UNANG BAHAGI. Pagtatanggal ng mga ala-ala. 2. I - delete ang mga kantang nakapagpapa-alala sa kanya.
7:58 AM
Habang pabalik na kami ng room, nakita na kita. Naglalakad ka, galing ka ng cr habang ang bag mong maroon ay nakasukbit pa sa mga balikat mo.Habang ako ay nakatingin sa'yo, 'di ko namalayan ang marahang pagtapik ni Migs ang balikat ko, nagpapaalam na papasok na siya sa room ninyo.
Pero kahit na ilang metro lang ang layo nating dalawa, dama ko ang pag-iwas mo. Damang dama.
Hindi ako nag-atubiling lumihis at maingat na lumayo sa direksyong tinatahak mo; pero 'di ko pa rin inalis ang tingin ko sa'yo.
Ikaw ay ulan-
ang panlalamig mong dala ay nag-iwan ng basa sa aking mga pisngiPasensya ka na, alam mo namang iyakin ako.
8:04 AM
Nilagpasan ko ang kahoy na hamba ng pinutan. "Sorry po Ma'am, nalate ako. Pwede pa po ba akong pumasok?"9:00 AM
Nag-aaya sila Prezzi na pumuntang canteen, pero alam naman na nila 'yung sagot ko.Ayoko.
Umalis na sila.
Kinapa ko ang phone ko sa aking bulsa. Nandoon pa naman siya. Nagpapasalamat ako at hindi siya nahulog noong pag-upo ko. Wait, asan earphones ko?
Nasulyapan ko ang paglalakad ninyong apat papuntang canteen. Nagkwekwentuhan kayo.
Oo nga, parang mas maganda na wala ako.
Agad kong sinuot sa tainga ko ang earphones at kinabit ang kabilang dulo sa phone ko. May apat akong playlists. Ang GENERAL, laman ang lahat ng kantang trip ko; CHILL, kapag pachill - chill lang; MOOD 1, naglalaman ng mga pangwasakang kanta at ilang spoken word pieces; panghuli ang MOOD 2, na ang laman ay ilan sa mga pinakapaborito nating kanta (isama mo na 'yung mga voice records natin).
PlayerPro
Selected playlist: MOOD 2
Successfully deleted
Selected playlist: MOOD 1
Hinanap ko ang isa sa mga pinakapaborito kong piece, gawa siya ng 'di gaanong sikat na tao. Pero gusto ko ang isang 'to.
Now playing: Magkita tayo sa dulo || *o**a *a***
Nakilala kita noong ang tanging hiyaw ko ay 'suko na'
11:30 AM
Lunch na kaso 'di ka samin sumabay. At ako ang dahilan.11:45 AM
Pinipilit nila Prezzi at Janjan na maging masaya ako. Salamat.
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
Novela JuvenilIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...