PANGKALAHATANG PANUTO. Sunding mabuti ang mga pahayag na sumusunod upang maging epektibo ang modyul.
Kasalukuyan
11:47 AM
Ginising ako ng ilang sinag ng araw na nakalusot sa mga pagi-pagitan ng kurtina. Nakalimutan kong taasan ang thermostat ng aircon bago ako makatulog. Nasa sahig na ang paborito kong dantayang unan, kasama ang mga nakakalat na handouts, notebooks, fillers, at ilang libro.Laman kasi ng study table ko ang lahat ng bagay na binigay mo, simula sa pinakamaliit na keychain, hanggang sa pinakamakapal na libro. Nasa tabi rin ang storage box na paglalagyan ng mga ito. Ilang gabi ko narin kasi silang inaayos simula noong umalis ka, naniniwala kasi ako na mahalaga parin naman ang mga ito pero out of place na sila dito sa bahay.
'Wag kang mag-alala 'di ko sila itatapon o susunugin, ipapatago ko lang.
Bumangon ako at kinuha ang tasang may natuyong kape sa ilalim. Nakatatlong tasa rin ako kagabi.
Sana masarap ang naging tulog mo; 'di tulad ko, madaling araw na pero lunod parin sa mga ala-ala natin at mga luha.
Habang pinakikiramdaman ng aking mga daliri ang naka-imprentang '2000' sa tasa, iniisip ko kung papasok ba ako at titiisin ang sakit at panlalamig na galing sa'yo o hindi na. Pero kahit ano naman piliin ko, iiyak at iiyak din naman ako sa dulo.
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
JugendliteraturIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...