iii - i

11 0 0
                                    

Nakaraan

00:00 AM
Kyle: (January 1 at 00:00 AM) Sent some attachment.
Kyle: (January 1 at 00:00 AM) Happy 2017!
Nico: (January 1 at 00:01 AM) Putek, picture mo agad yung unang bumati.
Kyle: (January 1 at 00:01 AM) Owa HAHAHA
Nico: (January 1 at 00:01 AM) Happy New Year dinn. Kain kain

Kyle: (January 1 at 00:15 AM) Sent some attachment.
Kyle: (January 1 at 00:15 AM) Tara inom
Nico: (January 1 at 00:15 AM) Loko, bawal alak sa bahay
Kyle: (January 1 at 00:16 AM) Kj HAHAHA
Nico: (January 1 at 00:17 AM) Sent some attachment.
Kyle: (January 1 at 00:17 AM) Ehe, ayaw mo talaga akong mawala laughing emoji
Nico: (January 1 at 00:17 AM) Oo naman

8:02 AM, Lunes, isang araw matapos ang bagong taon
"Ibibigay ko na 'tong tickets para sa Talent Night, pwede nyong imbitahan yung mga parents nyo ha. Papuntahin nyo," sabi ni Ma'am Lin habang nagpapamudmod.

Ano kaya tutugugin namin? Putek baka mahirap ah. Required kasi ang bawat year level na magperform, last last year nga nagsayaw kami ng Indian Dance na puro talon yung steps.

Kinalabit ko ang taong nasa harapan ng aking upuan. Si Kyle. Paiktad siyang lumingon.

"Bakit?" tanong niya.
"Anong tutugtugin natin?"
"Magasin ata, pagmi-mitingan mamaya pagkatapos ng klase ni Lin."

10:01 AM
Break na namin, double period nga pala si Ma'am Lin. Kaso tumayo agad si President Marius (Prezzi nalang para mas madali) at pumunta sa lectern. Nagugutom na ako eh.

"Diba sobrang isang linggo nalang eh, Talent Night na. Wait, nasan ba yung tatlo?" sabay baba para hilahin si Jhong, yung kaklase naming hanep sa galing maggitara kaso sobrang mahiyain. Hinahanap pa ni Prezzi yung dalawa pang hardcore.

"So ayun Jhong, anong tutugtugin natin? Yung madali lang ha, alam mo namang parehas na kaliwa yung kamay namin pagdating sa gitara."

Tawanan naman yung mga kaklase ko. Halos araw-araw na may comedy bar sa room namin kasi nandyan si Prezzi.

Mga Salungguhit at Modyul ng PaglimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon