PANGKALAHATANG PANUTO - iii

19 0 0
                                    

3:12 PM
Afternoon break kaso nag - overtime si Sir Pineda, kala naman niya magaling siyang magturo. Inaya ako nina Marius at Janjan na pumunta sa canteen pero wala akong gana. 'Di parin kita nakakausap. Si Ej naman ay nasa kambal, nakikipagkwentuhan. Nagsimula nanamang lumabo ang paningin ko dahil sa nangingilid na luha kaya dumukdok ako agad. Umalis na 'yung dalawa.

4:31 PM
Cleaners pala kami ng room, pero sabi ni Grace na pwede na akong maunang umuwi. Naiintindihan nya daw.

Alam mo Grace, wala kang naiintindihan. Hindi mo alam 'yung sakit.

Nakita ko ulit yung maroon mong bag, ngayon ay nakasukbit na sa mga balikat mo. Masaya kang nakikipag kwentuhan kila Marius at sa ilan nating mga kaklase habang naglalakad kayo pauwi.

Nagba - bye nadin si Janjan at Ej. Nandyan na daw yung sundo nila.

Buti pa 'yung tatlo noh, okay sayo.

10:04 PM
Gising pa yung mga tao sa baba, baka nanonood pa si Timo ng paborito niyang cartoons. Ang bata bata pa, marunong nang magpuyat. Mana ata sa kuya niya.

Habang nakahiga sa kama, nagbukas ako ng Messenger at dumertso ako agad sa chat box natin. Active ka. Kaso naka - block parin ako sa convo natin eh.

Kyle: (January 26 at 8:32 PM) Nakakalungkot lang at sayo pa mismo nanggaling. Di ko inaasahang ikaw ang gagawa sakin noon. Ikaw pa naman yung pinakaclose ko. Sayang yung apat na taon nating pagkakaibigan.
Nico: (January 26 at 8:33 PM) Patawarin mo na sana ako, di ko sinsadya. Namisunderstood mo lang.
Nico: (January 26 at 8:33 PM) Pwede ba kitang tawagan?
Kyle: (January 26 at 8:40 PM) Sorry, di ko masasagot tawag mo. Baka maiyak lang ako.
~
Nico: (January 27 at 7:30 PM) Kyle, patawarin mo na ako. Di na mauulit.
~
Nico: (January 28 at 7:28 PM) Kyle, basta pagkatiwalaan mo parin yung tatlo. Kahit di na tayo magka-ayos.
~
Nico: (Yesterday at 7:34 PM) Kyle, maaayos pa ba natin to?
(!) Message could not be sent. Tap for details.

Ay, may assignment pa pala kami sa PR. Mamaya na 'tong iyak ko.

Mga Salungguhit at Modyul ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon