7.
Pakiramdam ko, pinagsakluban ako ng buong universe sa narinig kong ibinalita sa akin ni Mudrachakabels. Paano na kami nito? Saan kami dadalhin ng magulong mundo? San kami sisilong? Paano kami kakain?
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Napabuntong-hininga nalang ako. Ano bang kamalasan meron ako at kailangan pa naming madanas ito? Bakit kailangan naming mawalan ng matitirhan? Pwede namang mawala nalang yung maitim na libag sa singit ni Pranses bakit bahay pa namin?
Lagi nalang akong, nadarapa
Ngunit heto bumabangon parin
"YSANG BUNOT! PWEDE BA TUMIGIL KA KAKANTA! HINDI KA NAKAKATULONG!" sigaw ko kasi kanina pa sya kanta ng kanta. Imbes na tulungan akong lutasin ang problema ko, eto kinakanta pa yung kanta nung Aegis.
"Chiki naman! Kalmabels kalang, malay mo fake news lang 'yon oh edi kaya ginugood-time ka lang ni Titachakabels!" aniya.
Si Mudrachakabels, mang gugoodtime? Hindi nya gawain 'yon. O kung drama naman 'yon, Infairness ang galing nya um-acting.
"Shunga! Hindi ganon si Mudrachakabels! Umiiyak sya nung dumating ako sa bahay kahapon!"
"Ows?"
Siraulo atang babae 'to eh! Hindi pa ata naniniwala sa akin.
"Chiki!" napalingon naman ako sa bagong dating na si Dyakol. Naka t-shirt lang sya at hanggang tuhod na short pero ang pogi nya.
"Ikaw pala.." bati ko habang sumisinghot-singhot pa.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" nag-aalalang tanong nya.
"Pano, pinapalayas na daw sila sa bahay nila. Eh, si Chiki walang trabaho lalo naman si Titachakabels." sabi ni Ysang habang nangungulangot.
Niyakap ako ni Dyakol at hinagod ang likod ko. Feeling ko nga minamanyak ako nito eh, pano tumitigil sya pagnandon sa hook ng bra ko. Letsugas na Dyakol 'to.
"Shh, tahan na. Tutulungan ko kayo nila Tita."
Tulong? Nako baka may kapalit naman. Hindi, baka hingin nito ang virginity ko. No way!
Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang pisngi ko. "No, thanks. Baka may kapalit pa 'yan eh!"
Natawa naman sya. "Wala, ano kaba. Pwede kayong tumira muna sa bahay namin tutal mas pabor yon kayla Mama kasi hindi naman sila masyadong umuuwi doon.."
Ay, libre na bahay sino ba naman ako para tumanggi? Kapalan na ang mukha.
"Sure ka ha? Baka naman ginu-goodtime mo lang ako? O kaya naman baka talagang may kapalit yan?" pangungulit ko.
"Oo nga, sira ka talaga!"
Matapos ng madrama-rama sa hapong 'yon nagpasya kaming maglibot-libot muna. Para naman daw hindi ko muna maisip ang trahedyang nangyari sa amin. Para nga silang baliw eh, hindi pa naman kami talagang pinapalayas doon. Pero, aantayin paba namin yung araw kung kelan ipagtabuyan kami doon?
"Uy, salamat sa mga tulong nyo ha?" sabi ko nung makarating na kami sa kanto.
"Wala pa nga 'to eh. Saka kana magpasalamat kapag nasa bahay na kayo nila Tita. Basta kapag need nyo ng help, tawagan mo lang ako." sabi ni Dyakol kaya naman nginitian ko sya.
"Ako din, pag need mo help Im here. Kakantahan kita, gusto mo now na?" tanong naman ni Ysang at ginawang mike yung kamay nya.
Umiling ako. "Wag na, maganda panahon 'oh."
"CHIKI! CHIKI BUKAKAW! CHIKI NILALANGAW ANG KEPKEP! CHIKI NINI NG YUGYUGAN!"
Nagpantig naman ang tenga ko ng marinig ang kabastusan sa pangalan ko. Lintik na 'yan! Chiki na nilalangaw ang kepkep?! Mabango ang kepkep ko kasi gumagamit ako ng sabon don! Nilingon ko ang tumawag sa akin na nanlilisik ang mata.
"HOY TATANG BULOK! SINONG NAGSABI SAYO NA LAPASTANGANIN MO ANG PANGALAN KO HA?!" singhal ko. Aba! Wala akong pake kung mas matanda sa akin 'to, bastusin ba naman ang pangalan ko.
"GINIGERA BAHAY NYO!" sigaw nya at nagtatakbo palayo samin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, nagkatinginan kaming tatlo at sabay na nagtatakbo palayo doon.
Naabutan namin namin na madaming tao ang nakikitsismis doon. Akala mo may shooting kasi dinagsa yung bahay namin. Nakisiksik ako doon, at pinagtutulak yung mga mababaho yung hininga.
"HOY, CHAKABELS! SINABIHAN NA KITA NA HINDI NA KAYO PWEDENG MANIRAHAN SA BAHAY NA'TO DAHIL MAY BUMILI NA NG LUPA!" sigaw ni Alibaba, yung may-ari ng bahay.
Umiiyak naman si Mudrachakabels at hawak-hawak 'yong mga panty at bra nya. Inamoy-amoy nya pa at napangiti sya kasi amoy Breeze padin daw. Anak ng!
Pinaghahagis ni Alibaba yung damit namin at tumilapon naman sakin yung panty ko na may butas sa gitna. Akmang kukunin ko na'yon ng may kumuha. Nilingon ko 'yon at nakitang si Teagang pala ang kumuha. Inamoy-amoy nya pa at dinilaan.
"ANO, CHAKABELS?! WALA PA RIN BA KAYONG BALAK LUMAYAS HA?!"
Nagpantig ang tenga ko sa sigaw ni Alibaba. Hayup na'to, ang lapit lang ni Mudrachakabels sa kanya makasigaw akala mo naman ang kayo ng distansya nila.
"ALIBABA! MAWALANG-GALANG NA 'HO SA WALANGHIYA NINYONG MUKHA NADIDINIG PO KAYO NG MUDRACHAKABELS KO KAYA HINDI NYO KAILANGAN ISIGAW AT IPANGALANDAKAN ANG PAGLAYAS NAMIN DITO! DAHIL KUSA KAMING LALAYAS!" sigaw ko.
Napa-aray naman ako ng bigla akong binatukan ni Mudrachakabels. "Nasisiraan kaba ng ulo ha? Wala tayong matitirhan!" sigaw nya. Doon ko naman napansin yung dalawang kapatid ko na nakatingin din sa akin.
"Mudrachakebels, may malilipatan tayo. Trust me!"
"HOY, KAYONG PAMILYANG NINI MAGSIPAGLAYAS NA KAYO DITO! AT HOY! MGA MADLANG PIPS, MAGSILAYAS KAYO WALANG SHOOTING DITO!" sigaw ni Alibaba sa kanila kaya naman kaagad silang nagsipaglayas. Kahit kelan ang sama talaga ng ugali ng Alibaba na'to. Palibhasa kasi ang haba ng baba eh.
Pinulot ko yung mga damit namin at isa-isang inilagay sa supot. Simula ngayon, magsisipag na ako. Itaga nyo yan sa kepkep ng nanay ni Alibaba. Ngumiti ako sa kanila para sabihing, makakaraos din kami sa hirap na'to.
Nagyakap-yakap kami at ngumiti.
"HOY! TAMA NA DRAMA LAYAS NA! LAYAS!"
Tang-inang 'to, panira din ng moment eh. Kala mo naman kagandahan, mukha namang manananggal na mahaba ang baba! Kapag talaga ako nakaraos sa hirap, unang-una kong babalikan 'tong Alibaba na'to at papaluhurin ko sya ng bonggang-bongga to the max!
"Hoy, Alibaba na mahaba ang baba. Tandaan mo ang araw na'to, dahil ito ang araw kung kelan ipinahiya mo ang pamilya ko. Pagdating ng araw, ikaw naman ang mapapahiya! Mark my words!"
Taray, um-english pa!
BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...
