12:37 PM
Nasa harapan na ako ng gate ng school natin. Nagdadalawang isip parin ako kung papasok ulit ako at lalagpasan ang kinakalawang na pulang tarangkahan o babalik nalang sa bahay.Pinili kong harapin ang sakit. Nagpatuloy ako.
Habang naglalakad patungo sa classroom, may ilang pamilyar na mukha akong nasalubong:
1. 'Yung isang subject teacher na parehas nating ayaw
2. Si Ate na taga - canteen
3. 'Yung pangatlong ex mo na si Trish (magkatabi kasi yung room ng Grade 10 at Grade 11), at
4. Si Mel, yung kaklase nating kaibigan ng recent ex mo (sorry pala at wala ako noong mga panahong kakabreak nyo, eh galit ka pa kasi sakin eh)Napatapat ako sa room nyo at nakita ko 'yung backpack mong kulay maroon. Mahilig ka talaga sa maroon noh? Ikaw ay may kasalukuyang kausap, nagtatawanan. Iniba ko ang aking tingin at nagpatuloy sa paglakad, hanggang marating ko ang room ko.
'Di ko pinansin ang bati/sinasabi/pang-aasar/pangungumusta ng ilan nating mga kaklase bagkus ay inilapag ko ang aking bag sa sa aking upuan at dali-daling nagtungo sa cr.
Kumalabog pasarado ang pinto ng isang cubicle at nalunod muli ako sa emosyon. 'Di ko parin pala kaya.
Isang katok ang mas nangibabaw sa aking pag-iyak. Pagbukas ko ba ng pinto, ikaw ang makikita ko? Napatawad mo na ba ako?
Isang pigura, at alam kong hindi ikaw. Si Marius, 'yung tropa nating isa.
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
Teen FictionIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...