12:41 PM
Half day kami."Tara sa bahay," pag-aaya ni Kyle. Naka - upo kaming apat sa bench (gawa sa semento at napinturahan ng pula) na nasa harap ng room namin. Bawat dumadaan ata eh na - judge na namin. Nakagawian na namin 'yung ganito. 'Yung may sarili kaming mundo.
"Eh, umuwi na si Ej." Kasama na naman siguro ulit yung kambal. Iba talaga si lover boy.
"Hayaan mo 'yun, kj naman."
"Tara na samin."
"Sige na nga."
"Arat arat."Makulimlim ang kalangitan. Natatakpan ng mga maiitim na ulap ang pang tanghaling araw, sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.
Nagsimula na kaming maglakad.
1:21 PM
"Gugutom na kami."
"Wala ba kayong pagkain dito, Kyle?"
"Luto muna kaya kayo, Kyle."
"Sigi, Nico samahan mo ako, tara."Dumating na kami sa bahay nila Kyle. Mula sa kanto diretso, liko sa kanan, isang liko sa kaliwa, diretso, huling liko sa kanan, lakad pa ng kaunti; PRESTO! bahay na nila.
Habang sina Marius at Janjan ay nasa family room, kami naman ang sasagupa sa pagluluto. Kala mo naman may binabayad sila samin, porke't frustrated chef kaming dalawa.
1:42 PM
Tapos na kaming magluto. Nakapagsend na rin ako ng pic kay Yanna na nasa bahay kami nila Kyle. Habang nag-aayos kami ng mga plato..."May sasabihin ako sa inyo mamaya," sabi ni Kyle habang nakangiti. Tumama yung plato sa counter nila nang 'di sinasadya.
"Kakabreak mo palang. Ilang weeks palang oh. 'Wag mong sabihing-"
"Uhm," sagot niya sabay tawa ng malakas. "Pano mo alam?"
"Pahinga ka din ah." May something sa boses ko, sorry 'di ko natago.
Tumawa ulit siya. "Tara na nga sa kanila."3:24 PM
Katatapos lang naming kumain. Napagdiskitahan naming mag-gitara. Akalain niyo, may apat na gitara pala itong bahay na ito. Pwede nang maging music house 'to eh.Intro [ C - E - Am - Fm]
Nang 'di na namin trip mag-gitara, naisipan nilang manood ng isang cheesy movie. Tatagal kaya ako dito? Hindi naman ako against sa ganitong genre, kaso... sige na nga, para mas matagal pa siyang makasama. Bago pa...
5:37 PM
Nakatapos kami ng movie. Ubos na rin 'yung popcorn, tanging mga mumo nalang ang natira. Napagdiskitahan ni Janjan na tumalon talon ng naka - weights."May sasabihin ako sa inyong tatlo." Na- focus ang atensyon namin kay Kyle. "May bago ako."
"Yiee, sino 'yan?" paasar na tanong ni Marius.Huminto bigla si Janjan at kinuha niya 'yung nananahimik na phone ni Kyle. Sinimulan niya itong busisiin. "Hmm, sino kaya?"
"Malalaman niyo bukas, pramis."
At bumuhos ang ulan sa labas.
BINABASA MO ANG
Mga Salungguhit at Modyul ng Paglimot
Teen FictionIlang salungguhit ba ang kakailanganin para makwento ko ang 'nakaraan' nating dalawa? Bakit ang hirap pakawalan ng mga ala-ala natin? Patuloy paring nagmumulto ang nakalipas na ikaw at ako. --- Pagpapatawad. Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad...