Binibining Medyo Bastos #14

314 5 19
                                        

14.

Maaga akong nagising ngayon. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin ako dahil ang sama ng pakiramdam ko, ang sakit ng mata ko parang nabaldado kakaiyak.

"Anong nangyare sa mata no 'te? Mukha kang new version ng Panda." sabi ni Bangus habang kumakain ng saging. Sa lahat ng klase ng isda, sya ang naiiba.

"Kinagat ng ipis 'yan." sagot ko at naupo sa mesa.

"Ipis tapos may lalim ng eyebags? Ginagago mo ba ako ate?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Bakit minumura mo ako?!"

Nagkibit balikat nalang sya at nagpatuloy sa pagkain ng saging. Hindi pa ako nakakasandok ng kanin, ng may kumuha na noon sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Dyakol iyon, maaliwalas ang mukha pero di maitanggi ang pamamaga ng mata. Nag-iwas ako ng tingin, naalala ko na naman yung nangyari kagabi.

"Ako na maglalagay sa'yo." aniya tumango nalang ako at di sya tinignan.

Matapos nya akong lagyan ay naupo sya sa harapan ko. Hindi ko sya tinignan ulit, inabala ko ang sarili ko sa pagkain kahit pa alam kong nakatitig sya sa akin.

"Ma'am Chiki, nandyan na po si Sir Daksen." sabi ni Manang Iyot kaya tumayo na ako at umalis doon ng hindi nililingon si Dyakol.

"Manang, nasan po?" tanong ko habang naglalakad patungo sa sala.

"Nandon po sya nakaupo lang." sagot naman nito.

Naglakad ako patungo sa direksyon ni Daksen. May bitbit na naman syang mga kung ano-ano. Bulaklak, tsokolate at may ilan pang naka-paper bag.

"Aga ha?" bungad ko.

Napangiti naman sya at biglang tumayo. Ang sungit sa iba, pagdating sakin umaamo. Hays, iba na talaga ang ganda ko.

"Goodmorning, babe." aniya. Kinilig naman ako don, pero syempre di ako nagpahalata pabebe muna dapat.

"Di ako baboy, leche." sabi ko at ngumuso.

Napailing naman sya at natawa. "Kumain kana ba?"

"Oo, ikaw ba?"

Tumango sya ng bahagya. "So.. let's go?"

Napakunot naman ako ng noo, san ang punta namin? Alam ko si Dora ang gala eh, kelan pa kaya naging Dora si Daksen? Baka naman sya talaga ang tunay na Boots?

"San tayo?"

Ngumisi naman sya. "So, tayo na pala. Kelan mo ako sinagot?"

Sumimangot naman ako. "Tigil-tigilan mo akong Daksen Dyutay ka ha. Ipapalapa kita kay Manang Iyot."

Tumahimik naman sya at nagseryoso. Oha, sabi sainyo eh sakin lang 'to nagtitino.

"Goodboy."

"Be thankful dahil mahal kita, dahil kung hindi kita mahal kanina pa kita na torture." seryosong saad nya.

"Okay,natakot ako."  walang ganang sabi ko at umalis don ng walang sabi.

"San ka pupunta?"

"Maliligo na, sasabay kaba?" pagbibiro ko.

Nanahimik sya at di na nagsimula. Hula ko, na turned on na sya. Ibang klase talaga ang isang Daksen, ang bilis bumigay.

Habang naglalakad ako patungo sa taas,nakasalubong ko naman si Dyakol. Seryoso at walang-imik. Kahit na naiilang ako ay pinilit kong maging maayos ang itsura para sa kanya, wala naman kasi syang alam kagabi. Kaya bakit ko sya iiwasan?

"Good morning!" masiglang bati ko ay nginitian sya.

"Morning." seryosong sabi nya, cold at walang mababakas na emosyon.

"Uh, maliligo lang ako ha? Aalis kasi kami ni Sir Daksen ngayon." sabi ko at tipid na ngumiti sa kanya.

Pahakbang na ako ng bigla nya akong higitin at yakapin. Nagulat ako sa ginawa nya, hindi kaagad ako nakagalaw dahil halo-halo ang nararamdaman ko.

"Chiki. Pwede bang.. akin ka nalang?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ako makapagsalita. Natatakot na baka magkamali ng sasabihin.

"Pwede bang.. ako nalang?"

Dyakol..

"Pwede bang sakin ka nalang sumama?"

Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako at tahimik na umiiyak dahil ayokong malamang nyang umiiyak ako.

"Pwede bang sakin kalang ngingiti ng ganon? Pwede ba 'yon?"

"D-dyako--"

"Pwede bang.. mahalin mo ako?"

Napaiyak ako ng sobra dahil sa sinabi nyang iyon, basag ang boses at ang higpit ng yakap sa akin. Para bang ayaw akong pakawalan.

"Ang lapit mo nga sakin pero ang hirap mo namang abutin. Ngumingiti ka nga pero hindi naman ako ang dahilan. Nagmamahal ka pero hindi para sa akin, kundi para sa iba." aniya. Habang paluwag ng paluwag ang yakap nya.

"Gusto kitang ipagdamot sa iba. Gusto kong itali ka sa mga kamay ko, gusto ko akin ka lang pero. Kelan ka ba naging akin? Naging akin kaba talaga? O naging akin ka kasi dito ka nakatira?" tanong nya at iniharap ako sa kanya.

Oh god! Umiiyak sya sa harapan ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Nasasaktan ako at halo-halo ang nararamdaman ko.

"Kagabi alam kong narinig mo ako.. Chiki, hindi ko pipilitin kang mahalin mo ako pero pwede ba? Hayaan mo akong mahalin ka sa paraang gusto ko? Kahit wag mo na akong mahalin pabalik kahit ako nalang yung magmamahal sayo. Kahit ako nalang yung masaktan, kahit ako nalang. Kahit ako lang, pero wag mo akong papalayuin."

Umiiyak lang ako sa harap nya. Walang masabi.

"Ang hirap mong layuan, nakuha mo kasi yung buong pagkatao ko." natawa sya pero alam mong peke. "Wala akong minahal na babae bukod sayo, ang unfair 'no? Nagmamahal ka lang pero nasasaktan ka at the same time. Bakit kaya di tayo magawang mahalin pabalik ng taong mahal natin?"

"D-dyakol."

"Shh." ngumiti sya sa akin. "Mahal kita pero ayokong palayain ka dahil una palang malaya ka na talaga." he said and kissed me on my forehead. "Mag-ayos kana, aalis pa kayo." at nililis ya ang mga luha sa aking mata.

Umalis sya doon ng hindi ako nililingon. Ako? Nakatayo doon habang pinagmamasdan syang unti-unting nawawala sa paningin ko.

Bakit ang sakit? Bakit kelangan may masaktan? Bakit isa lang ang puso?

Kung pwede ko lang baguhin ang takbo ng puso ko, malamang sya na yung minahal ko. Kung pwede ko lang baguhin ang takbo ng mundo at ibalik ako sa panahong hindi ko sila kilala pareho gagawin ko. Kahit ako nalang yung masaktan,wag lang silang dalawa. Wag lang si Dyakol at si Daksen.

Pero tao lang ako. May limitasyon at hangganan wala akong kapangyarihan para gawin 'yon.

Ang sakit lang dahil, nagparaya at nasaktan sya dahil sa akin. Ganon naman siguro talaga pag nagmamahal ano? Magpaparaya, masasaktan at iba pa. Pero ganon nalang ba 'yon?

Ganon na lang ba, Chiki?

--

Author's Note.

So, sorry po sa napakatagal na update. Busy rin po kasi sa pag-aaral, and thank you sa patuloy na pagbabasa sa Binibining Medyo Bastos at sa pagsuporta sa loveteam nila.

Malapit na po itong matapos konting kembot nalang.

Thank you and enjoy reading.

Feel free to comment about your thoughts,feelings and opinion about it. I'll read it po.

Binibining Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon