LAYUNIN. Naisin ng modyul na ito na makapagbigay gabay sa mga taong nais makalimot ng isang tao o pangyayari.
UNANG BAHAGI. Pagtatanggal ng mga ala-ala. 1. Iwasan mo ang mga bagay na nakapagpapa-alala ng nakaraan niyong dalawa.
Kasalukuyan
4:15 AM
Nagising ako sa sunod-sunod na tilaok ng manok na pagmamay-ari ng matanda naming kapitbahay. May anak lang kasing agriculturist kaya malakas yung loob na gumawa ng farm sa loob ng subdivision namin.Pero ito ang unang disenteng tulog ko simula noong umiwas ka. Itinukod ko ang mga siko ko at sinubukang abutin ang remote ng aircon. Mabuti na lamang at hindi ako natumba. Binabaan ko ang thermostat at tuluyan nang tumayo.
Tumawag ng aking atensyon ang mga bagay na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Ang mga bagay na binigay mo. Iisa-isahin ko pa ba? Sige.
Una kong nilagay sa storage box ang Divergent ni Veronica Roth at Tales of the Peculiar ni Ransom Riggs.
Sunod ang mga keychain, dami nga n'yan eh. Mahilig ka kasing gumala.
'Yung letter na kasama nung Divergent na libro.
'Yung kulay itim na earphones na binigay mo noong huling Christmas party ng school natin.
'Yung pangalan mong nakasulat sa 1/8 na papel para sa bunutan nating magkakabarkada at panghuli yung flashdrive na ang laman ay pictures natin at mga sinulat ko na patungkol sa'yo.
Marahan kong isinara ang box at umaasa akong kahit papaano, mabawasan ang sakit at pangungulila ko sa'yo.
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
Fiksi RemajaIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...