2.
"Hayaan mo silang maghabol sayo!"
Nagising naman ako dahil sa ingay na naririnig mula sa sala. Kinamot ko ang ulo ko at tumayo mula sa kutson na hinihigaan, di ko alam na nakatulog pala ako. Lintik kaseng Sundot Baluyot na yan eh! Pati ata sa pagtulog ko namemewirsyo.
Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang ingay na'yon. At doon nakita ko ang magaling kung kapatid na si Bangus na sumasayaw ng Hayaan Mo Sila. Kasama ang kanyang tropa na kung tawagin ay Tumbong Gang. Hinayupak na'yan, sa dami ng pwedeng ipangalan Tumbong pa ang naisip.
"Bangus!" sigaw ko. Napatingin naman silang lahat sa akin, napangiwi naman ako ng makita si Jimbo at ang kakambal nyang si Jumbo. Oo nga pala, tropa sila ng kapatid ko.
"Baket, Ate Chiki?"
Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Pwede ba? Dun nga kayo sa labas sumayaw! Nakakaistorbo kayo ng tulog eh!" sigaw ko.
Bigla namang tumayo si Jimbo at Jumbo. At naglakad palapit sa akin, pinag-krus ko ang aking mga kamay at tinaasan sila ng kilay. Aba! Ang lalakas ng apog magsipaglapit sa dyosang si ako? Hindi pwede yon!
"Chikibeybs, bakit ang highblood mo ata ngayon?" tanong ni Jimbo with smile pa. Kala mo naman, killer smile ang tang-in*
"Hoy, Jimbo! Tantanan mo nga si Chikibaby ko!" anas ni Jumbo sabay tingin sa akin. "Nagugutom kaba?" aniya.
"Hoy mga alagad ng shokoy! Magsipaglayas nga kayo sa harapan ko! Hindi ako tumatanggap ng lamang dagat, kaya tsupe!"
Sumimangot naman sila at bumalik sa kanilang pwesto kanina. Kinuha naman ni Bangus yung speaker nila at lumabas na, sumunod din naman yung grupo nyang Tumbong Gang. Pero syempre bago 'yon, nag flying kiss si Jimbo at kinindatan naman ako ni Jumbo. King-in* kala mo ke ga-gwapo!
Pumunta ako sa sala at kumuha ng tubig sa ref. Taray ano? May pa-ref pa kaming nalalaman eh madalas naman kaming umutang kay Aling Babang. Wag kayo, second hand lang yan.
"Chiki, Chiki Nini! Chiki Nito, Chiki bangbang!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Ysang Bunot pala, kaagad ko syang sinamaan ng tingin. Kung ano-ano tinawag sa akin eh CHIKI NINI lang naman yon!
"Hehe, nandito ka pala.." aniya.
"Anong kelangan mong Ysang Bunot ka ha?" sabay lapag ko ng baso. Actually, Ysang talaga name nya tapos Bunot apelido. Ang lupet ng name nya ano? Parang ako lang.
"Chiki Nini naman, hard sa name ko ha? May liga sa Barangay Ninakawan mamaya. Punta ka? Balita ko nandon si Sundot Baluyot kasama yung bago nya.."
Ay taray? Kakahiwalay lang namin last week tapos may bago na agad? Ibang klase, nakaSundot na naman sya!
"Sinong bago nya?" kuryosong tanong ko. Hindi dahil sa mahal ko pa sya, I just want to know kung deserving ba este mas maganda ba yung pinalit nya sa akin.
"Ah, si Fandak Salimani.." napa-angat naman ang kilay ko. Hinayupak na Sundot yan! Ipagpapalit nalang ako sa kampon pa ng mga shokoy!
"Ay talaga? Bagay sila. Lamang dagat pareho." walang ganang sabi ko. "Hindi ako manunuod. Sabihin pa ni Sundot, sinusuportahan ko sya lalaki na naman ulo non.."
"Saang ulo? Taas o baba?"
Ngumiwi naman ako. "Baba siguro, kaso jutay naman 'yon kaya balewala din.."
Natawa naman sya. "Nakita mo na? Nakita mo na? May nangyare naba sa inyo ha?"
"Hoy Ysang Bunot! Kahit ganito ako, virgin pa din ako ano! Inside and out!"
Natawa naman sya at umiling. Aba? Mukhang di pa talaga naniniwala sa akin 'to?!
"Hay nako! Hindi ko ugaling magsabi ng kung ano-ano sa sarili ko ha? Aba, kahit best bestfriend kita, matuto kang malaman kung anong meaning ng privacy!"
Tumawa nalang sya at tumalikod na. Sumunod naman ako sa kanya, doon ko nakita ulit ang Tumbong Gang na sumasayaw ng Hayaan Mo Sila. Diba sila nagsasawa kakasayaw nyan? Kala mo naman talaga mga niloko, eh sila pa nga nanloloko dapat sila yung hinahayaan.
"Malulusaw ka ata sa tingin nung
kambal.." sabi ni Ysang. May hawak syang hotdog at napatanga nalang ako kasi sinusubo at niluluwa nya kala mo nag boblow out."Sarap.." aniya. Iniwas ko naman ang tingin ko doon at napalingon kay Jimbo, ang gago kala mo nablow-out kase nakatingin sya kay Ysang tapos hawak-hawak nya yong talong nya. Oo, hawak hawak nya tapos minamasahe pa nya.
Lokong 'to, dito pa naisip na magsarili! Nakakahiya, yuucks!
"Oy, tang-in* ka! Dito kapa nagsarili!" sigaw ni Jumbo tapos binatukan si Jimbo. Kinindatan naman ako nito at dinilaan ang kanyang labi. Napailing ako at umarteng nandidiri na talaga namang nakakadiri.
Umalis ako don at naglakad-lakad. Habang naglalakad ako ay pinapanuod ko ang mga kapit-bahay namin na walang sawa sa pagbi-binggo. Mga nag-iinuman, tawanan. Mga naninigarilyo, nako never in my life na pinangarap kong maging ganto ang buhay ko. Bwiset kase yung tatay ko eh, iniwan kami at ipinagpalit sa mayamang bakla!
"Miss?" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. At sheteng palaka, ang gwapo! Yung mata nya, nakakalaglag panty! Napahawak ako sa short ko at kinapa ang garter ng panty ko baka nalaglag na e.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Ulam na ulam ang dating, kanin nalang kulang. Nagulat ako ng iniabot nya ang kamay nya sa akin. Nagtataka naman ako, hala? Bastos ako pero ayokong ibigay ang buong ako sa stranger ano!
"Daks kaba?" nanlaki yung mata ko nung masabi ko 'yon. Sya naman napakunot ang noo at namula ang mukha, napatingin sya sa baba at ako den dun sa ano gitna ny pantalon nya. Napanganga naman ako, daks nga!
"W-what do you mean miss?" aniya ng makabawi sa sinabi ko.
Hala, englishero? Pasalamat sya naintidihan ko.
"Ah, ang sabi ko anong gagawin ko dyan sa kamay mo?" shet na malagkit! Yung bunganga mo nga minsan, ayus-ayusin mo!
"Ah, I just want to ask kung may kakilala kang Demi Lakimata dito?" aniya. Demi Lakimata? Wala wala naman akong kilala kaya umiling ako.
Ngumiti naman sya sa akin, ganon din ako. Ay shet papabols, hulog ata ng langit to. Kaso di naman sya si Lucifer kaya bakit hulog ng langit?
"I'm Daksen Dyutay. Nice to meet you."
Ay? Daks na nga Jutay pa?

BINABASA MO ANG
Binibining Medyo Bastos
HumorAng istorya na magsasabi sa inyo na hindi lahat ng binibini, inosente. Yung iba bastos--slight lang. Ang istoryang, hindi lang iikot sa tuwa at saya. Kundi iikot din ito, sa lungkot at sakit. At hindi lahat ng nasaktan at naloko ay hindi na pwede pa...