Binibining Medyo Bastos #15

297 5 13
                                        

15.

Masaya kong pinagmamasdan ang nagtatalong dilim at liwanag. Tanda na matatapos na naman ang araw at sasalubong na naman ang bagong araw bukas.

Sana, ganon nalang kadali. Yung lilipas ang araw na maalis lahat ng problema mo, yung lilipas ang araw na masaya ka at walang sakit na dulot ng problema ang nararamdaman mo. Masarap siguro 'yon.

Minsan, sinisisi ko si Mudrachakabels eh. Bakit kaya meron syang isinilang na Dyosang tulad ko? Ayan tuloy napag-aagawan ako.

"Chiki."

Alam ko na darating sya kahit hindi ko sya sabihan. Alam ko yun.

"Dyakol.."

Hinarap ko sya, nakangiti sya sa akin. Pero yung ngiting may iniindang sakit, takot, pag-asa at lungkot. Kung pwede ko lang na alisin yun, nagawa ko na. Pero paano? Ako din naman yung may dahilan kung bakit nya nararamdaman yan.

"Ano 'yung sasabihin mo?" tanong nya. Tanong na para bang umaasa pa, na nagbabakasakali pa. Baka pwede nyang ipaglaban, baka pwede syang humabol.

Pero hindi.

Hindi pwede. Dahil pare-pareho lang kaming mahihirapan.

"Sorry." unang salita ko palang pero bumagsak na ang balikat nya. Tanda ng pagsuko,tanda ng wala ng pag-asa para lumaban pa.

"Hindi na ba talaga pwede? W-wala na ba talagang pag-asa?"

Ngumiti ako. "Wala na."

Ngumiti sya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Sya na ba talaga,Chiki? S-sya na ba talaga?" pumiyok ang boses nya. Basag na basag katulad ng puso nya ngayon.

"Ayokong paasahin ka,  ayokong saktan ka dahil alam kong sobrang nasasaktan kana. Ayokong magdulot ng panibagong sakit. Tama na yung ilang beses na nasaktan kita ng palihim,ng harapan at talikuran. Tama na 'yon."

Lumuhod sya. Lumuhod sya, hinawakan nya ang kamay ko.

"Please, Chiki? A-ako nalang. S-sige na naman. Mahal na mahal kita eh, please?"

Ang sakit. Ang sakit makitang nagkakaganito sya dahil sa akin, na ako pa talaga yung dahilan.

"Tumayo ka dyan, please."

Umiiyak na din ako, nasasaktan ako dahil nakikita ko syang nasasaktan dahil sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pagod na rin ako. Pagod na akong masaktan.

"H-hindi ako tatayo hanggat hindi mo ako pinagbibigyan. C-chiki naman."

Tumayo sya ay niyakap ako. Mahigpit na mahigpit, tipong ayaw na akong pakawalan.

"W-wala ba talaga? Kahit kaunti? W-wala ba?"

Umiling ako. Sorry,pero kaibigan. Kaibigan lang.

"S-sige. Hindi ko na ipipilit, hindi na. Pero hayaan mo munang yakapin kita. Susulitin ko muna 'to,please?" tumango ako at hinayaan syang yakapin ako.

"Mahal kita, mahal na mahal kita Chiki. Mahal kita na kahit hindi ako yung mahal, mo tatanggapin ko. Kahit a-ayaw mo, hindi ko ipagpipilitan pa. Ang hirap naman palang kalaban ni Daksen, daks na daks ba?" biro nya pero alam kung umiiyak sya dahil nababasa yung damit ko.

Im so sorry. Sorry, sorry.

"Mahal kita, Chiki. Sobra, sobra. Pero bakit kasi hindi nalang ako? Ako nalang sana yung minahal mo."

Sana nga ikaw nalang pero mas mahal ko sya.

Umalis sya sa pagkakayakap sa akin. Tinignan nya ako mata sa mata, binabasa ang buong pagkatao ko. Mamula-mula ang mata nya, at tumutulo ang kanyang luha.

"Hindi na kita gagambalain pa. Pero ipangako mo, ipangako mo sa akin. Magiging masaya ka sa piling nya, na mamahalin ka nya hanggang mamatay sya. Iingatan at rerespetuhin ka nya gaya ng pag-iingat at pagrespeto ko sayo. Ipangako mo, Chiki na magiging masaya ka sa kanya."

Ngumiti ako at tumango. "P-pangako."

Nginitian nya ako at hinagkan sa noo. "Pinapalaya na kita sa puso ko, kahit di ka naging akin. Mahal kita, mahal na mahal. See you soon, mag-iingat ka palagi ha?"

Tumango ako.

"Paalam."

"Paalam."

Nginitian nya ako sa huling pagkakataon bago ako nya ako tuluyang tinalikuran. Pinagmasdan ko syang naglalakad, papalayo sa akin. Ang sakit pala, ang sakit palang makitang lisanin ka ng isang taong naging importanteng bahagi ng buhay mo.

Pero, masaya ako. Dahil nabunutan na ng sakit sa puso ko. Masasabi kong mabuti na 'to, para sa aming dalawa.

Mananatili pa din syang bahagi ng buhay at puso ko. Mahal ko sya,bilang kaibigan. Ngayon kung paglayo ang magiging daan nya upang maalis ang sakit na naging dulot ko. Sino ba ako para hadlangan sya? Gusto ko pagbalik nya, ayos na sya at wala ng sakit pa.

Nung araw na umalis sya ay ang araw kung kelan nagpropose sa akin si Daksen ng kasal. Masasabi kong, nasaktan man ako pero naging masaya din.

"Yes, I'll marry you Daksen."

"Oh god, thank you!"

"Mahal kita."

"Mahal na mahal kita, Mrs. Dyutay!"

--

The next page will be the last part of this story. I hope you like it, thank you!

Binibining Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon