Salamat po."
Ang dala ko lang ay resume ko. Hindi kasi ako tapos ng kolehiyo, hanggang highschool lang ang natapos ko. Kaya kahit papaano, masasabi kong may pinag-aralan naman ako. Aba! Bastos na virgin lang 'to pero kahit papaano may pangarap!
Nakarating ako sa labas ng village na tintirhan nila Dyakol. Buti nga hindi ako sinita nung guard, kaagad kong pumara ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na mall. Nakunot pa nga ang noo ko dahil kung tignan ako nung driver akala mo may masamang balak eh.
Nung makarating kami, kaagad kong ibinigay ang bayad ko. Pero, kaagad naman akong hinablot nung driver at isinandal dun sa upuan. Hinahaplos-haplos nya yung balikat ko at dinidilaan pa nya yung labi nya. Yuck!
"Miss, libre na bayad basta paligayahin mo lang ako." aniya. Aba'y hanep! Ginawa pa akong clown ng lokong 'to!
Pababa ng pababa yung haplos nya kaya naman di ako nagdalawang isip na bayagan sya. Kingnang 'to! Okay sana kung gwapo sya eh, kaso mukha namang unggoy! Atsaka, kahit gwapo sya hindi ko ibibigay ang virginity ko! Aba, ano sya sinuswerte!
"HOY! KALAHI NI BOOTS, MAMATAY KANA! LINTIK NA'TO HINDI AKO CLOWN PARA PALIGAYAHIN KA HA?! PESTE!" sigaw ko sabay baba at malakas na sinarado ang pinto.
Nagtatakbo ako palayo doon at pumasok sa loob ng mall. Mahirap na baka sundan ako non, ni hindi ko nga binayaran eh. Aba? Pagkatapos nya akong manyakin, babayaran ko pa sya? So kapal.
Naglakad-lakad ako,hanggang sa mapadpad ako sa foodcourt nung mall. Hindi man ako magaling sa pagluluto, masasabi ko namang maayos ako pagdating sa gawaing bahay. Nilapitan ko yung stall na nagtitinda ng siomai. Nagtanong ako, nagbakasakali na baka naghahanap sila ng makakatulong sa kanila.
"Ah, sorry. Hindi na kasi eh, masyado na din kaming madami." sasabihin lang na hindi, dami pang satsat.
Nagtanong-tanong ako. Pero kadalasang sagot nila.
"Sorry, hindi na"
"Ah, hindi ka maganda di pwede."
"Virgin kapa ba?"
Hanep! Hindi ko inakalang may mga ganyang tanong pala, edi sana bumili ako ng pregnancy test para ipakitang virgin ako at never pang nagalaw!
Umupo ako sa isang bench don at pumangalumbaba. Ano ba'yan, ilang oras akong nandito tapos wala man lang akong nahanap na trabaho. Gaano ba ako kamalas sa buhay at kailangan kong madama lahat ng ito?
Mapapamura ka nalang talaga eh. Kainis na buhay 'to. Pagtayo ko, hindi ko naman sinasadyang may mabangga at shunga dahil napaupo sya.
"WHAT THE FCK?!"
"Hala, sorry po!" paghingi ko ng paumanhin at kaagad syang tinulungan na makatayo. Hindi ko sya tinitignan,takot pa akong mamatay! Hindi pa ako ready na makaharap si kamatayan. Di pa nga ako nakakahanap ng trabaho atsaka di pa ko pa nga nalalasap ang langit!
"MISS?! ARE YOU LISTE--"
"Sorry talaga." sabi ko at iniangat ang aking ulo. Halos, malaglag ang pangako sa nakita ko.
"DAKSEN DYUTAY?/ CHIKI NINI?"
ay talagang ipinagsigawan yung mga pangalan namin eh noh? Inilibot ko naman yung tingin ko,may mga taong nakahinto at pinagmamasdan kami. Anong akala nila sa amin, artista?
"HOY! WALANG SHOOTING KAYA LAYAS!" sigaw ko kaya naman nagsipaglayas sila. Narinig ko naman ang tawa ni Daksen kaya nilingon ko sya. Infairness, ang ganda ng porma nya. Alam nyo yung pormang pang business, ganern!
"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong nya habang nakangiti. Naupo ako ulit at napabuntong-hininga.
"Naghahanap sana ng trabaho. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko. At nga pala, sorry kanina ha? Ikaw din eh shunga ka, bigla-bigla kang naglalakad dyan."
Natawa sya at saka nailing. "Nah, its okay. Atsaka ano kamo,naghahanap ka ng trabaho?"
Tanga ba sya o eng-eng? Kakasabi ko lang uulitin ko na naman? Loko ba 'to?
"Sabi ko nga, naghahanap ako ng trabaho."
Tumango naman sya. "Hm, maybe I can help?" aniya kaya naman napairap ako.
"Pwede ba Daksen na Dyuta-"
"Daksen Dyutay. Not, Daksen na Dyutay." pagtatama nya kaya napairap ako ulit.
"So, ayon nga DAKSEN DYUTAY." talagang pinagdiinan ko yung name nya. "Wala akong time for joke at goodtime ha? Naghahanap nga ako ng trabaho!"
"Kaya nga, maybe I can help. You can work on my company." aniya kaya halos malaglag ang dalawang mata ko sa gulat.
Di kaya jinojoke lang ako ng Dyutay na 'to? "Weh?"
Nataw naman sya at tumango. "You don't need to give that resume, kasi pasado kana."
Nagningning naman ang mata ko. God! Salamat sa magandang blessing!
"Thank you! Kelan start ko?" excited na sabi ko.
"Hm, maybe we can talk about it later. But, for now can you join me?"
"Huh, saan?" tanong ko.
"Dinner. Don't worry it's my treat." nakangiting sabi nya.
Tumango naman ako,sino ba naman ako para tumanggi? Aba, libreng food na yon ha! Ang bait naman ni Daksen. Pero, sa kabilang banda. Hindi ko maiwasang hindi kabahan, pano kung may kailangan sya sakin? Ano namang maibibigay ko?
Hays.

BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...