Binibining Medyo Bastos #9

309 7 37
                                        

9.

Napag-usapan ni Daksen na bukas na bukas ay mag-start na ako ng work sa company nila. Sabi nya din na papasok ako bilang assistant nya, nakakagulat lang kasi bigla nya akong pinapasok ng ganon kaagad. Hindi ko alam kung may kailangan talaga sya sakin, pero sabi nya wala naman.

"Hanggang ngayon, iniisip mo pa rin yun?" tanong ni Dyakol. Nandito kami ngayon sa Garden nila. Nagmumuni-muni.

"Oo, kasi ikaw nga. Isipin mo, ngayon lang tayo nagkakilala tapos biglang uy! mamasukan ka bilang assistant ko sa kompanyang pinamamahalaan ko. Oh, diba? Anong hindi kataka-taka don!"

Pumangalumbaba naman sya at napabuntong-hininga. Siguro maski sya, nagtataka sa ginawang iyon ni Daksen. Pero kung ano man yung kailangan nya sa akin, siguraduhin lang nyang matino 'yon. Dahil sa oras na malaman kong hindi, babayagan ko talaga 'yon.

Kinakabukasan, maaga akong nagising. Alas otso kasi ang pasok ko sa company ni Daksen. Sa totoo nga yan, hindi ko alam kung anong itsura ng company nya. Baka naman malula ako sa laki non.

"Ihahatid ba kita o susunduin ka nun?" tanong ni Dyakol habang sumisimsim sa kanyang kape.

"Hatid mo nalang ako. Hindi nya naman alam dito eh." sabi ko at ngumiti.

Naka-floral dress lang ako saka flat sandals. Sabi kasi din ni Daksen, kung saan ako komportableng isuot edi ayon daw.

"Okay, let's go."

Sumakay na ako kaagad sa kotse ni Dyakol. Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Hindi nga ako sanay na tahimik sya, ano kayang iniisip nya?

"Gaano ba kalalim yan, at ng masisid ko." sabi ko kaya naman napalingon sya sa akin at natawa.

"Baliw, malunod kapa. Wag na." biro nya.

Napailing nalang ako. Hindi sya magsasabi kahit na kulitin ko sya ng kulitin, mahirap na baka pababain ako ng kotse nito. Maligaw pa ako dito.

"Nandito na tayo." pagkasabi nya noon kaagad akong napatingin sa labas. At halos malula ako sa nakikita ko. Ang laki ng kumpanyang ito.

"S-sure kaba?"

Natawa naman sya. "Oo naman, halika na. Baba na tayo."

Tumango ako. Pinagbuksan nya ako ng pinto at nginitian ako. Ano ba'yan,kinikilig ako. Kengena wag ngayon!

"Thank you!"

"My pleasure."

Naglakad kami papasok, nasabi sakin ni Dyakol na dito din pala sya nagtatrabaho. Kaya daw hatid-sundo na nya ako. Sumakay kami ng elevator, ihahatid daw nya ako sa office ni Daksen.

"Goodmorning, may meeting po ba kayo.with Mr. Dyutay?" anang secretary ata ni.Daksen.

"Yes, Ms. Gahasain. Can you tell it to him?" sabi naman ni Dyakol dun sa Gahasain.

"Okay, wait po muna kayo dito."

Naupo kami sa isang sofa doon. "Uy, sabi mo dito ka nagtatrabaho? Bakit ganon ka makapag-utos? Empleyado ka lang naman?" tanong ko sa kanya.

"Nah, hindi mo naman ata nagets yung sinabi ko eh. Partners kami ni Daksen sa isang business kaya kilala ko sya." tumango nalang ako at ibinaling ang tingin sa kaninang babae na kausap namin.

"Sir, pumasok na daw po kayo sabi ni Mr. Dyutay." Magalang na sabi nito kaya naman nginitian ko sya.

"Thank you."

Pumasok kami sa loob. At parang gusto kong magpalapa kay Tuko ngayon. Ang ganda ng opisina nya! Para kang nasa hotel! Tapos may malaki pang window doon na kitang-kita yung buong city.

"Goodmorning." isang baritonong boses ang bumungad sa amin. Nakasuot sya ng long sleeve na puti. Medyo magulo ang buhok at sumisigaw ng kakisigan.

"Oh, goodmorning Mr. Dyutay." bati ni Dyakol at nakipagkamay dito. Inabot naman iyon ni Daksen at nginitian sya.

Napabaling ang tingin nya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga dahil sa kanya. Kung bakit naman kasi napaka-gwapo ng boss ko diba? Makalaglag panty at bra pa!

"Goodmorning, Ms. Chiki." nagtayuan ang balahibo ko at buhok sa baba. Jusko, panginoon. Wag nyo akong parusahan ngayon.

"G-goodmorning, Sir." bati ko pero hindi sa kanya nakatingin. Ayokong salubungin ang titig nya, pakiramdam ko malulusaw ako anomang oras.

Narinig ko naman ang marahang paghalakhak nya. Oh god! Ang sexy nya tumawa!

"Have a sit." aniya kaya naman dali-dali akong umupo.

Hindi ko parin sya tinitignan. Napabaling ang tingin ko kay Dyakol na hinawakan ang kamay ko.

"You okay?"

Tumango naman ako. "O-oo."

Ngumiti sya at binalingan ng tingin si Daksen. Kaya kahit labag sa loob ko, tinignan ko din sya. Naabutan kong nakatingin sya sa akin. Ano bang nangyayari sa akin? Parang nung kahapon lang kaya ko pang tignan sya anyare ngayon?

Biglang tumayo si Dyakol kaya kaagad ko syang nilingon.

"I have to go. Hinatid ko lang talaga sya dito, and later susunduin din. Okay kana ba dito?" tanong nya sa akin. Tumango nalang ako kahit feels ko hindi talaga.

Ngumiti at tumango sya bago muling nakipagkamay kay Daksen. Nung makaalis na sya ay pakiramdam ko pasan ko ang buong Earth. Ang bigat!

"You look tensed. Why?" aniya. Napalingon ako sa kanya, nakangiti sya pero nakakunot ang noo.

"A-ah. E-eh." may balak pa ata akong mag-recite ng vowels dito.

Napailing sya at natawa. "Calm, I won't hurt you. Remember? You're here kasi tinulungan kita." tumango nalang ako at nag-iwas ng tingin.

Putahamnida. Pwede bang umatras? Sa sobrang kaba ko pakiramdam ko lalabas na puso ko eh.

May iniabot sya sakin kaya tinignan ko 'yun. "Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Silipin mo."

"May makikita ba ako ditong porn--este kaaya-aya?" hayup. Hanggang dito ba naman wala akong pigil sa sasabihin ko?

Muli syang napailing. Nakakahiya, boss ko 'to tapos kung ano-ano pinagsasabi ko. Nakakahiya talaga!

"Nah. Ayan yung mga gagawin mo, assistant kita right?"

Hindi ako kumibo at tinignan na lamang iyon. Puro kontrata, mga issue sa kompanya, salary etc. Okay, medyo tanga ako pero di ako bobita.

Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. Naghuhuramentado na ang puso ko! Ano ba?!

Naamoy ko ang pabango nya. At shemay! Nakakahimatay! Medyo umusog ako kasi naman ang lapit ng katawan namin. Pakiramdam ko nagliliyab na ako sa init.

"Pag-aralan mo 'yan. And then, ireport mo kaagad sakin". aniya, yung hininga nya ang bango! amoy mint!

"O-okay." sagot ko.

Napausad ako lalo ng bahagya syang yumuko sa akin.

"I owned you now. You are mine, Chiki Nini."

What the ef? Ano daw?

Binibining Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon