i

25 1 0
                                    

Nakaraan

11:32 PM
"Tingnan mo dali! Shooting star!"

Sabi mo sabay turo sa malawak na kalangitan. Sinundan ng galaw ng iyong hintuturo ang daang tinahak ng bulalakaw, isang linyang pahilis. Isang hiling.

Naglalakad tayo sa isang lansangan, sa ilalim ng tumatawang buwan at mga nagsasayawang bituin. 'Di natin alintana ang mangilan-ngilang sasakyan na dumadaan, tila ba meron tayong sariling mundo.

Adventure to! pamimilit mo.

At kasabay ng paglalim ng gabi ay ang paglalim din ng pagkakakilala ko sa'yo.

Mga Salungguhit at Modyul ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon