11:37 PM
(ben10; Group chat ng year level namin)
Prezzi (@Marius): (January 6 at 11:37 PM) Guys, namatay na daw si Sir DibsMedyo kinilabutan ako sa chat na yun ni Prezzi. Mas lumamig pa yung binubugang hangin nung aircon. Teka, nasan ba remote nito? Kinakabahan na ako hanep.
Bumalik ako ulit sa phone ko at bumukas naman ang chat head namin ni Kyle. Buti nalang...
Kyle: (January 6 at 11:37 PM) Alam mo 'yung movie na ano
Kyle: (January 6 at 11:37 PM) Nakalimutan ko na 'yung title
Nico: (January 6 at 11:37 PM) PATAY NA DAW SI SIR DIBS?
Kyle: (January 6 at 11:38 PM) Ang intense ng pagkatype ah
Kyle: (January 6 at 11:38 PM) Oo nga daw
Nico: (January 6 at 11:38 PM) Kawawa naman
Kyle: (January 6 at 11:38 PM) Ano na yung title ng movie?
Nico: (January 6 at 11:38 PM) Waw. Bilis magpalit ng topic
Kyle: (January 6 at 11:39 PM) Owa HAHAHA6:28 AM
Habang isinusuot ko ang pangalawang butones ng PE uniform namin (polo shirt kasi siya na blue at black and white na jogging pants), nag - notif 'yung phone ko. Si Kyle. Ang aga na namang mang-aasar. Tuluyan ko nang ipinasok ang butones at kinuha ang phone kong nakalapag sa bagong tuping higaan.Kyle: (January 7 at 6:28 AM) Oy oy punta daw tayo kila Sir Dibs mamaya. Dala ka ng extra shirt tas pera, sa pangmayaman daw tayo magpapagpag HAHAHA
Nico: (January 7 at 6:28 AM) Pangmayaman?
Kyle: (January 7 at 6:28 AM) Joke, McDo lang daw
Kyle: (January 7 at 6:28 AM) Pero dala ka ng marami10:18 AM
Klase sa PreCal kaso tamad na tamad na ako. Madaming formulas, kelan kaya quiz dito. Baka demonyohin na naman si Sir Roman at magpa - quiz bigla bigla. Puro situational problems pa naman. A tunnel, having a height of x ft... bla... bla...May nag - vibrate sa bulsa ko. Phone ko pala. Bagong message? Wait, ibig sabihin naiwan kong nakabukas 'yung data? Hala, yayaman na naman ang Globe.
Yanna: (January 7 at 10:23 AM) Walang lit mamaya, may meeting daw si Ma'am Oresa tsaka apektado rin sched ni Diane, pero baka magpa - papers lang siya.
Yanna: (January 7 at 10:23 AM) Tutuloy mo na ba?Magrereply sana ako kaso may pabiglaang boardwork. Demonyo nga. After ng ilang minutong bunutan ng kapartner, si Angge napunta sakin. Ayos, pang MTAP, kahit konti nalang itulong ko sure na mataas score namin.
2:04 PM
'Di nga pumasok si Ma'am Oresa tsaka wala ding teacher 'yung kabilang section. Gawin ko na ba? Kaka-usapin ko na ba? Habang naghihintay ng sagot ng guardian angel ko, nakita ko si Kyle na kinakausap si Anna. So, sila na nga. Bumulong ngayon yung demonyo sa kaliwang balikat ko.Okay, sigurado na ako.
Hinanap ko kaagad si Beth. Nakita ko siyang nakaupo sa sementadong bench na nasa labas ng room namin. Mukha namang wala siyang ginagawa. Nilapitan ko siya.
"Beth," nakuha naman noon 'yung atensyon niya. Lumingon siya. "Usap tayo?"
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
Teen FictionIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...