Binibining Medyo Bastos #13

271 8 8
                                        

13.

Kagaya ng sinabi ni Daksen, hindi sya tumigil sa kalokohang ginagawa nya. Hindi ko nga alam kung anong kalokohan ang naisip ng tukmol na'yon dahil kung ano-ano ang pinaggagawa.

Pinapakain ako ng kung ano-ano. Binibigyan ako ng bulaklak, hinahatid-sunod. Naiihi na nga lang ako sa kilig eh.

"Manliligaw mo ba yun?" tanong ni Dyakol isang araw nung hinatid nya ako.

Napangiwi naman ako. "Oo, Dyakol maganda ako pero yun si Daksen manliligaw ko? Hindi. Baka managinip nalang ako." biro ko.

Hindi sya umimik. Nanatili syang tahimik hanggang maihatid nya ako, para nga syang may dark aura. Yung bang, magtatransform sya as "Devil" syempre joki-joki lang.

"Kumain kana?" bungad ni Sir Daksen sa akin, tumango nalang ako at dumiretso sa table ko. Kaagad kong binuksan ang laptop ko at tinignan ang mga files doon.

Sa loob ng pananatili ko dito. Madami ng nagbago sa akin, kagaya ng mas gumanda at sumexy ako. Charot.

"Kain tayo mamaya." aniya kaya tumango ako ulit.

"Can't you speak? I want to hear your voice."

"Oo nga." arte kasi eh.

Natapos kami sa trabaho at eto kami ngayon,kumakain sa isang sikat at mamahaling restaurant. Tahimik lang kami, at alam kong pinagmamasdan nya akong kumain. Naiinggit ata sakin 'to eh.

Minsan di ko talaga malaman kung lalaki to o hindi eh. Kasi lagi syang nakatitig sakin, ewan ko ba kung naiinggit sya sa akin or what. Tanungin ko kaya?

"Daksen."

"Bakit?"

Tatanungin ko ba talaga?

"Bakla kaba?"

Bigla nyang naibuga yung kinakain nya at tumama yon sa mukha ko! Kinginang yan, ang ganda-ganda ko ngayon tapos bubugahan lang nya?!

"What the fck?! Oh god! I'm sorry!" sabi nya at nagmadaling pumunta sa harapan ko ag pinunasan yung mukha ko.

Nakarinig ako ng tawanan at bulungan. Letse kasing lalaking 'to, bugahan daw ba naman ako eh. Kung gusto nya pala ng bugahan, sana sinabihan nya ako para nakapaghanda ako!

"Sorry."

Tumango nalang ako at bumuntong-hininga. Naamoy ko pa yung lasa nung naibuga nya sa akin.

"Bakit mo ba naitanong 'yon? Hindi ako bakla okay?!" pagalit nyang sabi.

"Aba? Malay ko ba. Palagi ka kayang nakatingin sakin o di kaya'y nakatitig, kaya naiisip ko baka naiinggit ka sa beauty ko noh!"

Natawa naman sya at umiling. "Na-ah,its just hindi ko lang talaga maiwasang hindi mamangha sa mukha mo. You're beautiful, you are."

Namula naman ako. Ih,ano ba! Kinikilig kaya ako,buti nalang yung pempem ko behave. Hays.

Matapos non, nagmall kami. Binilhan nya ako ng damit kasi daw yung sa nangyari kanina. Sabi ko naman, kasalanan ko naman iyon kaya okay lang.

Umuwi akong masaya, masayang-masaya. Akala nga nila Mudrachakabels, baliw na ako eh kasi daw tawa ako ng tawa.

Nung makarating ako sa kwarto ko. Napansin kong bukas yung kwarto ni Dyakol, magkatapat lang kasi yung room naming dalawa. Sumilip ako,nakita kong hawak nya yung gitara nya at nag-strum sya.

" Di ko man maamin

Ikaw ay mahalaga sa akin

Di ko man maisip

Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip

Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin."

Ang ganda talaga ng boses ni Dyakol, tapos ang gwapo nya pa. Bagay talaga syang maging isang singer, tapos ako magiging number one fan nya.

Pero bakit parang ang lungkot nya? Siguro, di nya maamin dun sa taong gusto nya na mahal nya yon? Hays.

" Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana ay iyong naririnig

Sayong yakap ako'y nasasabik."

Bakit hindi nya kaya aminin? Ganon ba kahirap umamin? Masakit ba? Mahirap ba?

Nagkaroon ako ng maraming ex pero, hindi ko naman naranasan umamin duh. Sila kaya umaamin sa akin, ganda ko eh.

"Ayoko sa iba

Sayo ako ay hindi magsasawa

Ano man ang iyong sabihin

Umasa ka ito ay diringgin

Madalas man na parang aso't pusa

Giliw sa piling mo ako ay masaya

Pilit mang abutin ang mga tala

Basta't sa akin wag kang mawawala."

Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Bakit nasasaktan ako? Ano bang meron sa puso ko at nagiging emotional lately?

"Chiki."

Nagulat ako ng bigla nyang banggitin yung name ko. Hala? May kausap ba sya? Akala nya ako? Nababaliw na ba sya?

Papasok na sana ako ng matigilan ako sa narinig ko.

"Gusto kita. Hindi mali pala, mahal kita. Mahal na mahal kita.."

Nakayuko sya at pinupunasan ang mga luhang tumulo sa kanyang mata.

"Mahal kita, pero bakit di mo dama?" tanong nyang muli na para bang naroon ako.

"Mahal kita, pero bakit hindi mo ako mahal?"

"Mahal kita, pero bakit ang sakit?"

Hindi ko alam kung ilang minuto, segundo, oras na akong nakatayo doon. Umiiyak at tahimik na nakikinig kay Dyakol. Para syang bata na pinagkaitan ng saya, at kasalanan ko 'yon.

"Mahal kita kahit ang sakit. Ang sakit sakit na."

Shit.

"Mahal kita kahit hindi mo alam."

Bakit ang sakit marinig 'yon kay Dyakol? Kelan? Kelan nya pa ako mahal? Kelan pa sya nagkaganyan dahil sa akin? Bakit? Bakit ako? Bakit ako pa naging dahilan ng sakit na nararamdaman nya.

"Gagawa ako ng paraan maging akin kalang. Pero kung ayaw mo man, sige hihinto ako. Pero hindi doon matatapos ang pagmamahal ko."

Tumalikod na ako doon, hindi ko na kasi sya kayang pakinggan pa. Baka mabreak-down ako. Tumakbo ako sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot, umiyak ng umiyak.

Ang sakit, ang sakit sakit kasi wapa akong magawa para maalis yung sakit na.nararamdaman nya. Ang sakit kasi ako pa yung naging dahilan kung bakit sya nasasaktan, ang sakit kasi nakita ko syang umiyak dahil sa akin.

Ang sakit to the point na gusto ko ako nalang masaktan wag nalang si Dyakol.

"I'm so sorry, I'm so sorry dahil sakin nasasaktan ka. I'm so sorry Dyakol. Sorry kasi umiiyak ka sakin." sabi ko iniisip na.nasa harapan ko sya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko sya haharapin? Ano?

Lupit talaga ni Tadhana, biruin mo? Nagawa kaming paglaruan ano kayang trip nito sa buhay?

Sa sobrang pagod na siguro ay kaagad akong nakatulog. Mugto pa ang mata ko non bago pumikit kaya alam kong paggising ay mugto itong muli.

Walang ibang nasa isip ko nung panahong iyon ay kundi si Dyakol lamang.

Si Dyakol na umiiyak at nasasaktan dahil sa akin.


Binibining Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon